Chapter 2

6 0 0
                                    

Chapter 2

Debt

  
         I was listening to our teacher discussing in the front nang kumalabit si Magui sakin. Ano na naman siguro ang problema ng isang to.

" Buwan sama tayo clinic"

" Bakit may masakit ba sayo?'

" Masakit ulo ko." sabay hawak niya pa sa kanyang ulo.

" Ma'am!" taas ko ng kamay upang makuha ang attention ng aming guro. "Masakit raw po ulo ni Magui. Nagpapasama pumunta sa clinic."

" Are you okay, Magui? Do you want to go home?" our subject teacher asked.

" No na po ma'am. I'll just go to clinic po and dun nalang po mag rest"

" Okay, you two are excuse. Go to the clinic now."

Nakita ko pa tingin ni Flavi na parang pinagtaksilan siya. Paglabas namin agad ko namang binatukan si Magui. Alam ko naman talaga di masakit ang ulo niya sinakyan ko lang talaga kalokohan niya. Nakakapagod rin kanina pa ako nakikinig at walang pumapasok sa utak ko ngayon.

"Aray naman! Masakit ha, dapat mag thankyou ka at excuse tayo ngayon"

" Ewan ko sayo! Gusto mo lang makita crush mo dun malapit sa clinic e"

Matagal na rin siyang may crush dun. Simula pa nong grade 7 pa kami. Martir rin ang isang to kahit di sya pinapansin. Napakasungit rin naman kasi nung crush niya at ayaw sa maingay. Nung last valentine's day nga may pa jail booth ang mga officers kaya excited ang mga kaibigan kong maharot. Naalala ko pa may lumapit sa amin na mga lalaki na naka t-shirt na may tatak na pulis sa harapan para hulihin si Magui. Umakto pa na nagulat. E alam naman namin siya rin ang nagbayad nun para i set up silang dalawa ng crush niya. Todo pa iyak niya matapos ni reject siya.

" Nye, palibhasa kasi hindi dito nag aaral crush niya."

" Sinong crush ba yan?"

" Sus. Wag na yun hanapan nalang kita."

May crush rin naman ako. Di ako abnormal kaso napakagwapo niya at parang di ko siya abot. Maganda rin naman daw ako sabi ng mama ko. Pero may ibang mas maganda pang may crush sa kanya at mas babagay sa kanya. Di na ako nag kukwento tungkol sa kung sino ang gusto ko at baka i broadcast pa ng magagaling kong kaibigan.

Habang naglalakad kami ni Magui papuntang clinic may mabigat na kamay ang umakbay sa akin. Paglingon ko ay ang Gabi pala. Agad ko namang inalis ang kanyang kamay. Pa simple rin tong isang to. Alam ko may gusto to kay Magui e kaso loyal si Magui sa crush niya.

"Nag cutting kayo?"

"Hindi, papunta kami clinic masakit ulo ni Magui" sagot ko.

" Masakit ulo mo Mag? Tara hatid na kita"

"Ay no na po. Kami nalang po ni Luna."

"Hatid ko na kayo."

Tiningnan pa ako ni Magui. Pero tinanguan ko lang siya. " Pahatid ka nalang kay kuya. Pupunta na muna ako saglit sa cafeteria. Nagugutom ako."

Sinimangotan naman ako ni gaga. Di siya makakasilay sa crush niya kung kasama niya si kuya. At baka mahuli pa kami pag di talaga siya pumunta sa clinic. Kaya wala siyang nagawa at pumunta na ng clinic sabay ni kuya.

Tuwid ang lakad ko patungong cafeteria nang makita ko si Wayne at may bibilhin rin ata. Di ko nalang pinansin at bumili nalang rin ng dalawang sandwich at dalawang inumin. Baka nagugutom na rin si Magui dalhan ko nalang. Babayaran ko na sana yung binili ko nang magsalita si Wayne yung crush ko.

"Diba ikaw yung friend ni Sorcha?"

Lumingon pa ko sa kaliwa't kanan ko kung ako ba ang tinatanong. Ayokong maging mukhang tanga sa harapan niya.

" Ah yeah, ako nga. Why?"

"Nothing, you look familiar. Tas I remembered you're one of friends of Cha. Don't you have a class?"

Tulala pa ako kung bakit niya ako kinakausap ngayon at biglaan naman ata. Di naman talaga ako nag eexpect na papansinin ako ng crush ko. I'm contented admiring him from afar. Tsaka naiisip ko ang taas ng standards ng lalaking to at alam kong wala ako lahat nun.

"Hey" he snapped his fingers front of my face. "Are you okay?"

"Ha? Oo, we have a class but Magui have a sudden headache kaya nasa labas ako ngayon. Ahm sige una na ako kailangan ko pang balikan si Magui sa clinic."

"Okay see you around."

Tumango nalamang ako at patakbong lumakad pabalik sa clinic. Grabe ganoon pala feeling kausap ang crush mo. Ganoon ba feeling ni Flavia pag nagkukwento siya tungkol sa crush niya?

Hingal akong pumasok sa clinic.  Nadatnan kong mag isa nalang si Magui dun at busy na ngayon sa kanyang cellphone. Lumapit ako sa lamesa gilid ng kanyang kama at nilagay ang binili kong snacks.

" Anyare sayo te? Parang galing ka sa fun run? Ba't ka hingal? Tsaka ba't ampula ng mukha mo? Masakit ba ulo mo?" walang tigil na tanong ni Magui.

" Mainit kaya tumakbo ako" tipid kong sagot. "Tsaka asan na si kuya?" balik kong tanong sa kanya.

"Umalis na may classe pa pala yun. Babalik daw sya maya pero sinabihan ko na wag na."

Kukunin ko na sana ang cellphone ko na nasa sa aking bulsa nang mapansin ang isang daan na nasa aking kamay pa. Omaygad wag mong sabihin

"Shit!" mura ko pa.

"Huy tangina mo wag kang magmura dito at baka may makarinig sayo. Napano ka ba talaga?'

Bumalik agad ako sa cafeteria upang bayaran ang binili ko. Dahil sa paglapit kasi ni Wayne nakalimutan ko ng magbayad.

"Ate ito na po yung bayad ko sa binili ko kanina. Sorry po at nalimutan ko. Keep the change nalang po." sabi ko sa nagbabantay.

"Okay lang yun miss. May nagbayad na." nakangiti niyang sagot.

"Sino po?" takang tanong ko. Impossible naman kung si kuya yun di naman ata dumaan yun dito. At tsaka di rin naman yun pag iisipang bayaran utang ko dito.

" Yung gwapong kausap mo kanina". parang kilig niya pang sabi.

"Ha?"

Tangina. Nagkautang pa ako. Kinakahiya kita Moon.











































Mixed UpWhere stories live. Discover now