NALANGHAP ni Vel ang masarap na amoy ng pagkain na bumungad agad sa kanya nang lumabas siya ng kwarto. May naririnig siyang ingay mula sa ibaba, alam niya agad na nagmumula sa kusina.
Humihikab na bumaba siya ng hagdan at dumiretso sa dining area, nakikita lang naman doon si Santillan na nagluluto mula sa likod ng bar counter nito. Pero sa tingin niya ay naghuhugas na lamang ng mga pinaggamitan si Santillan dahil halos nakahanda na ang breakfast sa mesa.
Napangiti si Vel.
Perks of marrying a chef.
"Good morning," basag ni Vel.
Napalingon mula sa balikat si Santillan. "Oh, gising ka na pala?" nakangiting sagot nito. "Saglit lang, tatapusin ko na lang 'to."
Tumango si Vel. "Sige lang, alam kong hindi mo malulunon ang pagkain mo kapag magulo ang paligid mo." Humila siya ng silya sa gawing kaliwa ng kabisera, her usual spot. She didn't really like sitting in the throne kaya ibinigay na niya kay Santillan ang kabisera.
Natawa naman ito. "I guess, you're the only mess I want to keep."
"Aga-aga, Santillan."
Lumakas lang tawa nito. "I'm almost done."
"Dalian mo at nagugutom na kami ni Book."
Tinignan ni Vel isa-isa ang mga inihandang pagkain ni Santillan sa mesa. Kung hindi lang bahay 'to ay iisipin niyang kakain siya sa isang restaurant sa klase ng food plating ni Santillan. In fact scrambled eggs, sausages, fried rice, toasted bread with jam and butter, and fresh sliced fruits lang ang inihanda nito. For the beverages, may inilagay na itong fresh orange juice sa side na inuupuan niya lagi at may brewed coffee na rin sa kabisera kung saan ang puwesto nito lagi, may kasama na ring isang pitsel ng tubig sa gitna.
Kumuha muna siya ng isang toasted bread at nilagyan ng jam and butter ang matigas na tinapay bago kinain.
"How are you?" Naupo si Santillan sa upuan nito. "Feeling better now?"
Ngumiti si Vel. "Feeling ko, okay na ako."
"Feeling lang?"
"Sa tingin ko kaya ko nang mag-move-on." Sumilay ang isang ngiti sa mukha ni Santillan saka marahang ginulo ang buhok niya. Napaismid si Vel. She hates it when he does that, kaya pinalis niya ang kamay nito. "Hindi pa nga ako nagsusuklay, ginugulo mo pa lalo."
He chuckled. "Glad you're okay now." Nakangiting tinitigan lang siya nito. "I was really worried about you pero naisip ko na mas matapang ka nga pala sa'kin."
"Honestly, I still hate what he did to us, but I feel lighter this time." Tipid siyang ngumiti. "Siguro kung kinausap niya ako na walang remorse, mas lalo ko siyang kamumuhian. I know it's bad to think about it, but him, suffering with the guilt because of what he did to us made me feel better."
"We always keep a little devil inside us," he joked. "At least may konsensiya pa ang tatay mo."
"Akala ko nga wala na e."
Natawa si Santillan. "May room for character development, not bad."
"I think I would need more time, feeling ko napatawad ko na siya, pero feeling ko rin na hindi pa buo kasi hindi ko pa ulit kaya na makita siya at kausapin ang second family niya."
"You don't need to rush everything, go and take your time, Vel. Ang importante ay nagkaroon na kayo ng closure ng tatay mo. If he's genuine in asking your forgiveness, he will wait and prove it to you."
"Hindi ko na mababago ang nakaraan pero puwede naman akong magsimula ng bago." May ngiting hinaplos ni Vel ang umbok niyang tiyan habang nakatingin doon. "Sana lang talaga may buhok si Book paglabas niya."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNMATCHED - PUBLISHED UNDER PSICOM
RomanceWord Santillan, the playboy chef and owner of TADHANA Café, avoids serious relationships like the plague. Novela "Vel" Martinez, the boyish neighbor and ex-employee of TADHANA, harbors a deep hatred toward her ex-boss, "Santillan." Their love langua...
