limos na pagpapahalaga

2 0 0
                                    

september 18, 2016
11:47am

           ngayon wala akong magawa sobrang boring. nandito lang ako sa kwarto ko ngayon madaming iniisip na problema, sadness....

may tampuhan kami ng bestfriend ko at ilang weeks nakung hnd gumagala sakanila, "nakakatampo lang kasi talaga watty, hangang ngaun pala hindi ko parin maramdaman ung kahalagahan ko sa friend kong to. ung feeling na nagtetxt sya sakin pag kailangan nya ako tatawag sya pag kailangan nya ako. tapos pag ako ung may kailangan sa kanya at tinetxt o tinatawagan ko sya hindi sya sumasagot.

           ang sakit lang maramdaman na wala yata syang pakialam sakin. minsan pinangarap kong maging FB friend nalang nya. kasi pag fb friend ka nya pinapahalagahan nya ang effort mo, nagrereply sya sa chat o txt mo, sinasagot nya tawag mo at nakikipag video call pa sya sau. pero pag ikaw mismo na nakakasama nya hindi ka nya napapansin  😞 binigyan ko sya ng letter noon pero hindi nya pinansin, sa dami ng effort na ginawa ko bilang kaibigan nya parang wala namang kwenta lahat. ni hindi ko sya magawang mapatawa bagkus naiinis pa sya sakin. sobrang sakit lang na hindi nya kayang pahalagahan ung mga ginagawa ko.

          sana dumating yung araw na magtetxt sya sakin dahil kaibigan nya ako hindi yung magtetxt sya sakin dahil kailangan nya ako. kahit mangamusta lang sya on txt masaya naku pero hindi e. wala syang pakialam hayss.

ps. watty hindi nga pala natuloy ung kasal nila sabi ngaung december nalang daw. pero kung invited man ako sa kasal nya. parang ayoko nalang din pumunta at magpakita. parang ordinaryong tao na hindi namin kilala ang isat isa. napagod na yata ako sa pagmamahal ko sa kanya watty napagod na yata akong pahalagahan ang pagkakaibigan namin. feel ko kasi hindi kami mag bestfriend noon pa man. ako lang ang pumipilit. ...

My FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon