Chapter 23

28.5K 582 158
                                        

PAGMULAT ni Vel ng mga mata ay talagang nagulat siya sa sobrang lapit ng mga mukha nila ni Santillan. Isang galaw na lang talaga at magdidikit na ang mga labi nila. Nakayakap ito sa kanya at nakaunan pa ang ulo niya sa isang braso nito pero mas malala ang ginawa ni Vel dahil nakadantay ang isang hita niya kay Santillan mula sa ilalim ng kumot na halos nasa baywang na rin nilang dalawa.

She mouthed a cursed at gigil na gigil siya sa sarili niya. Pero siyempre 'di niya naman masubunutan ang sarili kaya dahan-dahan na lamang niyang inalis ang paa mula sa pagkakadantay. Mukhang malalim pa ang tulog ni Santillan dahil hindi man lang ito gumalaw. Marahan pa rin ang paghinga nito. Lumayo lang siya nang kaunti kaso wrong move dahil kapag gumalaw pa siya ay sa sahig siya pupulutin.

"Ang likot naman nito matulog," bulong na reklamo niya sa sarili, bahagya niyang iniangat ang ulo para masilip ang kabilang parte ng kama. "Oh, tignan mo, ang laki pa ng space sa kabila. Tsk." Nanggigigil siya sa walangya. Gusto niyang i-uppercut para lumuwag ang side ng kama niya.

Tapos gusto pa nitong magsama sila sa iisang bahay? Papayag lang siya kapag dalawang king size bed ang nasa kuwarto nito. Napabuga siya ng hangin. Akmang aalisin na rin sana niya ang brasong nakayakap sa kanya nang may marinig siyang mahinang ungol at bulong mula kay Santillan.

"Mama..." he painfully whispered, brows creased.

Natigilan siya roon at napatitig sa malungkot na ekpresyon ng mukha nito kahit na nakapikit.

"Mama..." bulong ulit nito. "Mama... huwag... huwag mo kong iwan..." Kinailangan pa niyang ilapit nang husto ang mukha para marinig nang malinaw ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. "Mama..." He looked restless and in pain. Nag-alala tuloy siya.

Vel gently cupped his face. "Shshs... it's okay."

"Mama..."

Pinadaanan niya ng isang kamay ang magkasalubong nitong mga kilay. "Word," bulong niya rito. "It's okay. I'm here." Humigpit ang yakap nito sa kanya. Hinayaan niyang isubsob nito ang mukha sa kanyang leeg. "It's fine. Matulog ka muna." Hinagod niya nang marahan ang buhok nito.

"Huwag mo kong iwan..."

Nakaramdam siya ng bigat sa puso niya. Those words sounded painful in her ears. Narinig na rin niya ang mga salitang 'yon noon at ayaw na ulit niyang sabihin 'yon.

Pero bakit ganito si Santillan? May nangyari ba sa kanya noong bata siya? Nalayo ba siya sa Mama niya?

Lalo lamang nitong isiniksik ang sarili sa yakap niya.

"Shsh," alo niya rito. "Nandito lang ako. Hindi kita iiwan," bulong niya ulit kay Santillan dahil masyado itong restless. Tumalab naman dahil ramdam niya ang pagkalma nito. Lumuwag na rin ang pagkakayakap nito sa kanya at muling bumalik ang marahan na paghinga nito.

Mukhang may hindi sinasabi sa kanya si Santillan.



BUMABA na rin si Vel pagkatapos masiguro na mahimbing na ulit na natutulog si Santillan. Maaga pa naman. In fact, ay kaka-alas-sais pa lamang ng umaga. Pero maagang nagigising ang Mama at Tito Pear niya. Naabutan na nga niyang nagkakape sa kusina at kumakain ng bihon na ipinalaman sa pandesal ang dalawa. Natatakam siya sa kinakain ng dalawa lalo na sa kape. Pero iniiwasan niya talaga ang kape. Kapag talaga nanganak siya ay isang pitsel ng iced coffee iinumin niya. Walang makakapigil sa kanya.

Hindi naman yata talaga masama ang kape. May mga buntis pa namang tumutungga ng kape pero alam niyang masama talaga kapag na sobrahan. Kaso sa kaso niya. Adik talaga siya sa kape kaya mas mabuting pigilan na niya bago pa siya mabaliw.

"Vel, kain," aya ng Mama niya nang makita siya. "Asawa mo?"

Kumunot ang noo niya. Tawang-tawa naman si Tito Pear sa tabi ng Mama niya.

PERFECTLY UNMATCHED - PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon