Go for President!!

507 14 4
                                    

Author's Note: 

Dahil sa malapit na ang Valentine's at Election, naisip ko tong sulatin.. hehehe sana magustuhan niyo tong short story na to XD

Nga pala.. naisip ko din pala to dahil sa sinabi sakin ni Kozart nung nakaraan.. hahaha..

Start na natin.. VOTE FOR LOVE..

************************************************************************************************************

*kring* *kring* *kring*

Ano ba !yan... Inaantok pa ako e... Five more minutes... (Sabay adjust ng alarm clock)

"LYYYYYNNNNNNN!!!!! BUMANGON KA NAAAAAA!!!!! MALE-LATE KA NAAAAA!!!!"

*boogsh*

Aray!! Nalaglag ako sa kama ko. Ang lakas naman kasi makasigaw nitong mokong na ‘to e.

"LYYYYYNNNN!!!....."

"Eto na! Eto na! Gising na ako! Ang aga-aga pa e."

"Anong maaga pa?"

"Ay! Anak ng tipaklong!!!"

"Hindi ako anak ng tipaklong no! Anak ako ng nanay at tatay ko >3<"

"Bakit naman kasi bigla-bigla kang pumapasok sa may kwarto ng may kwarto?!"

"E ang tagal mo kasi!! Male-late na kaya tayo sa ginagawa mong ‘yan!"

 "Anong male-late e ang ag-....... Waaaahhhhhh!!! Male-late na ako!!" nagmadali na akong mag-ayos ng gamit ko. E paano ba naman, akala ko 5:35 am palang ‘yun pala 15 minutes nalang mag-i-start na ‘yung klase ko >.<

"Tulog-mantika kasi!"

"Maaga ko naman sinet ‘yung alarm ko e kaso nakatulog ako."

 "Naku nagpapalusot pa."

 "Baka gusto mong lumabas na ng kwarto ko at maliligo na ako."

 "Oo na. Lalabas na po si Ako. Akala mo naman may makikita ako. Hahahahaha"

 "Anong sabi mo!" *boogsh*  sayang ‘di ko natamaan ng unan. Tumakbo na kasi e.

Ako nga pala si Rogue Lyn Manahan, 200 divided by 10 years old.. hahahaha.. 4th year college na ako sa *Secret* University..

At ‘yung kaninang mokong na nanggising sa’kin ay ‘yung kababata kong si Joshua Ken Rodriguez. Same age lang kami pero ‘di kami pareho ng university na pinapasukan. Sabay lang kami pumapasok. Wala lang trip lang niya sumabay. Trip lang niyang asarin ako araw-araw >.<

"Ma!! Alis na po kami!!" sabay kiss sa cheeks ng nanay ko.

"O sige, nak! Mag-aral kayong mabuti ha!"

"Opo!" sabay na sigaw namin ni Ken.

Vote for Love!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon