Prologue

99 0 0
                                    

Prologue

"Oh my god Paige! Grow up will you!? Ilan beses ba namin kailangan ipaalala sa iyo ng daddy mo na hindi ka lang basta bastang tao! You're a Guevarra!" I rolled my eyes.

Yeah right... Na hindi ako pwede makisalumuha kung sino-sino, that I should always bring a powerful aura, na dapat dala-dala ko lagi ang aming signature smile and walk and talking, na dapat hindi ganito o ganyan at dapat ganito o ganyan.

Ghaad! I am so over these shits. So deaf of it!

"Buti nalang hindi kasing tigas ng ulo mo ang sa kuya mo." Mom sighed as she massages her temples.

Right. Dinagdag pa niya. My brother, my great and great and great brother. Yung Phillip the great na iyon. Edi siya na ang role model, ang kabaliktaran ko na walang ginawa kung hindi ang galitin si papa at pasakitin ang ulo ni mama.

For twenty-freaking-three years I've dealt with my cursed surname. My family's name. For eighteen years palagi akong bantay sarado at palaging mataas ang expectations sa akin ng pamilya at kamag anak ko. Akala ko titigil na sila oras na mag-eighteen na ako but look what happened? Nothing. Para ngang mas naghigpit pa sila eh.

I stopped impressing them when I was 16. Buong buhay ko hirap na hirap ako makamit ang kagustuhan nila. Hell, they wanted me to beat my brother's achievements! Kesyo wala lang naman daw kung maging top ako three times in a row dahil nagawa rin yan ni Phillip, na hindi naman daw importante kung proud na proud sa akin ang mga teachers ko dati kasi ganun din ang kapatid ko; those. Those were the things that tire me.

Not to mention I'm an ugly duckling sa angkan. All of them were into business, ako lang yata ang hindi. All of them wore the same attitude, the aura of a Guevarra. Ako lang ang hindi. Bakit? Hindi ko naman siguro kasalanan kung ipinanganak ako na mahal ang arts eh. Na mahal ang pagsasyaw, pagpipinta at pag-sketch. Hindi ko naman siguro kasalanan kung mas pinipili ko ang paggawa ng kanta kaysa sa pagpapanggap na dedicated ako sa paggawa ng presentations regarding sa mga requirements para sa pagpasok sa business course.

Tanda ko pa nga yung time na nakipag-break sakin ang first boyfriend ko dahil hindi niya raw kaya ang tension na ibinibigay ng pamilya ko sa kanya. Then came my second boyfriend, this is when I was sixteen years old. His name's Troy, and we're much likely the same. Pareho ng hilig kaya rin siguro kami nagkasundo agad at hindi nahirapan mag-ibigan. But dad threatened him at pinag-break kaming dalawa. He doesn't want Troy for me... he doesn't like people who's alike me. "Hindi nararapat sayo ang bastardong iyon Paige! He's just like you! Pareho kayong walang mararating sa buhay!" Were the exact lines my dad said nung tinanong ko kung bakit niya ginawa yun.

Doon ko naramdaman ang matinding sugat sa puso ko. My family hates me, they hate me for who I am... they despise me for being me. And right after that, I gave up pretending to be someone I'm not. Naging officially sakit sa ulo ako-a.k.a Paige Guevarra, the ugly duckling of the clan.


Owned.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon