•''•
( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 22 )
˜"*° CERVANTES, ILOCOS SUR.
•'¯'•
Sa kabilang grupo naman ay napakadaming nangyayari, nalaglag ang kabayo kasama na rin ang mga sundalo, nahimatay si Hilaria, at wala nang makain.
Tumigil na rin sila para magpahinga. Gabi, sa kuta nila Gregorio may mga ilang siga, nagmamatyag ang katutubo, napapaligiran ng mga sundalo ang isang katutubo.
"Huling kabayo nalang natin 'yan." Wika ng isang sundalo. May humihiwa ng ilang piraso sa iniihaw na kabayo, dinadala ni Gregorio ang pinggan sa isang dako ng tolda.
"Makaraos lang." Binigay ni Gregorio ang pinggan kay Emilio, hindi pa gutom si Emilio dahil sa pag-aalala niya kaya ibinigay niya nalang iyon kay Felicidad at umalis na sa pwesto.
Lumabas ng tolda si Felicidad dahil may pagkakataon na siyang sabihin kay Gregorio ang totoo. "Kamusta ang Sinyora?"
"Mabuti. Gregorio, may sasabihin ako sayo tungkol kay Remedios." Saad ni Felicidad.
"Ano 'yon?"
"Buntis siya. Kailangan mong dalhin siya dito para maalagaan mo." Natulala si Gregorio sa sinabi ni Felicidad at tinanong kung totoo ito.
Binigyan na ni Juan ng sabaw sila Remedios at Joven na magkatabi. "Nasaan na kaya ang Vanguardia?" Tanong ni Joven.
"Ang alam ko isang araw nalang dito ang Concepcion. Malamang 'dun na natin sila maabutan." Tumango-tango naman si Joven. Tatanungin na sana ni Juan na kung may gusto pa si Remedios kaso napansin niyang may sundalo na tumatakbo.
"Ano 'yun? Saan papunta 'yun?" Tanong nito. Dumarami ang sundalong ang tumatakbo, may mga putukan din na nagaganap.
"Andiyan na sila! Andiyan na sila!" Sigaw ng isang sundalo.
"Putangina!" Mura ni Juan. Agad niyang kinuha ang kamay ni Remedios at Joven palayo sa inuupuan nila.
"Kaya mo bang tumakbo?" Tanong ni Juan kay Remedios pero umiling siya. May nararamdaman na siyang mga sintomas.
Nag-isip nang mabilis si Juan hindi rin makakatakbo si Trinidad dahil may edad na iyon. Hinatak niya si Joven para makinig sa kaniyang sasabihin.
"Joven, tumakbo ka sa taas nang sobrang bilis kung kaya mo. Isama mo na rin si Miguel. Ibalita mo sa kanila na kailangan natin ng mga sundalo at kunin dito sila Remedios. Bilisan mo!" Binuhat na ni Joven si Miguel at tumakbo na nang mabilis patungo sa itaas.
"Remedios, dito lang kayo hanapin mo ang nanay mo at magtago muna kayo sa gilid, babalik ako." Agad naman pumunta siya kay Trinidad at nagtago.
"Goyong... Asan ka na?" Hikbi ni Remedios.
BINABASA MO ANG
Pelikula - G. del Pilar
Historical Fiction𝐏𝐞𝐥𝐢𝐤𝐮𝐥𝐚// Kung saan ang isang sikat na artista ay bumalik sa sinaunang panahon kung kailan siya ipinanganak, hindi niya alam na siya ay isa sa mga kapatid ng Presidente. Habang ginagawa niya ang kaniyang misyon ay napapalapit siya sa isang...