Chapter 3

5 0 0
                                    

Chapter 3

Accept

        Tulala ako ngayong nakahiga at pinagmamasdan ang kisame. Iniisip ko pa ang nagawa kong katangahan kanina.

Kinuha ko nalang yung cellphone kong nasa gilid ng lamesa at dun nalang binaling ang attention.

" Matthew! Ang tanga ko ngayong araw!"

Pag chat ko pa sa kaniya. Mabuti nga't may naging kaibigan pa akong matino. Kahit hindi ko pa talaga siya kilala in person. Mabait naman si Matthew. Tsaka sa kanya ko nalang kinukwento. Hindi rin naman judger tong bubwit na to.

"What did you do again?" reply niya matapos ang ilang minuto.

Kinuwento ko lahat ang ginawa ko kanina. Walang pinalagpas. At ang ginawa niya lang ay mag reply ng haha na napakataas. Naka capslock pa naman lahat. Parang pinapahiwatig niya talaga na ang saya niya.

"Ewan ko sayo! Out na nga ako wala kang kuwentang kaibigan."

"You should sleep nalang para hindi ka ma stress at di mo na malimutan magbayad."

Nag react nalang ako ng like sa reply niya. At padabog na nilagay ang cellphone sa side table.

"Teka nga! Di ko pa pala ni iistalk yung real acc ni Matthew" tangang pag usap ko sa aking sarili.

Kinuha ko ulit ang aking cellphone. Tsaka pinindot ang Facebook. Ni search ko ang name na binigay niya sakin. Ambagal naman ng internet ngayon.

"Kuyaaaa! Wag kanang mag connect!" sigaw ko kahit na alam kong di naman yun nakikinig.

Matapos ang ilang minuto may lumabas na tatlong magka parehas na pangalan. Ang una ay yung parang ginagamit niya ngayon. Tas yung dalawa ay ginawa niya yun nung elementary pa niya. Profile kasi ay si Matthew na naka cap na naka 2 joints pa ang kamay. Tinawanan ko nalang. Dumaan rin pala yun sa pagiging jejemon.

Pinindot ko nalang yung unang pangalan na may matinong profile. Tiningnan ko lahat ng post niya. In fairness gwapo rin pala tong bubwit na to. Makapal ang kilay pero mabait pa rin siya tingnan. Matangos ang ilong na para bang pag hinawakan mo ay magsusugat ka. Matangkad rin at puro mga babae pa kasama sa picture.

Chicboy ba to? Pero parang di naman. Loyal raw siya sa crush niya. Scroll lang ako nang napahinto ako dahil sa isang picture. Parang hindi pa makaniwala. Lima sila sa isang picture na nakatayo na walang damit pang itaas tsaka nasa likod nila ay ma asul asul na dagat.

Hala may ganito siyang mga kaibigan? At bakit gwapo naman lahat. Hinanap ko yung isang pinakagwapo. Grabe gwapo rin naman si Wayne pero mas gwapo to. Alam kong talandi na ako nito. Pero add to cart ko tung igops na to. Hinanap ko siya sa lahat ng naka tag.

Nakita ko naman agad. Pangalan niya pala ay Airrhon Blake Tobio. Ngumiwi ako. Parang pangalan palang ay ang hangin na.

Napunta pa ako sa iba pang pictures niya. Gwapo naman kasi talaga siya. Yung feeling na swerte mo siguro kung may ganito ka kagwapong boyfriend. Ang landi ko na. Tinigilan ko na ang aking cellphone at nag talukbong nalang ng kumot. I sighed. Makatulog nalang nga.

"Mahal! Gising na! Wala ba kayong pasok at napaka chill ninyo namang tatlo. Hala't mag si galawan na!" katok- katok pa ni mama sa aking pinto na binuksan niya.

Bumangon na ako at dumiretso na sa cr. Gising na siguro ngayon sina kuya. Sinong di magigising e ang lakas ng boses ni mama. Naligo na ako at nag ayos.

Mixed UpWhere stories live. Discover now