OBSESSION 13

20.1K 524 16
                                    

Peace offering.

KARINA


ILANG araw na akong nanatili dito sa bahay niya at ilang araw na rin na puro bangayan na lang kaming dalawa. Nakakinis lang kasi ang hudyo na iyon! Napaka clingy at feeling close. At ang manyak pa palaging tyansing at kahapon ay nabayagan ko ito dahil ayaw niyang sumasama ako at makipag-usap kay Diego. Nagkasagutan pa kami at dahil sa inis ko ay pinatid ko ang ano niya.

Alam na rin ni Zane na sa kanya na ako nakatira pati na rin sina Khloe at Pamela. Nung una ay hindi pa ako pinansin ng dalawa dahil naglihim daw ako but I already explained myself at sumang-ayon silang hindi iyon ipagsasabi sa iba.



"Hija bakit gising kapa?" napalingon ako kay Nanay Flor nagtungo ito sa may lababo at inilagay doon ang ginamit na mug. Napabuntong hininga ako at binalingan ang hot chocolate milk saking tasa.



"Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok Nay." aniya ko dito. Sa totoo lang ay hinihintay ko rin ang pagdating ni Hadrian hindi pa kasi ito umuuwi. Gusto ko lang kasing mag sorry dahil sa ginawa ko.


"Ah ganun ba, Sige hija mauna na akong matulog sa iyo medyo sumasakit rin kasi ang balakang ko," bumalatay sa mukha ko ang pagalala dito, baka naman ay nasubrahan ito sa trabaho sana ay tinulungan ko na lamang ito kanina sa mga gawain. "Nay may gamot naman po kayo para diyan diba? baka po ay mapano kayo, bukas ay tutulungan ko po kayo sa mga gawaing bahay nang sa gayon ay hindi kayo masyadong mahihirapan,"lintaya ko.


"Naku, hija wag na kaya ko ito, ganito talaga pag matanda na." natawang aniya nito.

"Kahit na Nay, tutulong parin ako," pinal kong saad natatawang tumango naman ito. "Oh, siya sige magpapahinga na muna ako ha," ngumiti ako. "Sige po, Goodnight Nay."

Naubos ko na lang ang chocolate milk ko ay wala paring Hadrian ang dumating. Nagtungo ako sa lababo at hinugasan ang basong ginamit, pagkatapos ay bagot akong naglakad patungo sa staircase. Napahinto ako sa pagakyat ng biglang may kumatok sa pinto. Mabilis akong nagtungo doon, bumungad sakin ang dalawang bantay sa labas na akay-akay si Hadrian.


"Ma'am, lasing po itong si sir, mukhang galing ata sa bar," aniya nito. Tipid akong tumango at binuksan ng Malaki ang pinto upang makapasok sila. Agad akong sumunod sa mga ito papuntang kwarto nito.

"Salamat sa Inyo, ako na ang bahala sa kanya," aniya ko sa dalawa. Tumango naman ang mga ito, bago lumabas ay rinig ko pang ang bulungan ng dalawa. "Mukhang inlalabo yata si Sir," aniya. "Sinabe mo pa!" napa-iling na lamang ako.

Nilapitan ko ito sa kanyang higaan at tinapik tapik ang mukha, sobrang lasing talaga nito. Ano bang nangyari sa itong to at naisapang lumaklak ng alak. Inilapat ko ang tenga sa dibdib nito, rinig na rinig ko ang tibok nito. Napalayo naman ako ng bahagya itong gumalaw.


Pikit mata kong hinubad ang damit nito at ang pants nito. Napalunok ako sa nakikita ko sheyt na malagkit bakit ganito. Ghad ba't andaming pandesal katatapos ko lang uminum ng hot choco eh. Nagsimula na akong mamawis, naiinitan ako grabeh. Napatakip ako ng mukha ng mapadako ang tingin ko sa ibabang parte nito. Longganisang Malaki! puwtangaina! Bakit anlaki ng umbok dun. Lasing na nga't lahat nakuha pang tumayo huyy shit Karina wag mong minamanyak iyong taong tulog! Hindi ko naman siya minamayak ah! Kasalanan ng anaconda niya.



Kung anu-ano na lang ang pinagsasabe ko sa sarili. Nakahinga ako ng maluwag ng masuotan ko ito ng damit, para akong sumabak sa gyera. Umupo ako sa gilid ng higaan nito at nakatalikod ako Mula sa kanya. Nilakasan ko namna iyong aircon pero namamwis ang noo at palad ko.


HADRIANUS OBSESSION (IMPERO TIGRI#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon