Chapter FourNakaramdam ako ng pagbreak ng sasakyan kaya ako nagising. Tumingin ako sa paligid and saw an unfamiliar place. Kakabahan na sana ako kung hindi lang ako napatingin sa driver at nakita si Bryce.
"Where are we?" Nagtataka kong tanong. I was still drunk pero hindi na kagaya ng kanina na naikot ang paningin ko. "Did I wake you?" Tumingin siya ng maamo sakin and for a moment my heart skipped. His eyes... yung mga mata niyang nakatingin sakin, his hazel-deep brown eyes are just so mesmerizing. Para akong hinigop sa maikling sandali na iyon.
"Anyway dumaan muna ako sa shop to get something, hindi ko na sinabi sa inyo since you're both asleep" Sumilip siya sa likuran at ganun rin ako. There I saw Rafael lightly snoring habang tulog na tulog. Sa pang-ilang beses ngayon ay namula ako. Hindi ako nakaimik at palagi naman akong nauutal pag kausap siya. Nasan na yung fierce Paige? Anong nangyari? I was myself the first time I saw him. Bakit... ganito?
Dahil ba nagkalapit kami at nakita ko siya ng malapitan? What? No! It was maybe because... because naglayas ako. Yeah, that's right. Hindi pa ako totally naga-adapt sa fact na lumayas ako sa bahay.
Bababa na sana si Bryce ng sasakyan ng makaramdam ako ng pangangailangan sa cr. I bit my lower lip at nilakasan na ang loob ko. I think being drunk helped. "Bryce" I called.
Napalingon siya sakin at naghihintay ng isusunod ko. Kinabahan ako sa mga tingin niya kaya ako napaiwas. Lumunok ako at huminga ng malalim. Abnormal talaga ang mga reaction ko lately.
Sumilip ako sa kanya at mahinang sinabi "I need to.. pee" Tumungo agad ako. Nakakahiya! Narinig ko naman siyang tumawa ng bahagya. "Sige, tara sa loob" Huminga ako ng maluwag.
Nang sana ay bubuksan ko na ang pintuan ng sasakyan ay naunahan na niya agad ako. Napatingin ako sa kanya at sinilayan niya lang ako ng ngiti. Fuck me, nakakilig ang pagka-gentleman niya! I bit my lips back to keep myself from smilling, or rather grinning.
Pumasok kami sa loob ng shop at napagtantong tattoo shop pala ito. Binuksan niya ang ilaw at nakita ko ang mga higaan at mga gamit sa pagta-tattoo. Nilibot ko pa ang paningin hanggang sa halos mabunggo ko ang isang pader kung hindi lang may humawak sa aking likuran.
Napalingon ako at nakitang hindi pala pader ang mababangga ko kung hindi ang katawan ni Bryce. Siya rin ang may hawak sakin. I bit my lower lip and swallowed hard, alam ko dapat mahiya ako ng todo ngayon pero hindi ko magawa. Buong katawan ko na yata ang nag-init lalo na nang magtama ang aming mga mata.
Nakakatakot ang lalim ng pagtitig niya. I feel like cowering but at the same time I can't break our gazes. It's too hypnotizing, he is too hypnotizing.
Sa huli ay ngumisi din siya at nagbigay ng daan sa isang maliit na pinto. "CR" Ang sabi niya lang. Natauhan naman ako at napatayo ng ayos. Pero bago pa ako makarating sa pintuan ay natakid na agad ako sa parang cord ng saksakan sa baba. "Ahh!" I squeeked being unprepared for my drop.
Hindi naman ako nakaramdam ng matigas o ano man ikasasakit ng katawan ko dahil ramdam ko na may nakahawak na sakin.
He caught me again but this time, we ended up in a more intimate position.
He was holding my lower back at ang isa naman niyang kamay ay sa batok ko, stopping my whole body from falling backwards. Ang mga kamay ko naman ay nasa kanyang matitigas na dibdib at pansamantala kaming natigilan
Nagulat ako. Parang tumigil ang paligid dahil sa nangyari. I can't even believe nangyayari ito sa akin. This is so fucking cliche, hindi ba sa movies at teleserye lang nangyayari ito?
My whole body burnt. My cheeks, my chest was burning too and my heart was pumping agressively. Feeling ko gusto nito kumawala sa ribcage ko. Nanghihina pati ako sa panlalaki niyang amoy, shit ang bango lang.
BINABASA MO ANG
Owned.
RomanceGuevarra. The Golden Guevarras. I gave off a snort. Hell do I care? Wala akong pakialam sa pangalan ng pamilya ko, kahit gaano man ito karangya at makapangyarihan... they will never deceive me. Not yet. Not ever. Hinding hindi ko ipagpapalit ang pa...