Jin's PoV
Kakapasok ko lang sa bago kong school.
Yeah
Bago
Na-kick out kasi ako sa dati kong school pero mahabang storya.
Bumaba na ko ng sports car ko at dire-diretsong naglakad papunta sa kung saan man.
Nagmamasid ako sa paligid.
Tsss
Isang simpleng school lang pala to.
Normal.
May mga jocks, nerds, cheer leaders.
Nakita ko na may nagkukumpulan doon sa may harap ata ng parang bulletin board.
Tinignan ko naman yun pero hinintay ko muna mawala yung mga tao.
Tssss
Sections.
4-Diamond ako
Naglakad na ulit ako papunta sa 4th year's building.
Pinagtitinginan nila ako. Dahil siguro meron akong hikaw, at mga sugat sa muka na natatakpan ng band aids at gasa.
"Jin Leous Delos Reyes"
Tumalikod ako at nakita ang pinsan kong si Dylan.
"Yo!" sabi ko nalang. Lumapit naman sya sakin at sinabi na ihahatid nya na ko sa room ko.
Pumasok na ko sa room at pumunta sa pinaka dulong row, doon sa walang tao masyado.
Ayoko nang maingay.
Nakakairita
Tsss.
Sinuot ko yung earphone at dinukdok ang ulo ko sa desk ko.
Nakatulog ako pero nagising ako nang tumunog yung bell.
Sunod naman na pumasok yung hula ko ay yung magiging adviser namin.
*yawn*
Tssss nakakaantok.
Dumadaldal yung teacher sa harap nang biglang..
"PUNYETA JARED ANG BAGAL BAGAL MO!" babae yung sumigaw at medyo natawa ako.
Naka earphones kasi ako pero rinig ko parin yung sigaw nya.
"F*CK IKAW NGA ANG MABAGAL DYAN EH!" lalaki naman ngayon.
"IKAW ANG MABAGAL MAGDRIVE DYAN GAGO!"
"EH IKAW NAMAN ANG LATE GUMISING TANGA!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa nalang ako. I wonder kung magkaano-ano yung dalawang yun.
"Mr.Delos Reyes! Are you laughing at me?!"
Napatigil naman ako sa pagtawa at napatingin sa harap.
Sht
Lahat sila nakatingin sakin.
Hindi ko pinansin yung teacher.
Nagtititigan lang kami.
Naputol lang yung titigan namin nung teacher na masungit nang may sumigaw na naman pero this time isang teacher na din.
Pinapapunta nya yung dalawang nagsisigawan sa guidance office.
So they are siblings? Nahalata ko dahil sa surname nila.
Tssss.
Cool
First day guidance agad.
Dinaig ako.