"What the fuck is wrong with you?"
Narinig ko ang mala-kulog na sigaw ni Jiro mula sa itaas ng bahay. Nagsitakbuhan ang mga kasambahay ng makarinig kami ng malakas na pag-bagsak ng pinto kasunod noon ang mga yabag ng nagtutuktukang takong mula sa marmol na hagdanan.
"Are you really going to ask me that? Why don't you ask yourself what's fucking going on here? Why don't you look at the current situation, Jiro?" Bulyaw naman ni Shane ng tuluyang makababa ng hagdan. Kahit na sumisigaw ito sa galit, maganda at propesyonal pa rin ito kung titingnan. Nakasuot pa ito ng pang-opisina at talagang kagalang galang ang itsura.
Nasa kusina lang ako at pinapanuod ang nagiging bangayan nilang dalawa. Nagulat ako nang tumingin si Shane sa aking direksiyon. Awtomatikong nahawakan ko ang laylayan ng malaki kong damit. Hindi ko mabasa kung anong ibig sabihin ng mga titig niya sa sandaling yon, tawad? Pasenysa? Awa? Inggit? Sakit? Hindi ko alam.
"I can't fucking do this anymore, I... I can't believe you can do this to me" napapaos nitong turan sa lalaking katapat.
Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa aking damit nang hatakin ni Jiro si Shane mula sa batok at hinalikan ito sa marahas na paraan. Ilang sandaling natahimik ang buong kabahayan at pakiramdam ko napako ako ng husto sa aking kinatatayuan. Alam ko naman na ito ang nobya at mahal niya pero hindi ko aakalain dadating ang ganitong sitwasiyon. Na magagawa niyang halikan si Shane sa harapan ko at sa harap ng napaka-raming kasambahay.
Hindi ko naman gusto si Jiro pero unti unting sumisikip ang dibdib ko sa aking nasasaksihan. Hindi ko alam kung para saan ang sakit na yon.
Siguro dahil ako ang asawa pero iba ang kahalikan nito ngayon...
Siguro dahil ako ang dinala sa harap ng altar pero hindi ako ang mahal...
Siguro dahil kahit ako pinakasalan hindi naman ako ang pinangakuan ng walang hanggang pagmamahal...
BINABASA MO ANG
RECKLESS NIGHT
RomanceAUDREY SANTIAGO is the one Donya Olivia trusts to take care of their Mansion in the province. The old woman wanted Audrey for a long time because she was not blessed to have a son or a granddaughter that why she really like Audrey even if she dresse...