MASAKIT NA KATOTOHANAN-PAINFUL CONFRONTATION.IKALAWANG YUGTO
(Halos hindi makakilos si win sa gilid panay iyak nito hindi niya matanggap ang nasaksihan niya sa pagitan ni bright at asawa nito.)
Win-babe paano na ako? Paano na tayo?aarrgghh..😭(Makaraan ng ilang minuto ay sumakay na si bright at ang asawa nito sa bridal car, sinubukan niyang habolin ito,tumakbo siya palabas ng gate.) Babe? Babe! Wag mo akong iiwan babeeeee!!!! 😭(Sigaw niya hanggang sa nakalayo na ito,wala siyang nagawa hindi siya nakita ni bright dahil may kalayuan ang kinaroroonan niya, Hanggang sa Wala sa sariling naglakad si win pauwi nasa gilid siya ng kalsada hindi alam kong saan tutungo, gulong-gulo siya sa mga nangyayari,bawat tao na nakakasalubong niya ay Siya ang tinitingnan)
Ano kaya ang nangyari sa kanya oh tingnan mo siguro iniwan yan panay iyak ,wala sa sariling naglalakad.,kawawa naman.
Oh baka naloko kaya siya ganyan kawawa nga siya.(ito ang mga bulongan ng mga taong nakakasalubong niya,wala siyang pakialam kung anuman ang isipin sa kanya ng mga tao,habang patuloy na umiiyak dahil sa nasaksihan,hindi niya matanggap na ang taong labis niyang minahal ay nagpakasal na sa iba)
Win- babe bakit? Ayoko na,pagod na akong lumaban gusto kunang mamatay,aaahh... 😭😭😭
(Sinabayan ng pagpatak ng ulan ang hinagpis na kanyang nararamdaman, para sa kanya tapos na ang lahat ng paglaban niya,kaya naman humakbang Ito patungong kalsada ng wala sa sarili sinalubong niya ang dumadaang mga sasakyan na para bang nais na niyang wakasan ang buhay niya,ilang sandali pa ang nakalipas dala ng pagod at walang sapat na tulog nanghina siya,hindi na niya napansin ang paparating na sasakyan sa harapan niya napahinto nalang siya )
Hoy! Gago ka ba,kung magpapakamatay ka wag kang mangdamay bwesit!!! ( natumba nalang siya dahil sa panghihina)
Win-babeee..(tanging nasabi niya, sa kabutihang palad tumigil ang sasakyan na kamuntikan ng makabangga sa kanya,Hanggang sa natumba na nga siya nawalan na ng malay,hindi siya tinulongan ng driver dahil sa takot na baka siya ang sisihin, Hanggang sa may lumapit kay win hindi kilalang lalaki)
Mr? ano bang nangyari sayo,magpapakamatay kaba,hoy Mr?( Sigaw ng lalaking lumapit sa kanya para tulongan siya,tuloyan ng nawalan ng malay si win,ng sandaling yon nasa kabilang linya lang ang sinasakyan ni bright ang akala ni win na umalis na ito,bumalik sila dahil may naiwan sa simbahan,nakita ni brigth ang mga taong nagtipon tipon,pero hindi si win)
Bright- ano kaya ang nangyari don may mga tao.
Davika- may aksidente siguro.
Bright- baka nga sino kaya ang naaksidente kawawa naman,napano kaya siya.
Davika-hon wag muna isipin yan hon kasal natin ngayon, ayoko na makita kang naapektohan sa ganyan kaya please gusto ko maging happy lang tayo ngayon at kung sino man ang taong yon sana okey lang siya.,umalis na tayo baka hinihintay na nila tayo sa reception.
Bright- sige, pasensya na hon,manong umalis na tayo baka naghihintay na sila saamin sa venue.
Driver- opo sir,(bago tuloyan umalis ng sasakyan ay napalingon pa si bright sa gawi ni win wala siyang kaalam alam na si win ang inagapan,makalipas ang ilang oras nagising si win dahil sa isang bosis)
Babe,mahal ko gising kana mag aalmusal na tayo,.bangon kana jan.,nagluto ako ng paborito mo,halika na(naluha si win ng makita si bright nakangiti sa kanya habang nag aayos ng hapagkainan sa kanyang harapan)
Win-babe? Ikaw ba talaga yan?
Bright-oo naman sino pa ba ako lang naman ito ang boyfriend mong gwapo,antok kapa ba siguro no gumising kana para makakain na, tapos na ako dito halika kana,mahal ko.(nakangiting saad niya,hindi makapaniwala si win tumayo siya at lumapit ito kay bright na para bang hindi parin makapaniwala sa nakikita)
