i miss u Dad..

20 0 0
                                    

nov. 20, 2014

7:56pm

hi, alam mo friend, naiingit ako sayo kasi meron kang daddy, nakaka ingit nga nung nasa inyo tayo tapos naglalambing sayo daddy mo...

gusto ko rin maranasan kung pano mag mahal ang isang ama sa kanyang anak,..

naramdaman ko lang ang pag mamahal ng Papa ko nung bata pa ako, sa tuwing magkakasakit ako nandiyan sya para alagaan ako, pag nasa bukid kami noon nakasakay ako sa kalabaw ng papa ko habang tulak tulak nya ung kalabaw, pag aalis ang papa ko lagi akong sumasakay sa oner para hindi ako maiwan, tapos bibili kami ng madaming pag kain then babalik kami sa bukid tapos mag duduyan kami sa malaking puno, sabay din kaming kumakain sa malaking kubo at paglalagyan nya ako ng madaming pagkain, minsan nga sinusubuan pa ko ng papa ko e.

pag gabi naman lagi kaming mag katabi ni papa matulog,tapos sasabihin ko sa kanya yung mga gusto ko, sabi ko sa kanya "papa bili mo ko ng sapatos na may gulong ha, bili mo ko ng kapote para pag umuulan, bili mo din ako ng bike, tapos manika yung malaki, " sabi naman ni papa "Oo bibilin natin yan lahat pag nag ka pera si papa"

napangiti ako sa sinabi ni papa tapos niyakap ko siya...

siguro 5yrs old lang ako nayan, hindi pa ko nag aaral noon, 7 yrs old pumasok naku ng skul grade 1 hindi na nga ako nag kinder e, tapos nung naging grade 2 ako..yun na pala ang huling pag sasama namin ni papa kasi aalis na siya at pupunta ng bicol, akala ko noon saglit lang siyang mawawala pero hindi pala, 12yrs na pero hindi parin siya bumabalik dito sa bulacan,

kaya nga naiingit ako kay big boss e, ung best friend kong yun, hays, nakakatuwa sila ng daddy nya.. minsa nag duduet pa sila sa videoke tapos niyayakap siya ng daddy nya, sweet at masasabi kong malambing ang kanyang daddy,...

#kung pwede sana, bata parin ako,..kung maibabalik lang sana ang nakaraan hindi na sana sya umalis...

#imissU papa sobra sobra,

#at kahit matagal kang nawala kahit kailan hindi ako magagalit sayo... dahil ikaw ang the best papa ko... at proud ako sa apelido kong LOPEZ :), ilove sobra  sobra papa ko..

My FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon