Chapter 3

20 2 0
                                    

Nash's PoV

Tahimik sa loob ng guidance at tanging ingay lang ng aircon yung naririnig ko.

"So first day na first day kayo agad ang makikita ko." masungit na bati ng Guidance councilor.

Ang sungit talaga ng panot na to! Kala mo naman bagay sa kanya magsungit.Hindi bagay sa pangit ang magsungit! Tsk.

"Ano na namang ginawa nyong dalawa?" syempre masungit parin pagkakatanong nya.

"Sya yung nauna." simpleng sagot ni Jared sabay turo sakin.

Tiningnan ko naman sya ng masama.

"Anong ako?! Ikaw kaya!" hirit ko naman.

"Ikaw naman talaga naunang sumigaw eh diba?!" napataas na rin yung boses ni Jared.

"Ang bagal bagal mo kasing kumilos!" napatayo na ko.

"Ako pa mabagal?! Ikaw nga tong late nagising!" napatayo na din sya.

"Sana naman kasi binilisan mo magdrive!"

"Sana rin kasi inagahan mo gising mo!"

"Sana pala hindi mo nalang ako hinintay! Kaya kong mag-isa!"

"Sana nga hindi--

"ENOUGH BOTH OF YOU!" sigaw ng Guidance councilor saming dalawa.

Shet! Nakakagimbal pala talagang sumigaw ang isang to!

Sabay naman kaming napaupo ni Jared.

"Detention after class. 5-8 pm. Makakaalis na kayo." masungit na naman na sabi nya tapos tinuro nya pa yung pinto. Senyas na umalis na kami.

Nang makalabas na kami ng pinto binangga ako ni Jared.

"Psh." nagsmirk sya sabay alis.

Gago talaga yung unggoy na yun!

Bakit ba kasi naging kakambal ko sya eh! Bwisit!

Sa sobrang bwisit ko pinagsisipa ko lahat ng trash cans na makita ko.

"Ouch!" rinig kong daing ng isang babae.

Tumingin naman ako sa harap ko.

Nakita ko yung babae nakahawak sa paa nya.

Tinamaan ata nung trash can na sinipa ko.

lumapit ako sa kanya.

"Ouch.." ulit nya pa.

"Uhmmm." hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Shet! Ang ganda nya.

Napatingin sya sakin.

Fck Anghel yata to eh! Ang ganda nya talaga.

"Sorry." sabi ko at inalalayan syang tumayo.

"Okay lang." sabi nya sabay ngiti sakin.

"Uhhh. Sige una na ko." pagpapaalam ko sa kanya.

Nakakainis kasi yung kagandahan nya baka masapak ko sya.

Joke! Hahahahahaha

"Sige. By the way I'm Kylie." sabay abot ng kamay nya.

"Nash" at inabot ko din yung akin.

Umalis na din ako pagkatapos naming magshake hands.

Late na ko sa second subject ko.

"Sorry Ma'am I'm late." bati ko nang makarating ako sa room.

Tinanguan lang ako nung teacher kaya naman naghanap nalang ako ng bakanteng upuan.

Undefined FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon