12 0 0
                                    

Enjoy reading :)

***

"Jin, saan ka na pupunta ngayon?" Tanong ni Gaby sakin.

"Naku, hindi ko pa nga alam eh. Ikaw kasi ba't hindi ka nagsabing na sa Singapore ka na pala?" Sagot ko kay Gaby , kasalukuyan ko kasi siyang kausap sa cellphone.

"Ikaw din naman di ka nag sabing luluwas ka pa-maynila." Sabi niya sakin , masasabunutan ko 'to eh , binabalik lang sa akin yung mga tanong.

"Sige ganito Jin, kakausapin ko 'yung boss ko. Tutal naman ay pinsan 'yun ng asawa ko. Pa-meet up kita sa kanya tutal naman may tinapos ka sa kolehiyo baka may available slot pa sa trabaho." Sabi niya , oo may asawa na si Gaby. Hindi nga alam ng erpats niya eh.

"Siguraduhin mo Gaby , baka mamaya mapahiya ako dun." Sabi ko. Siyempre mahirap na .

"Basta kakausapin ko din si Geoff." Sabi niya. Si Geoff asawa niya.

"Sige na! Ingat nalang diyan." Sabi ko at nag paalam na.

Lumakad na ako at nag hanap muna ng matutuluyan.

***

Napadpad ako sa isang Subdivision dito sa may Las Pinas, Isa siyang boarding house .

"Dalawang libo , isang kwarto. May sariling CR at Studio type." Sabi ng Landlady.

"Yung tubig at kuryente po?" Tanong ko sakanya. Ewan ko nga kung papano ako napunta dito.

"May kanya-kanyang metro kayo sa tubig at kuryente , may privacy ka rin dito dahil may kanya-kanya kayong kwarto at palikuran. Halos puro guro ang nangungupahan dito dahil malapit lang tayo sa paaralan at nakita mo naman sigurong walking distance lang ang kalye dito kaya kuhain mo na." Nginitian niya ako. Pansin ko rin ang pagiging masiyahin ng matanda.

"Sige 'ho kukuhain ko na , pero dalawang libo lang po ang kaya kong pang advance," sabi ko sakanya , totoo naman ito. Limang libo lang ang pinang luwas ko isang libo para sa pamasahe at apat na libo para sa bahay at pagkain.

"Walang problema , hija. Basta's siguraduhin mong makakapag bayad ka ng 'ayos para wala tayong problema." Sabi niya sakin at hinawakan ang kamay ko .

"Salamat po , talaga ." lumakad na kaming dalawa habang hila-hila ko ang aking maleta.

"Saan ka nga pala galing, ineng?" Tanong niya.

"Ilocos Norte , po." Sabi ko sakanya atcagad siyang napalingon sakin.

"Saan ka dun 'ineng."

"Sa Laoag po , pero sa pagudpud na po ako lumaki."

"Ang aking namayapang asawa ay taga Paoay , sa Vigan kami nagkakilala habang nasa bakasyon ako kasama ang aking pamilya." Sabi niya na tila inaalala ang mga pangyayari ng nakaraan.

"Siguro 'ho napaka-buting lalaki po ng asawa niyo , dahil kita ko parin po ang kislap sa inyong mata."

"Sinabi mo pa , halina't ililibot muna kita." Sabi niya.

"Ito ang aking hardin tuwing umaga ay maaga ako gumugising at nag didilig na dito , sa likod nito makikita mo na ang bahay." Nagpatuloy kami sa paglakad hangang sa marating namin ang bahay.

May apat na palapag ito , at mukhang kakaayos lamang.

"Pinaayos ko ito noong nakaraang taon at kakatapos lang , dalawang buwan na ang nakalilipas, galing sa inipon kong pera na pensyon ko ang pinang-ayos ko dito kaya huwag ka ng mag taka." Sabi niya habang may maliit na tawa ang sumilay sa kanyang labi .

"Ganoon po ba? May tanong po sana ako?" Saad ko .

"Sige ano 'yun hija?" Sabi niya sakin habang umaakyat kami sa hagdan.

The Rich BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon