Sa isang mundong hindi ko alam ang patutunguhan,
Nakahanap ng isang magsisilbing kanlungan,
Ikaw! Ikaw ang nagpapangiti sa kabila ng pait na nararamdaman,
Masaya akong kausap ka kahit panandalian,Gaya ng tula hindi man tayo magkatugma,
Nais ko lang ipabatid na ako'y sumaya—kasama ka,
Sana sa t'wing nalulungkot ka;
Alalahanin mong parati akong makikinig ng 'di nanghuhusga,Maging lakas mo sana ako t'wing ika'y nanghihina,
Gaano man kasakim ang mundo— 'wag kang magpapadala,
Tandaan mong sa akin ika'y mahalaga— 'di man nila kita,
Bubuoin natin ang pangarap ng magkasama—malayo ka man!Gusto kita!
Iwan ko ba,
Masaya ka lang talaga kausap,
Gusto kita—pangarap kita,Sana 'di mo masamain,
Gusto ko lang talaga sabihin,
Gusto ko lang aminin,
Gusto na kitang piliin,
YOU ARE READING
MGA AKDANG INUKIT SA ULAP
PoetryKoleksyon ng mga akda kong naisulat nitong taong kasalukuyan. Hindi man ganoon ka perpekto, ngunit sana ay magustuhan pa rin ng mga mambabasa at tangkilikin ito.