Intro

57 2 0
                                    


Nash's PoV

Napakagago talaga ng tangang yun eh! Sukat iwan ako dito sa harap ng isang bahay na hindi ko naman kilala kung sino yung mga nakatira -.-

Humanda talaga sakin yang gagong Jared na yan! Badtrip!

Ano namang gagawin ko dito? San bang lugar to?

*Kriing kriiing*

Kinuha ko yung phone ko mula sa bulsa ko at napamura nalang ako ng makita ko kung sino yung caller.

"P*tangina mo Jared! Nasan ka?! Balikan mo kong gago ka!"

(Easy ka lang Nash! Masyado ka namang bad mood tol!)

"P*ta balikan mo ko dito kung hindi patay ka sakin!"

(Hindi pwede sabi ni-- *toot toot*

Pinatay ko na yung call bago pa sya makasagot.

Badtrip. Badtrip talaga!

At sa sobrang badtrip ko umupo nalang ako sa may tapat ng bahay.

Langyang Jared yan! Patay talaga sakin yung balasubas na yun!

Maya maya pa narinig ko yung pagbukas ng gate ng bahay na nasa likod ko.

"Ahmmm excuse me po. Ano pong kailangan nila?"

Napatayo ako at humarap sa babaeng sa tingin ko ay kasambahay dito.

"Uhhh. Wala po. Hinihintay ko lang ho yung gag-- sundo ko."

"Ahhh ganun ba? Sige hija." sabi nya at pumasok na sa loob.

Sinundan ko sya ng tingin at napansin ko yung carvings dun sa may gate nila.

'Delos Reyes'

Siguro yun yung apelyido ng mga nakatira dito.

Umupo ulit ako sa gilid tsaka nilabas ang phone ko para tawagan si Renz.

Tatlong ring palang at nasagot nya na agad.

(Hello?)

"Oy Renz nasan ka?"

(Maka-oy naman to! Bakit ba?) sungit talaga ng babaeng to.

"Basta, nasan ka?"

(Sa mall, bakit?)

"Sunduin mo nga ako."

(Nasan na naman yung kotse mong babae ka?!)

Nilayo ko yung phone sa tenga ko dahil napakatinis ng boses nya.

"Nasa bahay, tinamad akong magdrive."

(Nasaan ka ba?)

"Sa bla bla village sa Mandaluyong. Sunduin mo na ko."

(Eh pano ka nakarating jan ng walang sasakyan aber?)

"Iniwan ako dito ng magaling mong boyfriend! Sunduin mo na nga ako! Pag wala ka pa dito in 5 minutes patay sakin yung jowa mo!"

*toot toot*

Habang hinihintay natin si Renz magpapakilala muna ako.

I'm Nash Hailey Fuentes. 16 years old.

Oo babae ako. Wag na kayong magulat palamura lang talaga ako.

Yung alien na nang-iwan naman sakin dito ay si Jared Fuentes. 16 years old din. Oo kambal kami kahit masama sa loob ko.

Si Clarence Julia Montenegro naman yung kausap ko kanina 16 din best friend ko sya at Boyfriend nya si Jared. Ewan ko ba jan kay Renz kung bakit yung kakambal ko ang pinili eh ang dami naman nyang manliligaw feeling ko tuloy ginayuma sya ni Jared.

Hindi naman sa sinasabi kong panget ang kakambal ko ah? Hindi kasi kami magkamuka kahit na kambal kami.

Oo parehas kaming maputi. Maganda ako at masakit man aminin pero gwapo sya. Pero hindi mo talaga agad malalaman na kambal kami dahil magkaiba yung features ng muka namin.

*beep beep*

Napatingin ako sa kotse na bumusina.

Alright nandito na sila.

"Nash, you make sakay na." sabi ni Ken.

Kenneth Alexette Roberts. 16 din. Best friend ko din yan.

Sumakay naman ako sa likod kasi nga si Ken yung naka-upo sa passenger seat.

"San tayo?" tanong ni Renz samin ni Ken.

"Let's go sa house ni Jay!" sabi ni Ken.

"Oo nga. Dun nalang." sabi ko habang ngumunguya ng chichirya na nakuha ko dito sa kotse ni Renz.

"Hay nakoo Nash, nakakuha ka na naman ng pagkain jan sa likod." pailing-iling na sabi ni Renz habang nagdadrive.

Si Ken naman busy sa pagreretouch.

Mga ilang minuto din nang dumating kami kila Jay.

"Pasok kayo." pagpapatuloy samin nung maid nila.

"Nasaan po si Jay?" tanong ni Ken

"Ahmmm nasa taas po. Puntahan nyo nalang po sya." sagot naman nung maid sabay punta kung saan.

Edi eto kami ngayon paakyat sa napakakintab na hagdan ng mga Santiago.

*tok tok*

"Jay!" sigaw ni Renz.

Sya nalang pinasigaw namin. Sya naman may pinakamalakas na boses dito.

Bumukas naman agad yung pinto niya at tumambad samin ang gulo gulo nyang buhok.

"Langya! Ganda ng buhok ah? Hahahahaha" napahawak pa ko sa tyan ko habang tumatawa.

Grabe talaga yung buhok nya!

"Ano bang kailangan nyo? Aga aga eh." sabay kamot pa ng ulo niya.

"Ewwww you have kuto na Jay!" sino ba naman magsasabi nyan?

"Tumigil ka nga Ken! Ang arte mo talaga forevs!" -Renz.

"Pumasok na nga kayo!" sabi ni Jay.

Jay Leean Santiago. 16 yrs old. Best friend ko din.

Ayun nag xbox lang kami sa kwarto nya.

"So sa Wilson parin tayo?" tanong ni Renz.

"Malamang. Graduating na tayo papalipat pa tayo? Sige ikaw lipat ka para masaya." sagot ko sa kanya.

Nabatukan naman ako ni Jay.

"Ang hard mo talaga!"

Tssss naglaro nalang ulit ako silang tatlo naman daldalan parin ng daldalan. Si Jay daw may nakitang gwapo sa internet kanina. Si Renz naman daw buong gabing katawagan si Jared. Kaya pala maagang pumasok sa kwarto nya kagabi ang loko, kakausapin pala si Renz. Eto namang si Ken kinawayan daw ng kano kagabi nung nag-bar sya.

Nako, asa pa kayong makikisali ako sa usapang lalaki ng mga yan.

Nakakaimbyerna lang yang mga lalaking yan! Yung kakambal ko ngang abnormal nakakabwisit na dadagdagan ko pa ba?

"Kailan ba tayo huling nagkita-kita?" tanong ko na ikinatigil ng pagdadaldalan nila.

"Kahapon/Yesterday" sabay na sabi ni Renz at Ken

"Bakit?" tanong pa ni Jay.

"Oh bakit parang 32 years kayong hindi nagkita sa sobrang dami ng pinagdadaldalan nyo? Puro mga lalaki pa topic nyo! Hindi na ko magugulat kung next week may buntis na sa inyo!" sabay smirk ko pa sabay tayo kasi panigurado susugurin ako ng tatlong to.

"Leche ka talaga! Palibhasa wala kang kilig moment eh!" -Jay

"ewwww napakagreen mo talaga!!"-Ken

"Errrrr bumalik ka dito Nash!!!" -Renz

At naghabulan na nga kami..

Undefined FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon