5. Touch of Scarlet

20 2 0
                                    

Wala nang marinig si Anya kundi puro dada ng store manager nila na si Nora. Bibisita raw ang bagong may-ari ng mall mamaya. Maglilibot at mang-uusisa kaya kailangan nilang maghanda nang maigi. Infairness hindi lang naman sila ang nagkukumahog, buong mall talaga.




"Babae ba ang bagong may-ari ng mall?" pabulong na tanong ni Minka kay Anya. "Kung hindi bakit naman siya maliligaw sa store natin?"




"Ke mababae o lalake man siya, may rason siya para maligaw dito sa store natin," nababagot na sagot ni Anya. Ang totoo niyan wala siyang pake sa ocular inspection ng bagong may-ari.



"Malay mo hindi niya trip 'tong store natin at i-terminate ang lease contract natin para ibigay sa iba na kikita siya ng mas malaki diba," dagdag ni Anya. Sumang-ayon naman si Minka.




"Nandito na sila! Nandito na sila!" Humahangos na sabi ni Adele, store employee rin. Galing siya sa labas, nakikiusyuso. Siya yung kasamahan sa trabaho na laging pabida at sipsip sa big boss.



Lumabas si Nora at sumilip sa labas ng store para i-confirm ang binalita ni Adele. May ilang customers ang store nila kaya sumenyas siya na umayos sila t asikasuhin nang mabuti ang mga customers.



Si Anya ang umasikaso sa dalawang highschool customers na tumitingin sa mga blush on. Samantalang nag-aayos kunwari si Adele ng mga products dun sa hair care section. Si Minka naman minimake-upan ang isang matandang babae. Ang dalawang cashier naman parang manikin na nakangiti lang.




Biglang sumulpot si Nora sa likuran ni Anya at hinila siya. "Maam may customer ako rito," reklamo ni Anya habang hila-hila siya ng store manager.



"Shh! Si Adele na ang bahala dun. Samahan mo akong batiin si Mr. Monserrate," ani ni Nora.





Nag-abang sila sa labas ng store. "Diyosko, buhay ang babatiin natin hindi patay kaya ngumiti ka naman dyan."



Nagpakawala ng ngiti si Anya. Praktisado na ni Anya kung paano gawin ang pekeng ngiti. Sa trabaho niya required ang ngumiti sila para naman hindi ma-intimidate ang mga mamimili.




Ngunit unti-unting nawala ang ngiti ni Anya sa mukha nang makita niya si Markus na papalapit sa direksyon ng store nila.




May entourage na nakasunod kay Markus. May hinuha si Anya na siya ang bagong may-ari ng mall. Tuluyang nawala ang ngiti niya.



"Anya, ngiti!" Mariing bulong ni Nora kay Anya at siniko siya sa tagiliran.





"Good morning po Mr. Monserrate," bati ni Nora sa matamis na boses. "Welcome to Zepphora."




Napayuko si Anya at napa-cringed. Nagpapacute ata si Nora kay Markus.




Sakto namang nag-angat ng tingin si Anya at nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa ni Markus. Mukhang kanina pa ito nakatingin sa kanya.




Naalala ni Anya ang ginawang pag-iwan ni Markus sa kanya sa highway at kung paano nagkaroon ng maraming paltos ang paa niya. Gusto niya itong hampasin ng 4 inches heels niya. Pero kahit ganun nakuha pa rin niyang bigyan ng matamis ngiti si Markus. Para sa trabaho...




"Welcome po sir," bati ni Anya. Tumango naman si Markus at pumasok na sa loob ng store nila. Agad namang sumunod ang mga alipores ni Markus.




Naglibot sa loob ng store si Markus. Hindi alam ni Anya kung ang ano ba ang tinitingnan nito sa mga sulok. Ipis? Siguro.




"In fairness ang hot niya," kinikilig na bulong ni Minka kay Anya . "Hay ang swerte ng girlfriend niya. Mayaman, gwapo, mukha namang mabait..what can you ask for?"




Remember YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon