OBSESSION 30

17.7K 356 15
                                    


Impero Tigri.

◈ ━━━━━━━ ◆ ━━━━━━━ ◈

THIRD PERSON


Walang pagdadalawang isip si Diego na sumakay sa kanyang motorsiklo at pinaharurot ito paalis. He is desperate to find Karina whatever it takes, ang gusto niya ay maiuwi itong ligtas. He knows Karina's in danger and he curse that mother fvcker son of a b*tch Armani.

Galing siya sa mayamang angkan at umiikot ang buhay ng kanyang pamilya sa business world. Kaya naman ay madali lamang siyang nakakalap ng mga impormasyong patungkol dito. At isa pa may kaibigan siyang mahusay sa larangan ng teknolohiya, magaling sa pasikot sikot sa gawaing pang hahack gamit ang computer nito. Ang kaibigan niyang iyun ay nagtatrabaho sa kalaban ni Armani, alam niya dahil kusa nitong sinabe iyun. Gustuhin man niyang pigilan ang kaibigan pero hindi niya magawa dahil kagustuhan nito iyun at sabi nito ay hindi ito sasali sa pakikipaglaban sa Impero Tigri. Iyon ang organisasyon ni Armani.


Alam niya lahat pero nanatili siyang tikom pero hindi na ngayon dahil nasangkot si Karina dito. At kailangan niyang gumawa ng paraan.

" Hello, Vio?" anas niya sa kabilang linya pagkatapos maipasantabi ang motorsiklo sa gilid. Rinig niya ang mabibigat na paghinga nito.


" Degs, h-hindi a-ko makakaalis dito, they lock me up here. Alam nilang tatakas ako at hindi ko alam kung papatayin ba nila ako after I give them all information they want. Nasa kamay na nila ang kaibigan mo. And they will make her as bait for Armani," mahinang wika nito na ikinamura niya.

" But don't worry about me Degs, gagawa ako ng paraan makatakas dito. Just go to your friend and save her before it's too late. Mr. Huber is not going to spare their lives." dugtong nito. Inis siyang napahagod sa buhok. Babae si Vio ay maaring mapahamak ito pero kailangan din niyang iligtas si Karina.

Wait for me Rin-Rin.

* * *

Sumapit ang umaga at nasa kamay parin sila ng mga kalaban. Pero hindi na siya nakatali sa Isang upuan, ipinasok sila sa Isang madilim na silid na ang tanging nagbibigay liwanag ay ang isang maliit na bintana na nasa pinamataas na parte ng dingding kaya hindi nila makikita ang nasa labas. Napatigil siya ng mahinang dumaing si Ms. Kim. Nakasalampak ito sa sahig dahil walang kahit anong bagay na mauupuan sa loob. Nakahawak ito sa kanyang tiyan at tila naiiyak.


"A-re you alright?" kinakabahang tanong niya at nilapitan ito. Lumuhod siya sa harap nito at napaangat ang mukha nito sa kanya. Her eyes are bloodshot. Tumango ito sa kanya na ikinaginhawa niya, kahit ayaw niya sa babaeng ito ay hindi rin naman niya gustuhing may mangyaring masama dito at sa dinadala nito. Oo nga pala at kagabi pa sila walang kain kaya siguradong gutom na ito at baka sumasakit na ang tiyan nito.


" I-im sorry," gulat siyang muling napatingin dito. "I'm sorry i-if I take him from you, I was desperate. We are close friends, and he's the only person na malalapitan ko at sa kagustuhan kong mailigtas ang anak ko at magkaroon ito ng ama ay pinilit ko siya , even though he's not the father." Mabilis na pumintig ang dibdib niya sa narinig dito. May hinala na siya pero iba parin pag nanggaling mismo iyon sa bibig nito.


Hadrian is not the father of her baby but who?

Nasagot ang katanungan niya ng muli itong magsalita.

" Gerhard Huber, siya ang Ama ng dinadala ko, b-but he's d-dead. His own father killed him when he find out na kukontra si Gerhard sa mga kagustuhan niya. He's the only man I love the most  but the world is cruel to give him a devil Father," hindi siya makaimik sa sinabe nito. Nagsimula itong umiyak at hindi niya alam ang gagawin. She has no idea that Ms. Kim was going through this. She judged her because she didn't know anything about it. Ganun pala ka hayop ang matanda na iyon na pati sariling anak nito ay pinatay at ngayon wala itong pakialam sa kanyang magiging apo.

HADRIANUS OBSESSION (IMPERO TIGRI#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon