4. Access Card

20 2 0
                                    

Pumunta sa may loft si Anya. Hinawakan niya ang makintab na balustrade at dumungaw sa ibaba. Hinahanap ng mga mata niya si Mami. Medyo crowded na ang bar at ni anino ng lecheng si Mami hindi niya makita.

Napagpasyahan ni Anya na bumaba na lang. Baka naman maka-tiyempo at makalabas siya ng buhay dito sa Other Side. Sinubukan niyang tawagan si Mami pero naka-off ang phone ng bruha.

"Isang malaking pakshet," bulong ni Anya sa sarili nang mapansin ang kakaibang titig sa kanya ng isang middle aged na lalake na kamukha ni Walnut sa mobile game na plant vs zombies.

Palingon-lingon siya at naghahanap ng safe place. Yung walang matang nanghuhubad sa kanya.

At naknang! Mukhang sinusundan siya ni Walnut. Binagalan niya ang paglakad at sabay pekeng umubo ng ilang beses. Yung kawawang ubo na tipong isang hinga na lang patay na.

"Naku lumala yata ubo ko. Naku galing pa naman akong...ahem," sabi niya at siniguradong maririnig siya ni Walnut. Sinundan pa niya ng isang malutong na ubo. Uso pa naman ngayon ang mga viral infection.

 Pasimple siyang lumingon at nakita niya ang nakakunot na noo ni Mr. Walnut. Bumalik na ito sa bar counter at nagtawag ng bartender.

Ngumisi si Anya na parang si chesire cat. Tinuloy ni Anya ang pag-explore sa lugar.

Ayon! Tinungo ni Anya ang pinakasulok. Nag ala Sherlock Holmes siya at inusisa ang lugar. May dark curtains na sobrang kapal at hinawi niya yun.

May hallway.

Hindi na nasorpresa si Anya dahil alam na niyang puno ng secret door ang lugar na'to. Kaya lang may kakaiba siyang naririnig. Na-curious siya kaya dinikit niya ang tenga niya sa pader.

"Omo!!" Napabulalas si Anya sabay atras sa narinig na ungol sa loob ng kwarto. Napahawak siya sa dibdib dahil sa matinding shock.

May X-rated na nagaganap sa loob!

Naku po. Nangyayari din pala yan sa lugar na to?!

Tumunog ang phone ni Anya at agad niya itong sinagot. Baka maistorbo niya ang lovebirds. Mahirap na baka magalit sa kanya ang mga nasa loob na kasalukuyang gumagawa ng milagro.

"Emma, tulungan mo ako," sagot niya sa tawag ng kaibigan.

"Ha? Gaga! Ano naman 'yang pinasukan mo? Pyramiding scam, networking? Naku tigilan mo ako--"

"Hep hep hep hep. Makinig ka muna okay? Si Mami kasi..." nag-isip saglit si Anya dahil nalimutan niya ang tamang termino para dun.

"Ano? Wag mo akong binibiro makakatikim ka talaga sa'kin-"

"Alam ko na! Emma, alam mo yung human trafficking? Kasi tingin ko, nabiktima ako ni Mami. Ibebenta niya ata ako! Nakikinig kaba? Ibebenta niya ako sa black market. Mga gangs, mafia, yakuza mga ganun. Isi-send ko sayo gps ko. Please kailangan ko ng rescue dito. Hindi yata ako makakalabas ng buhay sa lugar na'to eh!"

"Naka-drugs ka ghorl? Kilala ko si Mami. Legit 'yun. Tumawag lang ako para ipaalam sayong okay na ang package natin from Thailand. O siya, sige na bye na. Nandito na si Kuring, magpapacutics na ako. Byers."

Binabaan siya ni Emma! Ang walang hiya! To think na ito pa ang naglakad sa kanya kay Mami.

Gustong magwala ni Anya kaso hindi niya teritoryo to. She turned around at muntik na niyang maitapon ang cellphone niya sa gulat.

"Markus?!"

Cool itong nakasandal sa pader na parang model.

"Kanina kapa riyan? Wala ka namang narinig diba?" Hindi makapagsalita ng diretso si Anya. Kinakabahan siya. Alam niyang may atraso siya kay Markus noon at baka gantihan siya nito ngayon.

Remember YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon