conversation/Hurt

12 2 0
                                    

May 10,2015
11:46am
Hello watty, kanina nasa bahay ako ng bestfriend ko, dun kasi ko natulog..
Tapos nung nahawakan ko yung cellphone nya at napindot ko ung messenger, nabasa ko ung conversation nila ng tita nya....
Alam mo ba watty, nung nabasa ko ung conversation nila, nasaktan ako kasi inis na inis pala sakin ung friend ko..
Sabi ng tita nya sa kanya wag muna daw ako papuntahin sakanila, then sabi naman ng friend ko..
Yun daw ang balak nya, nakakainis daw kasi ako, dinidiktahan ko daw sya sa lahat ng gusto nyang gawin.... Tanging ako lang ang napag usapan nila sa chat.

Alam mo ba watty, sobrang sakit kasi pag kaharap ko sya walang problema, pero pag nakatalikod na pala inis na sya sakin....

Hay watty, ngayong may problema ko wala akong mapag sabihan kasi sya lang ung kaibigan na napag sasabihan ko...mahirap pala pag ung mismong kaibigan mo na ang problema mo, hindi mo alam kung kanino mo namn maikukwento kasi nag iisa lang ang bff mo.
Kaya ito ako ngayon watty, sau lang kinukwento,

Ung 5yrs nato...ung mga oras na dapat kasama ko family ko, sa kanya napupunta kasi gusto ko sya kasama...
Watty sobra kong minahal bff ko, sobra akong naging tapat sa kanya, walang kapalit yun...
Masaya na kasi ko makasama ko lang sya, sa kanya ko kasi nakukuha ung time na gusto ko sa family ko..

Pero watty, nag bago na sya,... Sawa na nga yata sya sakin.... Alam ko nahihirapan lang syang sabihin sakin yun... Siguro matagal na nya kong gustong palayuin. Hindi lang nya magawa...

Kaya siguro sa di ko sinasadyang pagkakataon napindot ko ung messenger, para mabasa ko un.

Sana hindi nalang ako nag mahal ng sobra sa kaibigan... Sobra din pala akong masasaktan. Kaya pala sa tuwing madidikit ako sa kanya galit agad sya, sa tuwing maiinis ako sa kanya magagalit sya,

Eh ako, sa tuwing magagalit sya, susuyuin ko sya at hihingi ako ng sorry,.. Masakit na talaga watty,
Lagi nalang akong nasasaktan.... :'(

Minsan nga gusto ko nalang mawala,.....

My FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon