"La, I have to go" napaangat ang tingin ko kay Jiro ng magpaalam yon sa kaniyang Lola. Nagsitayuan na rin ang mga pinsan nito at isa isa na ring nagpaalam
"Naku, nahahalata kong hinihintay niyo lang na may magpaalam ang isa sa inyo para lahat kayo ay makaalis na rito sa Mansion" panghuhuli ng matanda sa kaniyang mga apo "Maiintindihan ko kung aalis itong si Jiro dahil may girlfriend itong naiwan sa Maynila, habang kayo? Anong idadahilan niyo sakin ngayon"
Medyo nagulat ako roon. May girlfriend pala siya pero sabagay naman kataka-taka. May mga itsura sila, hindi naman ibang balita yung pagkakaroon ng nobya sa itsura at estado na meron sila ngayon.
"Si Lola naman, dadalasan po namin ang pagbisita sa'inyo" ani yon ni Alexis
"Gusto rin namin maka-bonding si Audrey, but we also have urgent matters Lola" Paliwanag ni Davis habang nakangiti sa gawi ko.
"Tsaka si Jiro lang ba ang may girlfriend samin Lola? Nako hindi mo sure" biro ni Caden
Piningot naman ni Donya Olivia ang tainga ni Caden kaya naghumiyaw yon sa buong mansiyon. "Hindi niyo kailangang mag-tago sakin ng Nobya ano, hindi naman ako mahigpit kahit sinong babae ay pwede niyong iharap sakin. Kayo lang itong hindi makuntento sa babae" sermon ng matanda sa apo
Isa-isa na silang umalis at kahit umuulan ay hindi na sila napigil sa paglisan. Hindi naman umuwi ang mga magulang nila dahil may kaniya-kaniyang kwarto naman sila rito sa Mansiyon. Ako naman ay hindi rin nakauwi, kahit may kalapitan lang ang tinitirhan ko rito ay hindi naman ako pinayagang umalis ni Donya Olivia kahit pa noong tumila na ang ulan.
"Audrey! Tara rito!" napatingin ako kay Gina na nasa likod ng Mansiyon kasama ang dalawa pang batang kasambahay, si Celine at Anna. Naisipan kong dalawin ang mga alagang hayop sa kalagitnaan ng gabi kaya ako napadpad rito. Iniisip ko kasi baka hindi sila nakakain kanina dahil sa abala ang lahat. Lumapit ako sa kanila at nagulat ng makita kung anong ginagawa nila.
"A-Anong... S-Saan niyo nakuha yan?" turo ko sa bote ng alak na nasa gitna ng maliit na lamesa
"Huwag kang mag-alala hindi namin 'to ninakaw, tira 'to sa handaan kanina, marami pa nga rito oh" turo ni Gina sa ilalim ng lamesa. Sinilip ko naman 'yon at naroon nga ang ibang bote ng mamahaling alak.
"Tumagay ka!" alok ni Celine sa'kin "Gina, Patikimin mo si Audrey!" utos nito habang pulang pula na ang mukha marahil ay tinamaan na ng alak.
"Naku, hindi na, sa inyo nalang yan" tanggi ko at akmang tatalikod na ng hilain ako Anna. Tinaasan ako nito ng kilay.
"Huwag ka ngang KJ, uminom ka rin" hindi ko rin mapigilan na taasan siya ng kilay, aba't ako pa ang mamalditahan niya ngayon, eh sa ayaw ko nga "Huwag ka ng tumanggi, minsan lang mag-bonding ang mga katulong rito, huwag mo namang ipamukha samin na hindi ka na isa samin"
"Tama na nga yan, Anna. Kung ayaw edi huwag pilitin" singhal nanaman ni Celine. Napailing nalang ako saka tinanggal ang pagkakahawak ni Anna sa braso ko. Lumapit ako kay Celine saka inagaw ang baso ng alak na dapat niyang tutunggain, madali ko yung ininom at lihim na napamura sa isip dahil sa napakapait na lasa non.
"Ayos na ba? Hindi na ba KJ yon?" tanong ko kay Anna, peke lamang itong ngumiti saka ako hinila paupo sa kaniyang tabi.
Nakailang ikot ang baso at paulit ulit kong tinatanggap ang binibigay nilang alak sa'kin. Hindi ko alam kung ilang oras kaming naginom at kung anong oras kaming natapos. Basta ang natatandaan ko noong makita kong nakasubsob na silang tatlo sa lamesa ay umalis na rin ako.
Bumalik ako sa kwarto na init na init ang pakiramdam. Kahit matindi ang tama ng alak sakin minabuti ko pa ring maligo, akala ko makakatulong yon para ibsan ang hilong nararaman ngunit lalo lang akong nahilo. Pakiramdam ko noon ay nawala na ako sa wisyo, namamanhid na rin ang buo kong katawan na sa tuwing tatama ako sa matitigas na bagay ay wala na akong nararamdaman.
BINABASA MO ANG
RECKLESS NIGHT
RomanceAUDREY SANTIAGO is the one Donya Olivia trusts to take care of their Mansion in the province. The old woman wanted Audrey for a long time because she was not blessed to have a son or a granddaughter that why she really like Audrey even if she dresse...