"Hindi ka ba nagse-selos? Ibang babae nanaman ang dala ng asawa mo" Ani ni Ate Nenette habang nakatingin sa itaas ng bahay eksakto roon sa kwartong pinasukan ni Jiro at ng bagong babae niya.
Niyaya ko itong lumabas para hindi kami makarinig ng kahit anong ingay mula roon sa kwartong inokupya nila Jiro. Madami namang soundproof na kwarto sa itaas pero yung palaging pinagpapasukan ni Jiro ng babae iyong talagang may makakarinig pa sa kahalayang ginagawa nila. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang iparinig sa buong bahay o talagang may saltik lang ang Hudas na yon.
"Iyong may nararamdam at nagkakagusto lang ang mga nagseselos ate, paano naman ako magseselos kung hindi ko naman siya gusto" paliwanag ko "Magdala siya ng magdala ng babae, wala akong pakialam roon"
"Hindi ba ang unfair naman ng sitwasiyon para sayo? Oo nga't hindi niyo mahal ang isa't isa pero nakakabastos para sa iyo na asawa niya ang pagdadala niya ng babae dito sa Mansion, sigurado ka bang hindi ka naaapektuhan?" tanong nito at nang tingnan ko ang mukha ni Ate Nenette ay nagaalala na itsura nito
"A-Ano ka ba ate, okay lang ako."
Huminga ito nang malalim tila hindi kumbinsido "Eh kay Shane? Hindi ka ba naapektuhan sa nangyari noong nakaraang dalawang linggo. Kitang kita ko ang pagmamahal ni Señorito Jiro sa babaeng yon at kaya siya nagiging ganito ngayon dahil tuluyan na siyang iniwan ni Shane"
"Hindi naman tayo siguradong sumuko na si Shane, Ate. Kitang kita ko rin kung gaano niya kamahal si Jiro at alam ko din naman na siya ang dahilan ng mga ginagawa ngayon ni Jiro, Sino ba naman hindi masisiraan ng bait kung magkanda-letse letse ang buhay mo dahil lang sa isang gabing pagkakamali..."
"Noong makita ko si Shane, pakiramdam ko nanliit akong bigla. Sobrang ganda niya, sexy, mukhang mabait at matalino. Hindi naman kataka-taka na ang babaeng katulad niya ang kabaliwan ni Jiro, hindi ako naniniwalang hindi siya babalik para ayusin ang sakanila ni Jiro..."
"Malakas kasi ang pakiramdam kong kaya niyang intindihin ang sitwasiyon, na pipilitin niyang intindihin yung mga nangyari bumalik lang sila ni Jiro sa dati. Kitang kita ko kasi yung sakit sa mga mata niya noong pumunta siya rito, noong malaman niyang kasal na si Jiro sakin, na magkakaroon na rin ito ng anak. Sino po bang hindi masasaktan doon? Hindi ko man alam kung gaano na sila katagal, basta alam kong masakit ang mga nangyari para kay Shane at lalo na kay Jiro..." bumuntong hininga ako saka tumingin sa madilim na langit na napupuno ng butuin.
"Alam mo Ate Nenette, kapag nagpatuloy si Jiro sa ginagawa niya. Hindi ako magdadalawang isip na tawagan si Donya Olivia" narinig ko ang marahas na pagsinghap ni Ate Nenette "Huwag kang mabigla, para sakanya din naman ang gagawin ko kung sakali"
"Huwag mong sabihin sa'kin na-"
"Ipapakiusap ko nalang kay Donya Olivia na mag-hiwalay na kami, wala namang mangyayari sa samin kung ipagpapatuloy pa namin 'to, hindi man sabihin ni Jiro, alam kong nahihirapan na din naman siya. Ayaw kong maging miserable siya habang buhay tapos ay ako itong sisisihin niya"
"At paano naman ang anak niyo? Naku sinasabi ko sayo, Audrey. Huwag padalos dalos ang mga desisiyon mo, palagi mong tandaan na nasa huli ang pagsisisi" paalala nito sa'kin.
"Hindi ko naman itatago sa'kanya ang bata, takot ko nalang na ipademanda niya pa ako" biro ko kay Ate Nenette. Napailing nalang siya saka isinandal ang katawan sa kawayang duyan na inuupuan namin. Marahan niya yung iniuga kaya isinandal ko nalang din ang sarili ko roon. Hindi ko mapigilang himasin ang tiyan ko at nangingiting tumingin rito.
"Ate halata na ba yung tiyan ko?"
Tumingin ito sa tiyan ko saka umiling "Hindi pa naman, tatlong buwan ka palang naman buntis, tapos ay palagi ka kasing nakamaluwag na damit kaya walang mag-aakalang buntis ka"

BINABASA MO ANG
RECKLESS NIGHT
RomanceAUDREY SANTIAGO is the one Donya Olivia trusts to take care of their Mansion in the province. The old woman wanted Audrey for a long time because she was not blessed to have a son or a granddaughter that why she really like Audrey even if she dresse...