Chapter 6

7 0 0
                                    

Chapter 6

Awkward

Nagising ako sa ingay dala ng malakas na kalabog galing sa pinto.

"Happy Birthday Moon!" sigaw nina kuya.

"Ingay ninyo naman ha" nakangiti kong sabi at bumangon na. "Thankyou mga kuya! Yung gift nyo ihanda nyo na"

"Wala akong gift sayo bunso e. Walang budget. Pagmamahal nalang muna ni kuya ha" nang aasar na sabi ni kuya Kye.

"Yun rin sinabi mo last birthday ko e!" nakasimangot kong tingin sa kanya.

Tawa nalang ang isinagot niya sakin. Kaya kay kuya Night ko nalang binaling ang tingin ko.

"Ahm" kamot batok niyang sabi.

"Ah basta yung gift ko!" tumayo na ako at nilagpasan ang dalawa. Rinig ko ang tawa ng dalawa hanggang pumasok na ako sa banyo.
Yung dalawa talagang yun marami ng utang sakin.

"Moon diretso na kayo uwi ng kaibigan mo dito" sabi ni mama bago ako makalabas ng bahay.

"Oo ma" ngiti ko sa kanya at saka hinalikan siya sa pisngi.

"Happy Birthday anak"

"Thankyou ma"

Sumabay na ako kina kuya papuntang school. Habang naglalakad na ako papunta sa aking room nakita ko si Wayne na may kausap na babae. Maganda. Ang puti pa naman tapos ang kinis. May mahabang itim na buhok. Di ko nalang pinansin at tsaka pumasok nalang sa room. Parang kanina lang may pa kanta kanta pa siya sa akin sa call.

"Lunaaaaa! Happy Birthday! Wish ko sayo ay-" sigaw ni Flavi na agad na pinutol ni Magui.

"Ba't ikaw yung mag wiwish? Ikaw ba may birthday? Btw. Happy Birthday lalovee!"

"Thankyou Mags"

"Epal talaga to. Yung gift ko maya na sa bahay nyo." sagot ni Flavia.

"Oh ba't busangot mukha mo?" tanong ni Cha.

"Di ako nakabusangotsagot ko sa kanya at umupo nalang.

May pa exactly 12 greeting pa siya. May kinikita naman na pala siya. Andami niya pang pa keme kanina. Sus. Di naman ako nagseselos. Tsaka ba't ako magseselos hindi naman kami.

"Luna may deliver daw para sayo" sabi ng lalaki kong kaklase na si Reymark.

"Kanino raw?" takang tanong ko. Baka may bomba pa sa loob nito.

"Galing daw yan sa guardhouse may nag abot lang sakin dahil nagtanong kung kaklase ba daw kita" sagot ng lalaki.

Binuksan ko nalang para malaman ko na kung ano ang laman.

"Oh my gooood!" sabay takip ko sa aking bibig.
Sinong hindi sisigaw? Ang laman ba naman 2 jersey shirt at short ng dalawa kong favorite character sa "haikyuu"! May nakita pa akong maliit na papel doon.

"Happy Birthday Moon! Even though we don't see each other pa I know u're mabait. U're happy to talk to with pa. I hope u're happy with my gift to you!"

-Air

Binuksan ko na yung isang box. Medyo malaki laki to ha. Baka nandito talaga yung bomba.
Pagbukas ko ay parang gustong gusto ko ng tumalon. Omggg! Figurine ng mga favorite anime character ko yung nasa box. Gaya ng isang box may isang maliit na papel rin ang nakalagay doon.

"Happy Birthday Moon! Those are u're favorite anime character right? I saw your post about you want to buy that but you don't have the money. Kaya ayan. That's my gift for you. Send me a message if u receive my gift na"

-Matthew/Lexus

Mababait talaga ang mga yun. Kahit ako lang mag isang babae sa gc hindi nila ako binabastos. Nilabas ko na ang aking cellphone at nag thankyou sa dalawa.

"Sino naman si Air at Matthew ha?" tiningnan ako nila Magui ng nanliit ang mata.

"Wala. Ano. Kaibigan ko lang." aligaga kong sagot sa kanila. Hindi ko pa sinasabi sa kanila yung about sa rpw. At wala sana akong balak banggitin. Pero parang mapapakwento talaga ako.

"Bukod sa amin. May iba ka pa palang friends? Ba't di namin kilala?" tanong ni Flavi.

Kinuwento ko nalang lahat sa kanila.

"Reto mo naman ako Luna" biglang sabi ni Sorcha. "Gusto ko rin ng ganyan"

"Hindi ko alam kung may mga girlfriend na yun o wala pa. At tsaka asan na ba yung nagbibigay sayo ng mga rosas ha?"

"Ni ghost ako last week pa. Akala ko seryoso dahil ma effort yun pala nasa loob rin ang saltik. Nakita ko nalang may iba na siyang ni day" abot kilay na sabi ni Sorcha. "Kaya reto mo na ko ha baka isa sa kanila ang forever ko"

"Susubukan ko, okay?! Malay ko bang may mga girlfriend yun."

"Good morning class! Please get ½ lengthwise. Diba sinabi ko sainyu may long quiz tayo ngayon?" nandito na pala si ma'am. Akala ko pa naman lusot na kami sa quiz ngayon late na si ma'am ng 20 mins e.

Isa isa namang naglabasan ng mga papel ang mga kaklase ko. Sana naman lalabas yung inaral ko kanina.

"Sabay na ba tayo papunta kina Luna?" Magui asked.

"Susunod nalang kami. Kasama ko si Vince at magbibihis na rin muna ako." sabi ni Sorcha.
Muntik ko ng makalimutan. Pupunta rin pala si Wayne mamaya.

"Bihis nalang rin muna ako." sabi ni Magui at nagpaalam na."Tsaka nasa bahay pa pala yung gift ko sa iyo. See you guys!"

Naglalakad ako habang dala ang dalawang box na bigay sakin nina Air at Matthew para papunta na sana sa parking lot nang nakita kong papalapit si Wayne sa akin.

"Hi Luna. Tulungan na kita. Bigay ng mga kaklase mo?" tanong niya sakin habang kinukuha ang mga dala ko.

"Ah oo" sabay yuko ko. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Matapos yung pagkanta niya sakin kagabi tas nakita kung may iba siyang kausap kanina. Hindi ko naman talaga dapat bigyan ng malisya yung ginawa niya sakin baka may iba rin siyang kinantahan tuwing may birthday nila.

"Ahm. Thank you nga pala ulit."

"Wala yun. Hindi ko lang kasi talaga alam kung ano ang gusto mong regalo kaya kinantahan nalang kita." sabi niya sakin.

"Maganda ang boses mo. Pupunta ka mamaya?" tanong ko sa kanya.

"Oo pupunta ako. Sabay kami ni Sorcha. Sige na nandyan na kuya mo. Ingat kayo tsaka kitakits maya" he waved his hand to me.

"Sige ingat rin kayo" ngiti ko nalang sa kanya.





























Mixed UpWhere stories live. Discover now