CHAPTER 27

89 4 0
                                    


SEGOVIA BROTHERS SERIES 1

One More Night

CHAPTER 27

PAST EIGHT in the morning when I woke up and get up in bed with a big smile on my lips. Damn. I am so happy and super excited because today is our wedding day! I really can't wait to wear my bridal gown and walk down the aisle while my super handsome groom is waiting for me.

Oh, speaking of that guy.. Where is he anyway?

Nawala ng bahagya ang ngiti ko nang mapansing wala nga sa kwarto si Xanth. Tsk! Ni hindi man lang ako nagawang gisingin bago man lang ako iwanan dito. Napapailing na lamang ako.

Kaagad na akong pumasok sa banyo para maligo. Ilang minuto rin akong nagbabad sa bathtub upang maginhawahan ang katawan ko. Pagkatapos maligo ay agad ko ng tinungo ang malawak na walk in closet para magbihis subalit nabulaga ako sa nakita ko pagpasok.

"Oh my goddd!!!" Napatili pa ko. Halos lumuwa ang mga mata ko at natutop ko ng dalawang kamay ang bibig. "Jusko..." Nasabi ko ulit nang mahimasmasan.

Gusto kong magtatatalon sa sobrang tuwa nang matanaw mula sa kinatatayuan ko ang trahe de boda na isusuot ko. Nakasuot iyon sa mannequin na singlaki at singtangkad ko. Tumitili akong tumakbo papalapit sa gown. Pagkalapit ay namamangha kong pinadausdos ang mga daliri ko sa tela nito.

"Napakaganda.. Oh my god..."

Hindi ko alam kung anong oras itong dumating dito at ni hindi ko man lang namalayan. Gano'n siguro kasarap ang tulog ko at ni hindi ko napansing ipasok ito dito. Nang ilibot ko ang paningin ay nangiti ako. Kumpleto na rin ang iba ko pang gagamitin doon. They're all prepared. Napansin ko rin ang nakapatong sa white circle table ang kumikinang na stiletto, silver ang kulay no'n at napapalibutan ng tila mga diamonds. Mayroon ding set ng jewelry at crown na tulad sa prinsesa. Nakahanda na ang mga iyon.

Muli akong napatingin sa gown ko. Namamangha ako sa kasimplehan nito ngunit napaka-elegante iyon kung titingnan sa malayo. Katulad na katulad iyon sa bridal gown nong sikat na artista na si Marian. Hmm.. Bagay na bagay din ito sa 'kin, nasisiguro ko iyon.

Napangiti ako nang muli kong inimagine ang sariling naglalakad na sa aisle habang naghihintay naman sa dulo ang nagpupunas ng luhang si Xanth Eadric. Psh.

Nang bigla namang tumunog ang tiyan ko. Napahawak ako dito at bahagya ko iyong hinaplos. Gutom na ako at ang baby ko. Kaya naman ay agad na akong naghagilap ng maluwag na dress at undies sa cabinet at mabilis na isinuot iyon.

Tatalikod na sana ako para lumabas nang muli akong mapasulyap sa wedding gown ko. Hindi ko magawang ipuknat ang mga mata ko dito. Nangangati na akong isuot iyon. Nai-excite na talaga ako, eh. Hindi ko maiwasan ang sarili kong ngumiti at kiligin.

Nang maramdaman ko na lang ang dalawang brasong pumulupot sa beywang ko at isiniksik ang mukha sa leeg ko. Nagulat ako ngunit agad din akong nangiti at saka nilingon ito.

"Good morning, my beautiful babe!" Sinalubong niya ng halik ang ginawa kong paglingon sa kanya. Napailing na lamang ako sa isip ko at nangingiti habang ninanamnam ang matamis niyang halik. Matagal at napakasarap nito sa pakiramdam. "Ang tamis ng labi mo, babe."

"Bagong toothbrush, eh," sagot ko na ikinangisi niya.

Muli niya akong hinalikan ng mariin. Ipinasok pa niya ang dila niya sa loob ng bibig ko na tila may hinahanap. Nakatagilid ang mukha ko ngunit hindi man lang ako nakaramdam ng pangangalay.

One More Night (SEGOVIA BROTHERS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon