Enjoy Reading :)
***
Matapos ang ilang minutong pag-aantay ay may pumara nang sasakyan sa harap ko.
Sa palagay ko ay isang Mercedes Benz ito base narin sa Tatak nang sasakyan.Bumaba dito ang isang lalaking , mestiso , matango ang ilong , tingin ko'y kulay asul ang mata , gwapo , gwapo , gwapo , at napaka gwapo!
Napaka-tangkad din nito , at sa tingin ko'y kahit sinong babae ay mahuhumaling sa kakisigan nito .
Nagkatinginan kami at lumapit agad siya sakin.
"Are you Ms.Jin Fernando?" Tanong niya , habang ako ay tulala pa rin sa kanya.
"Hey ,miss?" Tapik niya sakin .
"Ye-yes!" Napatayo ako bigla at naglahad ng kamay .
"Ako si Jin Fernando, pwede mo akong tawaging, Jin." Ngiti ko sakanya.
"Brendan Richman , you can call me sir Bren." Inabot niya ang kamay ko , bigla akong na-insecure sa lambot ng kamay niya.
"Shall we continue to the business?" Sabi niya at inalalayan ako patungo sa sasakyan niya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.Nagulat ako sa pagiging gentleman niya, hindi na ito bihira sa panahon ngayon madalas ay hindi ka na nga pinag bubuksan , minsa'y pag babalibagan ka pa ng pinto.
I-nistart niya na ang makina at umalis na kami doon.
***
Mabilis kaming nakapunta sa isang restaurant sa isang mall. Habang nasa biyahe kanina ay di ko maiwasang kabahan dahil sobrang tahimik at tutok na tutok siyang mag-drive.
Nakapag reserved na ito ng upuan kaya nakaupo na agad kami at nakapag-hain agad sila ng pagkain.
"What do you do for a living before you've decided to enter a new job?" Tanong niya sakin sa isang diretsong ingles, isa lang masasabi ko , nakakadugo kahit tapos na ako madatnan noong isang linggo.
"Pa-balik balik ako dito sa manila, Dahil sa bestfriend kong si Gaby. Marami akong raket dito sa manila kaya parang bakasyon nalang ang pinupunta ko pag nasa Ilocos ako." Sabi ko sakanya , napaangat siya ng tingin sakin.
"So you're from ilocos? What part?" Tanong niya sakin at binalikan ulit ang pagkain.
"Sa Norte po, sa pagudpud po ako lumaki,tiya at tiyo ko po ang nagpalaki sa akin . ." Sabi ko at kumai na ulit.
"How old are you? At ano ang natapos mo?" Tanong niya sakin.
"23 po sir Bren, nakapag tapos po ako ng sekretaryal na dalawang taong kurso sa Vigan." Napatango siya at Tumingin sa akin.
"Sa tingin mo ba pag tinanggap kita , you're willing to do everything I'll order to you and are you sure that you are capable to do your job well?" Tanong niya sakin dire-diretso.
Napatikhim ako at tumingin sa kanya.
"Yes sir , after entering almost hundreds of job. I know to myself that I'm capable to do everything. In 23 years of existence I have my confidence that I can fit in every job that you are available to give." Sabi ko ng taas noo.
Nagpunas siya ng bibig at tumayo, tutal tapos na kami kumain . Nagulat ako ng naglahad siya ng kamay sa akin , tumayo din agad ako at inabot ito . Lalong nagpagulat sa akin ng nakipag shake hands siya.
"Okay, I'm impressed with your personality miss Fernando , I am now accepting you as my Full time secretary and Assistant." Napatigil ako ay napa-titig sa kanya.
"Talaga po?!" Hindi ako makapaniwalang saad sa kanya.
"Yes , you are starting tomorrow at my office as my Assistant, full time." Nakangisi niya sabi sa akin.
"Salamat po!" Sabi ko sa kanya at nakipag shake hands ulit.
***
Kasalukuyan kaming nag lalakad ngayon ni sir Bren pabalik sa kotse niya , pauwi na kami .
Tulad ng inaasahan ay pinag buksan niya ulit ako ng pinto.
"Salamat," sabi ko sakanya.Tumango nalang siya at umikot na at sumakay sa driver's seat.
Habang nasa biyahe ay di ko maiwasang mapalinga sa kanya. Alam kong may ibang lahi si sir Bren base na rin siguro sa mukha at kulay ng mata nito.
Makisig tignan si sir at lalaking lalaki talaga , nakakapag-taka nalang talaga kapag napagkamalan pa itong bakla.
"Miss Fernando." Sabi niya na ikinagulat ko .
"Ay bakla!" Napalingon agad ako sa kanya , at nakita ko siyang ngumisi.
"Who's gay?" Sabi niya at bahagyang lumingon sa akin .
"Wa-wala! Sorry sir." Sabi ko at tumungo.
"No , its okay ." Bumalik nanaman ito sa pagiging seryoso .
Nag pababa na lang ako sa kanto na malapit kung saan ako nakatira.
Inunahan ko na siyang mag bukas ng pinto ng sasakyan , at bumaba. Hiyang hiya parin kasi ako .Nakita kong bumaba na din siya at lumapit sa akin , "So see you tomorrow?" Sabi niya.
"Yes, sir. Salamat po ulit." Sabi ko at tumalikod na.
****
Nakapag-ayos na ako ng sarili nang biglang tumawag si Gaby.
"Jin!" -Gaby.
"Bakit?"-Jin.
" So ano tanggap ka na?"-Gaby.
"Oo! Ako pa!"-Jin.
" haha, sabi nga ni geoff , ikaw daw ang kauna-unahang employee na ininvite nun sa isang Business Dinner , to think mag-aapply ka lang naman!" Narinig kong tumatawa siya.
"Baliw ka talaga! Hm, ano ba sinabi mo dun at tinanggap agad ako?!" Sabi ko sakanya at bumungisngis.
"Sabi ko lang naman na.."