6. Trending

0 1 0
                                    

Normal lang naman ang araw ni Anya ngayon. Wala masyadong naliligaw sa store maliban sa mga makukulit na estudyante na ang ipinunta lang yata dito ay upang makapag-spray ng libreng pabango mula sa tester.



Yes she knows! Been there, done that.



Dumaan din si Anya sa pagka-teenager. Naalala pa nga niya dati madalas siya mag-volunteer sa mga pa-free mini make-over eme ng mga cosmetics store kahit hindi naman siya bumibili. Muntik na nga siya ipa-ban sa dalas niya mag-volunteer.




Kaya lang iba ang sitwasyon ngayon. Ang sakit nila sa mata minsan. At saka ang ingay pa. Nag-cutting yata ang mga pasaway na estudyanteng to. At kanina pa napapansin ni Anya ang mga pasulyap-sulyap nila sa direksyon niya tapos sabay nagbubulong-bulongan sa isat-isa.



Jinu-judge ba nila ako?



Siyempre umigting agad ang radar niya kaya agad niya itong nilapitan. Hindi niya gusto ang nasasaksihan. At baka meron silang masamang balak sa mga perfume testers nila!




"Hello," she smiled at them too friendly. "May nagugustuhan ba kayong scents?"




"Kamukha niya," narinig ni Anya ang bulong nung isa.



"Mukhang siya nga...." sabay siko nito sa katabi.


"Parang... maganda pala talaga siya sa personal."



Kung si Anya man ang tinutukoy nila, puwes nasisiyahan siya- nuot hanggang atay at balun-balunan! It's music to her ears.



Of course maganda talaga ako!



Hindi naman pala nakaka-umay ang mga estudyanteng ito, naisip niya. Mabigyan nga ng discount- charot!



"Well girls, parang ako yata ang pinag-uusapan niyo," sabi niya at nakangiti pa rin.



May humugot ng cellphone mula sa bulsa nito at may ipinakita sa kanya. "Opo! Kayo po ba to? Trending ka po! Pwede picture!"



Ha? Ano?!



Hindi agad na-process ng utak ni Anya ang sinabi ng estudyante. Nasa phone nito kasi ang video niya nung nagme-make up tutorial siya. Eto yung live niya noong Sabado!



At sizst nagkalat talaga siya sa live na yan. As in super nagkalat talaga dahil medyo nadali siya ng soju that time. Kung ano-ano na lang lumalabas sa bunganga niya. Kaya nang mahimasmasan kinabukasan, dinelete niya agad yung video.



At ngayon sinasabi nilang trending siya dahil sa video na iyon?



Alam niyang may following naman siyang mga 2k plus pero may nakapag-save talaga sa kagagahan niya at pinost pa! At viral ito ngayon! May nagtiis talagang manuod sa kagagahan niya?



Shit!



Kumalat na nga sa store ang balita. Hindi alam ni Anya kung dapat ba siyang masiyahan o hindi sa mga nangyayari. Inaasar at pinagtatawanan siya ng mga kasamahan dahil sa ka-dramahan niya sa video. Hindi talaga nila ito pinalampas at pinagtiyagaan din nilang panoorin.




"Hoy sinong nanakit sayo?" natatawang komento ni Minka. "Broken ka pala?"



"Oo nga ang dami mong hugot sa lipstick na yun ah." Dagdag naman nung isa.



Out na sila at nasa labas ng mall kumakain ng kikiam. Most of the time ito na yung dinner nila para matutulog na lang pagka-uwi sa bawat boarding house nila. Tipid sa pera at oras.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Remember YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon