1. Encounter

33 2 0
                                    

Gustong mamangha ni Anya. First time niyang kumain sa isang exclusive french restaurant. At ang alam niya aabot ng two months ang aantayin bago makakuha ng reservation dito. To think na ang manager pa ng restaurant ang sumalubong sa kanya.


Ibang-iba na talaga ang estado ni Markus.


Inihatid siya ng manager sa table nila. Wala pa si Markus kaya tahimik lang si Anya habang naghihintay. Pasimple siyang nagmatyag sa mga taong kumakain.


Kabogera ang pormahan nila. Siya lang yata ang naligaw sa lugar na'to, naisip niya.


Gusto niya magtawag ng waiter dahil nagugutom na siya pero ang rude naman nun dahil wala pa si Markus. Maya't maya ang pag-inom niya ng tubig. Teka, darating pa ba si Markus? Halos mag-iisang oras na ako dito ah...


Sinong mag-aakala na magku-krus ulit ang landas nila ni Markus. Bumalik kay Anya kung ano ang nangyari kaninang umaga.


Dahil sa pagmamadali ni Anya, hindi na niya napansin ang traffic light at bigla siyang tumawid. Hindi niya namalayan may kotse palang paparating. Muntik na siyang mabundol nito. Buti na lang super sleek ang preno at on point kaya buhay pa siya ngayon.


"Shet ang tanga ko," saway ni Anya sa sarili habang sapo ang dibdib niya dahil sa slight na kaba na naramdaman. Muntikan na siya dun ah.


Nag-iba ang kulay ng traffic light kaya nagsitawiran naman ang mga taosa pedestrian. May narinig pa si Anya na mga pasaring mula sa kanila na dinedma niya dahil halata namang kasalanan niya.


As a sign of sorry, yumuko ng ilang beses si Anya sa harap ng kotse. Super tinted ang kotse kaya hindi alam ni Anya kung sino ang nasa loob. Baka may ma-offend pa siyang powerful personality at ipitin siya.


Aalis na sana siya kung hindi lang binaba ng driver ang bintana ng kotse. Lumapit siya kahit medyo kinakabahan. Baka sermon abutin niya dito. Okay lang naman sa kanya na masermunan basta hindi lang abutin ng siyam siyam.


Biglang bumukas ang pinto ng kotse.


"Get in." Sabi ng boses sa loob ng kotse.


Huh? Kumunot ang noo ni Anya.



In fairness gwapo ito at hot sa kanyang business suit. Not to mention may driver pa ang lalake. Yayamanin!



"The light is turning green, are you coming in or not?"


Lutang na napasakay si Anya sa kotse. Pagkaupo niya sa leather seat bigla siyang natauhan. 


Bakit siya sumunod?!


 Dahil ba magandang lalake ang nag-alok sa kanya ng ride, gora naman siya agad? Ang rupok lang!


"Teka, kidnap ba 'to?" Pilit binuksan ni Anya ang pinto pero mukhang naka child lock. "Wala akong pera..."


"Your imagination is running wild," he said.


Doon na tiningnan nang mabuti ni Anya ang lalake. She studied his face thoroughly. Side view lang dahil nakatungo ito habang may binabasa sa ipad niya.



Papasa 'tong model, sa isipan ni Anya. Pero parang pamilyar sa kanya ang mukha. Sakto namang tumingin ito sa direksyon niya at nagkasalubong ang mga titig nila.



Nanlaki bigla ang mga mata ni Anya dahil sa nadiskubre.



"M-Makoy? Weh di nga? Ikaw ba talaga yan?" Hindi makapaniwalang usal ni Anya. "Panong...?"



Remember YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon