Kabanata 16

634 45 260
                                    

•''•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 16 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 16 )

˜"*° KUMPLETO.

•'¯'•




Ito na ang araw na pupunta sila Emilio, Felicidad at Hilaria sa Dagupan. Ala sais na ng umaga kaya pumunta na si Gregorio sa bahay nila Remedios, gusto niya din na bisitahin sila. Pero napaaga ata siya.

Nasa harap na siya ng bahay at nagtanong sa mga sundalo na nagbabantay. "Andiyan na ba ang Presidente?" Tanong niya.

Nagbigay saludo ito at sinagot ang kaniyang tanong. "Wala pa po." Tumango nalang siya at naisipan na pumasok muna sa bahay.

May mga kasambahay na naghahanda na ng pagkain at ang magkakapatid na Bernal naman ay tumulong na din. Hangang ngayon wala pa rin si Remedios.

"Manang, asan po si Remedios?"

Tumingin ito sa kaniya at sinabing. "Ay! Heneral, tulog pa po. Napahambing ang tulog niya dahil pagod siya kagahapon." Mayamaya ay lumabas na si Remedios sa kaniyang silid at kinakamot pa niya ang kaniyang mata, kitang-kita na inaantok pa.

Pagdilat nito ay bumungad sa kaniya si Gregorio. "Magandang umaga, binibini." Ngumiti naman siya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto ko sanang salubungin sila Ka Miong. Pasensya na ah, bigla nalang akong pumasok dito."

"Jusko. Hindi mo na kailangan magpaalam kung pupunta ka dito. Laging bukas ang pinto para sa iyo. Kumain ka na ba?" Umiling naman ito.

"Tignan mo. Mas inuna mo pang sasalubungin sila kuya kaysa na kumain ka muna. Dito ka nalang kumain." Tumungo na sila sa Hapag Kainan.

Ganoon nanaman ang nangyari, tahimik ulit. Alam niya na may mga galit pa sila Manuel kay Gregorio. Kaya naisipan niyang magsalita na.

"Dati pa akong 'di mapakali dahil tuwing magkakasama kayo apakatahimik. Tapos na ang nakaraan kaya magbago na ulit tayo. Maikli lang ang oras para sayangin. Kayo, kuya, bagong Heneral niyo na siya kaya maging malapit na kayo. Alam kong si kuya Antonio ang Heneral niyo pero tapos na ang kaniyang misyon, kayo hindi pa." Tumingin naman siya sa kaniyang katabi na si Gregorio.

"At ikaw, Gregorio. Huwag mong tignan nang masama sila kuya Jose at Manuel. Wala silang maling ginawa sa iyo, ginagawa lang nila ang kanilang trabaho. Naiinis na ako sa katahikan niyo." Pagrereklamo niya sa tatlo. Napansin niya na yumuko ang mga ito kasama si Angel.

"Kain ka lang diyan, Angel. Pabayaan mo 'yang mga bata na 'yan."

"Susubukan namin." Wika ni Jose at tumango-tango naman ang dalawa.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon