Chapter 20

28.4K 668 232
                                        

**R-18 Chapter: Young audiences ages  18 below are discouraged to read this chapter. You may skip the first scene and read the last scene. Thank you! **

NAMIMILOG ang mga matang nakatitig lang si Vel kay Santillan. Napalunok siya sa sobrang lapit ng mga mukha nila. He was still holding her pero nakalapat na ang likod niya sa kama. Umangat ang isang kamay nito sa cushioned headboard ng kama – parang may kinakapa roon. She heard a flick sound at namatay ang ilaw sa loob ng silid nito at naiwang bukas ang lamp shade sa bedside table.

Dinuro niya ito. "Hoy! Anong balak mo?" May babala sa boses niya.

He chuckled. "Wala namang mangyayari kung hindi natin gugustuhin."

She realized her other arm were still wrapped around his neck. Parang napaso na ibinaba niya ang braso.

"Sinasabi ko sa'yo talaga –"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang siilin siya nito bigla ng halik sa mga labi. She wasn't able to respond to that kiss dahil inilayo agad nito ang mukha sa kanya.

Nang magtama ulit ang mga mata nila ay parang mas lalo siyang natutunaw sa mainit na mga tingin nito. It was like a fire passionately burning rapidly in each passing seconds.

"Santillan –"

"Ilang buwan na akong nagtitimpi, Vel." He looked so tormented by her. Parang hirap na hirap na talaga itong pigilan ang sarili nang mga oras na 'yon. "God, ano bang ginawa mo sa'kin?"

Nanlamig lalo ang talampakan at mga kamay niya nang simulang halikan ni Santillan ang kanyang leeg - nanayo ang mga balahiho niya sa katawan. Ramdam na ramdam niya ang mainit na labi nito sa kanyang balat. Parang dumami lang ang mga paruparo niya sa tiyan nang mga oras na 'yon.

His kisses traced the outlines of her neck while his other hand reached her other hand, spread her fingers on the bedsheet just beside her head, and tangled those fingers with his.

"Word –" Naipikit niya ang mga mata nang bumalik ang labi nito sa kanyang labi. Hindi niya napigilan ang sarili na tugunan ang malalim na halik na 'yon.

Their lips parted at muling nagtama ang mga mata nila. Sumilip ang isang ngiti sa mukha nito. Lalong nag-iinit ang mga pisngi niya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.

"Ngayon mo lang ulit ako tinawag sa pangalan ko," basag nito. "Hmm..." Hinalikan nito ang mga talukap ng kanyang mga mata nang mapapikit siya. Bumaba ang halik na 'yon sa kanyang pisngi. "I want to hear it again, Vel." Ramdam niya ang mainit na hininga nito sa likod ng tainga niya. "Say my name..."

Iminulat niya ang mga mata.

"Yawa ka," aniya.

He buried his face at the crook of her neck, chuckling. "God, Vel." Umangat muli ang mukha nito sa kanya. Namumula ang mukha nito kakatawa. "Seriously?" punong-puno ng amusement ang ekspresyon ng mukha at pati na tuno ng boses ni Santillan.

Dahan-dahan itong lumipat sa tabi niya dahil halos nakadagan na ito sa kanya kanina. But he made sure his weight didn't make her uncomfortable. Maingat pa rin naman ito na huwag matamaan ang tiyan niya.

He held her closely in his arms.

Ang malakas na buhos ng ulan lang ang bumabasag sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Panay lang din pisil si Santillan sa mga kamay niyang hawak nito.

"Alam mo kapag hinayaan kitang may mangyari sa atin ngayon," mahinang basag niya mayamaya. "It would mean marriage to me." Sabay nilang naibaling ang tingin sa isa't isa. She continued, "It means, ipinagkakatiwala ko na sa'yo ang kasiyahan namin ng anak natin. I don't want any petty promises. Ang gusto ko lang ay maramdaman ko sa'yo araw-araw ang assurance na hindi ka magloloko at hinding-hindi mo kami sasaktan."

PERFECTLY UNMATCHED - PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon