Truth

15 0 0
                                    

April 18, 2015
2:03pm

Nung gabi ng april 14, uminom ang kaibigan ko ng beer, at mukhang tinamaan sya ng kalasingan.. Tapos medyo badtrip ako nung araw nayon... So nabadtrip din sya sakin tapos nasabi nya ung mga nasasaloobin nya..

"Alam mo nakakainis ka, yang ugali mo, tapos ayaw mo kong palapitin sa ibang tao, sa mga student ko naiinis ka rin nakakainis ka alam mo yun, dapat hnd ka ganyan..vanesa alam mo mag move on ka na sa lalaking gusto mo para sakin... Kasi hnd na sya babalik sakin..siguro gusto mo lagi akong umiiyak, siguro gusto mo lagi akong nag kukulong dito sa kwarto, gusto mo malungkot ako..siguro gusto mo talaga lagi akong nasasaktan" truths hurt no vanessa, nakakasura yang ugali mo....

Simula ng sabihin nya yan..tumahimik na ang kwarto nya..hindi naku nag salita, nasaktan kasi ko sa lahat ng sinabi nya... Gusto ko lang naman syang protektahan...

Ou naiinis ako sa mga student nya na lagi nyang kasama, dahil natatakot akong dumating ung araw na hindi na nya ko kailanganin, dumating ung araw na hindi ko na pala sya friend..kasi meron na syang bagong student na kaibigan at hndi na nya ako kailangan"

ou nagagalit ako sa mga taong lumalapit sa kanya ngayon, kasi nasa stage palang sya ng moving on niyaya na syang idate ng iba...nililigawan sya agad...natatakot ako na baka meron lang gustong kunin sa kanya ung mga lalaking yon.,at pag nakuha na nila ang gusto nila sa friend ko iwan nila. At hindi ko sila kilala kaya nag aalala rin ako".

At lalong hindi ko gustong umiiyak sya,hnd ko gusto na nasasaktan sya..dahil mas nasasaktan ako pag ganun sya, gusto ko lang naman na mag move on sya sa ibang bagay, hindi ung papayag syang ligawan ng mga taong kakakilala palang nya,..

Nasasaktan ako kasi yan pala ang tingin nya sakin... Gusto kong umiyak ng umiyak, hangang sa mawala yung sakit na nararamdaman ko... Akala ko ok lang sa kanya na pinapakailaman ko sya, hindi pala dapat.. Kaya napag isip isip ko na hindi ko dapat sya pakialamanan sa gusto nyang gawin..

Kaya napag disisyunan kong bawasan ang love at care ko sa kanya..hindi nlng ako mag cocomment sa mga taong gusto nya.. Simula ngayon yelo na ang puso ko...

#End_OF_FRIENDSHIP NA TALAGA.

My FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon