"Leave" malamig pa sa yelong turan ni Jiro habang nakatingin sa buong hacienda. Nasa Balcony ito at doon naninigarilyo, ang walang emosiyon nitong mata ang siyang pumupukaw sa buong lupain na siyang pag-mamayari nila.
Hindi ako sumagot bagkus nagtungo na lamang sa kaniyang personal na banyo, kinuha ang marurumi niyang damit. Maingat na maingat ang bawat galaw ko dahil ayaw kong makagawa ng kahit anong bagay na ikakagalit niya. Habang pinaghihiwalay ko ang mga pambahay niya sa kaniyang pang-opisina sa isa pang lagayan, isang damit na pambabae ang aking nakita.
Kung hindi ako nagkakamali damit ito ng babaeng dinala niya noong isang araw, wala naman akong kaso roon kahit pa ilang babae ang dalhin niya sa bahay na ito, hindi ako mag-rereklamo. Bahay niya ito, gawin niya kung anong gusto niya, maguwi siya ng iba-ibang babae wala akong pakialam. Huwag niya lang akong sisisihin pag nagkasakit siya.
"What do you think you're doing?" tanong nito at kahit hindi naman ako nakatingin sa kaniyang mukha. Alam kong iyamot nanaman ang itsura nito.
"Maglalaba si Ate Nenette, Ako na ang kumuha ng mga labahin mo dahil takot ang mga kasambahay sayo. Isa pa, hindi ba't hindi ka naman nagpapasok ng kasambahay rito sa kwarto mo? Bakit nagtatataka ka pang nandito ako?" tanong ko at sinalubong ang matalim niyang mga tingin sa'kin.
"Matapang ka na ngayon?" bulong nito ngunit may halong kapahamakan ang tinig nito, umangat ang paningin ko sa mukha nito at binasa ang anumang tumatakbo sa isip. Bumalik sa walang emosiyon ang mga mata ni Jiro ngunit nanatiling nagtatagisan ang mga panga.
"May dahilan ako para mag-matapang sa harapan mo, Jiro" malamig ko ring turan sa'kanya. Bumaba naman ang tingin nito sa kabuuan ko at hindi man lang ako nakaramdam ng kahit katiting na takot mula sa nakakamatay niyang tingin "Alam kong hindi mo 'ko magagawang saktan" panatag kong sabi saka siya nilagpasan.
Narinig ko ang malalim niyang pag-hinga, kaya minabuti kong bilisan ang paglalakad noong naroon na ako sa tapat ng pintuan at akmang pipihitin na ang doorknob nang malakas niya itong sinuntok. Pinigilan kong mapatili sa sandaling yon kaya ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng aking puso.
Halos manlamig ang buong katawan ko ng maramdaman ang malaking katawan nito sa'king likuran. Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi at hindi maiwasan ang pangangatog ng aking tuhod at maging buong katawan.
"Of course you will not be afraid" napalunok ako ng marahan nitong tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko "I will not lay my hands on you because you are carrying my child" bulong nito sa tainga ko.
Nanigas naman ako sa aking kinatatayuan nang hawiin nito ang buhok ko papunta sa kabilang parte ng balikat ko. Hindi ko man siya nakikita, ramdam na ramdam ko naman ang bawat haplos niya sa exposed kong balat. Mariin akong napahawak sa lagayan ng maruming damit na aking yakap yakap nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa'king leeg.
"How are you able to smell sweet even you're sweating bullets" nanatili akong tahimik at pinakiramdaman ang ginagawa niya, kinakabahan sa pagiging malapit niya "Akala ko ba hindi ka takot? Bakit mukhang kinakabahan ka?" I can feel him grinning on my back.
"Tumabi ka, lalabas na ako!" mariin kong sabi saka siya matalim na tiningnan. Hindi ko alam kung maling kilos ba ang ginawa kong iyon dahil nang lumingon ako ay halos magdikit na ang mga tungki ng ilong namin. Hindi ko maiwasang komplimentuhin ang mabango niya pa ring hininga kahit pa nanigarilyo ito kanina lang.
"Gusto ko ring labasan, Audrey" he whispered sexily. He even licked his luscious lips as if he's seducing me. Sinamaan ko siya ng tingin at buong pwersa kong itinulak ang dibdib niya upang palayuin. Hindi ko alam kung nagpadala lang ba siya sa ginawa ko o sadiyang malakas ang naging pwersa ko para mapaatras siya.

BINABASA MO ANG
RECKLESS NIGHT
Lãng mạnAUDREY SANTIAGO is the one Donya Olivia trusts to take care of their Mansion in the province. The old woman wanted Audrey for a long time because she was not blessed to have a son or a granddaughter that why she really like Audrey even if she dresse...