Chapter 4

5 1 3
                                    


"Hoy Yca, lika dito libre kita ng iced coffee.", grabe ang lakas naman ng boses nitong ni Vince. Rinig hanggang kabilang building.

"Oo na, teka lang naman"

Kasama niya si Gab at iba pa nilang kaibigan. Nilagpasan  lang ako at umupo na sa table nila. Naupo na rin si Janine sa table na kagagaling lang sa CR.

Luh may ganoon. Gusto makipag friends pero hindi ako ina-add sa facebook. Syempre mataas ang pride ko, ayoko rin siya i-add. Di rin ako pinapansin ayos to ahh.

"Oh wag masyado titigan, baka matunaw. Ayan na kape mo madam."

"Iche, may nababanggit ba sainyo si Gab. Like something unusual. May or may not be related to Debbie.", it's not that I care or I'm concern. Just pure curiosity.

"Wala naman? Bakit? He's just being his usual self."

Oh, right? It's not like I am part of his responsibility or whatsoever pero sana man lang diba. If he wanted to be friends, he should do the first move. Ako na nga naunang umamin, well it's up to him naman if he'll do his part or let things be.

Naupo na rin kami ni Iche sa table. Kaming anim lang ulit. We just ate lunch after a long time na hindi kami sama-samang kumain.

"Can I like, join you guys?", oh she's alone now.

Si Xia.

"Alam ko naman narinig niyo yung nangyari. Debbie was my only friend so yeah..."

"Xia, don't make us fools. We know you're just like her or who knows, maybe she influenced you.", sumagot naman si Alfred.

"I'm being honest and I genuinely just want to be friends with you all. We also don't have any contacts at all. She deactivated all her social media and she never left a word for me."

Wala nang nagawa ang mga tao sa table namin. Nakakahiya na rin sa ibang taong nasa canteen. We let her join just this once. I know most of us have trust issues here.

"What are your plans sa holidays, guys? Can we like have a party like get together lang ganon at may exchange gift din. Sagot ko na place", hyper na sabi ni Alfred. Mukhang gusto niya talaga isama kami ni Janine.

Nanahimik ang table namin pero bigla ring nagsalita si Gab.

"Yca, are you free on holidays? We'll have dinner at home. They invited you."

"Ha? Ako ba?"

"May iba pa bang Yca dito?", sabat naman ni Felix.

Tumawa lang si Janine at ang iba namang kaibigan ni Gab ay parang na estatwa lang. Hindi rin agad nag sink in sakin. Anong isasagot ako?

"Ahh, ano... sige... pag-isipan ko muna ha."

Tumayo naman ako mula sa table tapos sumunod si Janine. Pareho kaming pumunta sa bench sa may lilim malapit sa field.

Lord, joke lang naman eh. Kaya pala ayaw makipagkaibigan kasi gusto more than friends. Ay jk! Ayoko pala. Mas awkward pala. Nasisira yung plano kong lumayo at kalimutan siya.

"Oh inom ka muna ng tubig. Jusko teh namumutla ka na"

"Eh paano, biglang ganoon. Sa canteen pa. Di nalang ako kausapin na kaming dalawa lang. Nakakahiya sa inyo."

"Kung nahihiya ka samin, sama nalang kami. Wag pala, masisira ang moment niyo. Welcome to the family daw, Yca."

Bigla naman dumating si Felix. Mukhang sumunod din after 30 minutes.

"Hello Yca, Janine. Umalis kasi kayo agad. Di niyo na tuloy narinig yung plano para sa party nating magkakaibigan. Sa 27 pala yun. Na-plano na namin lahat. Sa bahay lang din naman nina Alfred and we got the foods so dala na rin kayo if want niyo magluto. Tapos sa exchange gift..."

I see it coming. Sana di si Gab mabunot ko.

At na jinx nga dahil sa inabot na papel ni Felix. Siya na raw ang bumunot para samin ni Ja. Pagkatapos non ay umalis na rin siya agad.

"Sabay tayo bili pang exchange gift?", mungkahi ni Janine.

"Mukhang kilala ko na sino nabunot mo ah", natawa ako kasi alam kong si Felix nabunot niya which is tama naman.

"Osige!! Mamaya agad. Gusto ko rin gumala eh"

"Beh ang excited mo masyado, December 12 palang ngayon", galang-gala naman tong si Janine. Advance masyado nakakaloka.

"Sige na Yca. Mamaya na baka maging busy na rin tayo sa mga susunod. Finals na next week."

Wala na 'kong nagawa at pumayag nalang. Lutang pa rin ako at lumilipad ang isip dahil kay Gab. Ramdam niya siguro na nahihiya ako. Well, kasalanan niya naman 'to. Napaka unpredictable, parang tadhana.

Jananica: Teh saan ka na?

Yngrid Caroline: Teka, tagal mag dismiss nitong prof. Sunod ako after 3 minutes.

Jananica: Gege lods. Dito ako sa main gate A.

"Okay class. That's it for today. For your finals to be submitted next friday. Have your Literary Analysis Ready. No instructions, format and all. Just write on your own technique. That's all"

"Ja!!!"

"Yca, tara na. Tagal niyo naman."

Halos mag a-ala sais na kami nakarating. Hindi ko rin naman alam ano ibibigay kay Gab. Pabango nalang kaya? Kaso yun din niregalo ko kay Iche. Dapat iba naman.

"Yca, ano reregalo mo kay redacted?"

"Ano ba reregalo mo sa bebe mo?"

"Bebe ko? Teh mas single pa ko sayo noh"

"Ngiii, so ano kayo ni Felix? More than friends pero less than lovers?"

"Tanga, wala. Anyways. Relo nalang regalo natin sa kanila. Ayun oh yung nakasale na buy 1 take 1 para tipid pero mahal parin naman pero okay na yan"

"Ano ba talaga Ja. Pero sige ayan nalang. Kain na rin tayo."

"Bonchon!"

"Bonchoooon!"

Sabay naming sabi. Dito kami madalas kumain dati kapag sawa na kami sa mga coffee shop. Seoul fried rice, mandu at bingsu ang usual order namin kaya yun nalang ulit.

"So ano na ba Yca. Sasama ka ba kina Gab?"

"Hindi ko pa talaga alam Gab. Ay, este Janine."

"Lumilipad na naman ang utak mo. Wag mo kasi masyado isipin.

*tiiiiing*

"WTF!!!!"

Napalakas ata sigaw ko at napatayo pa 'ko kaya tinitingnan ako ng ibang customers. Sorry po, nagulat lang.

Gabriel sent you a friend request.

Gabriel sent a message.

"Hello Yca. Don't be pressured and take your time. It's your decision after all and I will respect that. It's also just a casual dinner with the fam. They are also good and kind hehe. It's also alright if you'll decline. Ingat kayo jan ni Janine."

Luh??? Pa-fall ampota. Di ako kikiligin, di ako kikiligin. DI AKO DAPAT KILIGIN. AYOKOOOOO!!

"Yca, beh, ano na nangyari sa'yo jan. Bakit ka sumigaw?", sobrang takang-taka na siya sa nangyayari kaya pinakita ko sakanya yung message and yung friend request ni Gab.

"Anak ng tinapa-", tinakpan ko ang bunganga niya dahil napakalakas din ng boses niya.

Pareho na kaming umupo at kumain dahil dumating na ang order naming mga pagkain.

"Anong ire-reply mo jan, Yca? Marupok era na ba?"

Ano nga bang dapat ko isagot dito? Ayoko namang tumanggi dahil ayan na oh. Harap-harapan na binibigyan ng tadhana sakin yung opportunity ako nalang yung gagalaw.

Pero umiiral din yung kataasan ng pride ko. Hindi ba masyadong mabilis? Meet the parents agad. Kinakabahan ako, parang Gab is not the type of person to do this or maybe he's taking the risk??

Red Strings (Strings Series #1) Where stories live. Discover now