Chapter 13: Day 6 out of 7

481 46 5
                                    


Bonget's PoV

Ang weird ni Sara ngayon, sobrang cold at distant niya, something is wrong that is for sure..

Love! tawag niya saakin

Tignan mo kanina lang cold, ngayon naman parang wala lang at masaya siya

Love! tawag niya ulit saakin

Ano po iyon? tanong ko sakaniya

Mag mukbang tayo! aya niya..

Napa kunot noo naman ako

Mukbang? tanong ko

Oo, kakain tayo pero I vi video natin.. naka ngiting sabi niya

Okay, pero may food naba? sabi ko

Wala pa, tayong dalawa ang magluluto tapos, kakain tayo hehe... sabi niya

Sounds fun, let's go.. sabi ko

Gaya nang sabi niya eh habang nagluluto kami ay vini video niya, pati pag aayos ko sa lamesa ay kinukuhanan niya..

Ngayong naka set up na at ready na kami kumain ay nag vi video parin siya..

Mahal ahhh.. sabi niya

Ngumanga naman ako..

Nagsusubuan lang kami hanggang maubos ang kinakain namin

Maaga pa at eto kami ngayon, busog na busog dahil naparami ang kain namin

Grabe ang busog ko! sabi niya

Natawa naman ako..

Ang dami mo ba namang kinain siyempre mabubusog ka talaga.. natatawang sabi ko

Bonget tara! aya niya bigla sakin

Saan naman tayo pupunta? tanong ko

Sa ilog! Maliligo tayo.. sabi niya

Sige Tara! Naka ngiting pag payag ko

Naghanda naman kami nang extrang damit at underwear and towels pati narin pagkain siyempre

Tara na mahal! excited na sabi nito

Pinag buksan ko naman siya nang pinto nang kotse..

Ako kasi ang magmamaneho....

Habang nag mamaneho ako ay nakatingin lang siya saakin na para bang kinakabisado ang buong mukha ko

Nag vi video parin siya ngayon..

Bonget say hii to my vlooggg... Hyper na sabi niya

Hi vlog! sabi ko naman

HAHAHAHAHAHA malakas na tawa niya

So guys as you can see I'm with Ferdinand Martin Marcos Jr.  My boyfriend and maliligo kami sa ilog!! sabi niya habang nag vi video

Natatawa nalang ako sa ginagawa niya

Mahal, mahal na mahal kita.. bigla niyang sabi habang naka titig saakin

Napangiti naman ako

Mahal na mahal din kita Sara.. sabi ko at ngumiti

Pag dating naman namin sa ilog ay nauna siyang lumangoy habang ako ay inaayos ang mga gamit

Naka patong ang cellphone niya sa parang stand at nag vi video na naman ang girlfriend ko

Mahal! Sali ka dito, langoy tayo.. sabi niya

Ngumiti naman ako at pumunta sakaniya..

Lumangoy naman ako papalapit sakaniya at niyakap siya nang mahigpit..

Ang higpit naman yumakap nang boyfriend ko.. natatawa na sabi niya

Akin ka lang ah? sabi ko

Sayo naman talaga ako.. Sabi niya

Naglalambingan kami sa ilog..

Mahal tignan mo oh ang ganda nang view natin, picturean kita... naka ngiting sabi niya

Sige ba.. game na game na pag payag ko

Pagkatapos niya ako picturean ay kinuha ko naman ang cellphone niya at siya naman ang kinuhaan ko nang litrato

Tapos ay yung kaming dalawa naman..

Mahal tignan mo hanging bridge oh! sabi niya

Tara punta tayo doon! sabi ko

Pag punta namin doon ay pumunta kami sa pinaka gitna nito

Sana hindi na matapos ang araw na ito.. sabi niya

Ayoko ding matapos ang araw na ito.. sagot ko

Nagtinginan naman kami..

Hinalikan ko siya at tumugon naman siya..

Nakarinig nalang ako nang click at yun na nga kinuhanan niya nang litrato ang halikan namin

Pag tingin ko sa litrato ay namangha ako saktong sakto sa paghahalikan namin ang sinag nang araw

Napangiti ako..

I love you.. sabi ko

I love you too.. sagot niya

Pag sapit nang hapon ay nag aya na naman si Sara sa tagaytay para mangabayo

Isang kabayo lang ang gamit namin ngayon..

Naka sandal siya sakin habang pinapalakad ko naman ang kabayo..

Ang saya ko ngayong araw na ito, salamat mahal sa pagpayag sa mga gusto ko.. sabi niya habang nakangiti

Masaya rin ako, salamat mahal ko.. sabi ko

Nabalot kami nang katahimikan..

Nasa dalampasigan kami ngayon, sakay parin nang kabayo..

Hinihintay naming lumubog ang araw bago kami umuwi..

Kuha parin siya nang kuha nang litrato..

Bakit ba kuha ka nang kuha nang litrato? tanong ko

Kasi po para may mga memories tayo na ma ke keep for future purposes tsaka maganda kaya yung ganito para may babalikan tayo pag malayo tayo sa isat isa.. paliwanag niya

Tumango tango naman ako..

Sabagay, mapapadalas narin kasi ang mga state visits namin ni mama... sabi ko

Maya maya pa ay napag desisyonan na namin umuwi

Sara's PoV

Pagka uwi namin ay hindi ko maiwasang malungkot dahil bukas ay panigurado na aalis na ako at hindi ko alam kung kakayanin kong makita siyang malungkot..

Naka titig lang ako ngayon sakaniya habang kausap niya ang mama niya, kine kwento niya kasi sakanila lahat nang kaganapan kanina..

Sa sobrang pag iisip ko ay diko namalayan na naka lapit na pala siya sakin..

Mahal Tara na? Antok na ako eh.. sabi niya

Nag request pala ako na tabihan niya ako matulog at pumayag naman siya..

Sige tara.. nakangiti kong sabi

Pag dating namin sa kwarto ay nahiga siya agad, tumabi naman ako at yumakap sakaniya..

Hinahaplos haplos ko siya sa buhok..

Mahal goodnight, I love you, see you tomorrow... Antok na sabi nito

Goodnight, I love you too.. sabi ko at hinalikan siya sa labi

At doon lumitaw na naman ang maganda niyang mga ngiti na nakapagbibigay saya saakin sa araw araw

Nang mahimbing na ang tulog niya ay hinalikan ko siya sa noo at niyakap..

Mahal na mahal kita Ferdinand Martin R. Marcos Jr.

___________________________

End is coming

She Falls Inlove with the Young Bongbong Where stories live. Discover now