THE SINFUL MARRIAGE VOW

10 2 0
                                    

THE SINFUL MARRIAGE VOW

💍IKAPITONG YUGTO

BUGSO NG DAMDAMIN GALIT,HINANAKIT,AT PAGSISI

Parehong hindi maitatago ang damdamin ng dalawa ng pareho nila makitang muli ang isat isa)

Anong gingawa mo,bakit nanon,bakit mo ito ginagawa ha?

Bitawan mo ako wala kang pakialam!(pero nahawakan ni win ulit si nanon)

Tumigil ka! Ito ba ang gusto mo ha,sisirain nito ang buhay mo gaya ng pagkasira ng buhay ko.(Humigpit ang pagkakahawak ni win sa damit ni nanon, halos pigil sa pagluha naman si nanon bakas ang nakatagong hinanakit sa kanyang puso)

Bakit,pakialam mo ba ha! Wow naman feeling matino kana ngayon,parang di mo to ginawa ah bakit,porke mayaman kana kaya kong makaasta ka akala mo naman di ka galing sa pagnanakaw.

Hindi ko yon itinatanggi ang akin Lang bakit ka nauwi sa ganito hindi ba ito ang dahilan kaya itinakwil ako ni papa dahil sakit ako sa ulo para sa kanya.(kinabig ni nanon ang kamay ni win)

Patay na si papa kaya wala ng dahilan para sumama ang loob mo sa kanya,alam mo kung sino ang may problema hindi si papa kundi ikaw!(dinuro si win ni nanon,dahil sa nalaman halos panghinaan si win)

Anong sabi mo,wala na si papa,patay na siya?

Oo patay na siya 2 taon na ang nakalipas,namatay siya dahil sa sakit,nabigla ka ba? paano nga ba di ka mabibigla simula ng umalis ka di ka manlang nagpakita.

Alam mong itinakwil ako ni papa,nakiusap ako sa kanya pero ipinagtabuyan niya ako kami ng kasintahan ko noon, dahil hindi niya tanggap ang pakikipag relasyon ko sa kapwa ko lalaki.

So anong gusto mo matuwa si papa sainyo ganun ba,natural lang Siguro yon sa isang magulang ang magalit pero alam mo ba kuya ay oo nga pala matagal ng panahon na di ka naging kuya saakin,nong araw,yong mga araw bago si papa malagotan ng hininga walang araw na di siya nakatanaw sa pintuan lagi niyang sinasabi kong kailan ka darating,kung darating kaba,wala kami maisagot ni mama kay papa dahil paano ka nga ba namin hahanapin maliban sa hirap ng sitwasyon namin noon hindi namin maiwan si papa natatakot kami na baka pag iniwan namin siya madatnan nalang namin siya sa bahay wala ng buhay,pero di sumuko si mama nagbaka sakali na makita ka iniiwan niya si papa sakin,kahit ang bata ko pa non pero wala akong magawa kundi ang lakasan ang loob ko upang malaman mo ang kalagayan ni papa kaya kahit walang pera naglalakad si mama nilalakad niya ang napakalayong daan para lang mapuntahan ka pero wala ka sa tinitirhan mo,hindi namin alam kong nasaan ka,ilang besis si papa pabalik balik sa ospital di namin alam ni mama kong saan kukuha ng pera na gagamitin sa kanya, kailangan niya operahan dahil malala na ang ulcer niya sumabay pa ang appendix niya,dahil sa hirap di namin napaoperahan si papa,kaya nagtiis siya tiniis niya ang sakit niya,sobrang hirap kami ni mama na makita si papa sa ganung sitwasyon,double kayod si mama halos wala ng pahinga may maisuporta lang kay papa at saakin, Hanggang sa bumigay na din si mama nagkasakit siya ng pulmonya, kinailangan ka namin pero wala ka,ayon ka sa nagpapakasaya.

Hindi yan totoo! Wala kang alam sa kung anong pinagdaanan ko.

Eh bakit? May alam ka din ba sa pinag daanan ko ha,akala mo ikaw lang ang nakaranas ng pagmamalupit ni papa,maging ako din nakaranas pero hindi ako tulad mo na nagawang tiisin kami para lang ipagpalit sa lalaki mo.

Tumahimik ka nanon,ako parin ang kuya mo!(pasigaw na sabi ni win)

Kuya? Naging kuya ka nga ba saakin? Kung naging kuya ka bakit kailangan ako ang pumasan sa responsibilidad bilang nakakatanda,ilang hinanakit ba ang itinago ko ilang hikbi ba ang tiniis ko para lang gampanan ang obligasyon mo alam ko hindi perpekto si papa kahit napapagalitan niya ako hindi yon naging rason para talikuran ko siya,tiniis ko ang sakit ng mga latay sa katawan para lang ki mama,si mama ang naging dahilan para wag ko sila iwanan at nong araw na nawala si papa bago siya bawian ng buhay ang pinakamasakit pa ako yong nandon pero ang huli niyang nasambit ay ang pangalan mo,diba ang unfair ako yong nagpakaanak pero ikaw ang hinanap,pero binaliwala ko yon dahil batid namin ni mama na gusto ka ni papa makita pero Hindi namin yon naibigay sa kanya hindi ka namin matagpuan,kaya sobrang sakit para ki mama ang pagkawala ni papa at ngayon wala na si papa, asan ka nga ba kuya ha? Nasaan ka nong panahon na kailangan ka namin,matagal kanang napatawad ni papa,pero bakit ganun si papa lang ang tumakwil sayo pero Hindi ako hindi si mama,nong panahon na kailangan ko ng masasandalan nasaan ka,ikaw ang panganay pero ako ang umako ng responsibilidad mo, paano mo nasikmura na abandonahin kami ni mama, Ng dahil sa lintik na lalaking yon sa kanya nalang umikot ang buhay mo habang kami, ni Hindi mo naisip na kailangan ka din namin,itinakwil kalang pero Hindi mo manlang sinubukan ulit kumustahin kami,kung okey lang ba kami,kung buhay pa ba kami o kung kumakain pa,sa bawat kumakalam ang aming sikmura itinutulog nalang namin ni mama,wala kang alam sa hirap na dinanas namin,at ngayon makikita kita, maayos ang buhay,masaya habang kami ni mama naghihirap kailangan ko gumawa ng masama para lang mabuhay kami ni mama at para may maipangbili ng gamot niya.(parang isang bulkan na sumabog sa sama ng loob ang kapatid ni win na si nanon napaiyak nalang ito,sobrang nanlumo naman si win sa kanyang mga narinig,napaupo ito at humagulhol sa iyak)

THE SINFUL MARRIAGE VOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon