•'¯'•
( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 3 )
˜"*° MAYNILA.
•'¯'•
Naipalabas na sa Pilipinas ang trailer ng pelikula. Makalipas nang ilang linggo ay na pagplanuhan nila na magkaroon ng Photoshoot sa Maynila na suot ang kanilang mga kasuotan sa pelikula katulad mg mga baro't saya.
Kulay pula ang baro't saya ni Renee at si Paulo naman ay nakapangheneral na uniporme. Ang ibang tauhan sa kwento ay nakauniporme rin ayon sa kanilang ranggo na pinagbidahan nila.
Ang unang parteng pupuntahan nila sa Maynila ay ang Luneta Park o ang bagumbayan. Habang nagpapakuha sila ng litrato ay lalong dumarami ang mga tao kaya agad na umaksyon ang mga pulis at bodyguard sa paligid nila.
Pinayagan naman sila na mag Photoshoot malapit kay Jose Rizal.
"Ang Gregorio at Remedios natin muna," Utos ni Jerrold sa Potograpo.
Agad naman sila pumiwesto sa bandang tabi ng bandila ng Pilipinas.
Sumunod naman ay ang buong tauhan ng kwento. Maya-maya ay pinagpahinga muna sila dahil kanina pa sila nakatayo habang sila Renee at Paulo naman ay nagpaalam na mag iikot-ikot lang muna diyan sa tabi pero, kasama pa rin nila ang mga guards.
Tumigil sila sa may gilid ng Dancing Fountain na nasisilayan pa rin ang munumento ni Jose Rizal.
Pinagmasdan nila ang kalangitan. Makikita na ang daming tao na kumukuha ng litrato sa kanila pero may naagaw silang atensyon. Ito ay ang langit na kulay kahel at masilaw na araw habang pinagmamasdan nila iyon ay pinutol na ni Paulo ang katahimikan.
"Parang naramdaman ko na nagawa na natin ito."
"Yung pinagmamasdan yung langit?" Tanong ni Renee at tumango naman si Paulo.
Pagkatapos nilang pagmasdan iyon ay nagpakuha nalang din sila ng mga litrato sa mga tao hangga't hindi pa sila nakakaalis at lumipat ng lugar.
Maya-maya ay sumakay na sila sa sasakyan at pinuntahan na nila ang Intramuros. Mabilis lamang narating nila ito kasi malapit lang ang Luneta Park sa Intramuros kung mga kotse ka.
Ngayon palang nakarating si Renee sa Intramuros kaya manghang-mangha siya sa paligid.
Habang naglalakad sila para sa lugar na pagkukuhanan nila ng litrato ay nagkuwento naman ang tour guide nila sa kasaysayan nito.
"Intramuros, sometimes known as the 'Walled City' is a historic and culturally significant location. With its cobblestone streets and well-preserved buildings from hundreds of years ago. Matagal na din po itong Intramuros ginawa po ito around 1571."
BINABASA MO ANG
Pelikula - G. del Pilar
Historical Fiction𝐏𝐞𝐥𝐢𝐤𝐮𝐥𝐚// Kung saan ang isang sikat na artista ay bumalik sa sinaunang panahon kung kailan siya ipinanganak, hindi niya alam na siya ay isa sa mga kapatid ng Presidente. Habang ginagawa niya ang kaniyang misyon ay napapalapit siya sa isang...