2.

4 0 0
                                    

Mina POV :

Dali dali na akong sumakay ng kotse dala dala order ng mga kaibigan ko, hindi pa ako late pero alam kong hindi ko kailangang malate pa.

Matagal nako sa N Company. Nag tapos ako ng business management. Nakapasa agad ng work dito, maganda lahat. As in. Sapat lang sa lahat, hindi sobrang stress or whatsoever.

Just like before nung high school.

~
"Stress free ka na naman Mina ah." Bati ni Jihyo sakin.

"Mom, kase wala talagang stress" nakangiting sabi ko.

"Mukha ba akong nanay?"

"Oo nanay ko." Biro ni Sana.

"Ew, si Mina lang may karapatan!" Nag tatangka nang tumakbo.

Natatawa ako na, nanakatitig sakanila. Di ko manlang napansin na may nabangga ako.

"Sorry!"

Naramdaman kong may humawak sa waist ko, para hindi ako mahulog sa sahig.

"Okay ka lang?"

Napatingin ako kung sino yung nabangga ko, pero biglang tumigil ang mundo ko dahil si Nayeon an nakita ko.

"Nayeon"

Umalis ako sa pagkahawak niya.

"Hi, hi I'm Mina"

"Ha?" Nagtatakang sabi nito sakin.

"Ha? Wala sorry" Tumakbo nako paalis, kase sobrang nakakahiya.

~
Hindi din nag tagal nakarating din ako sa company, medyo crowded na kase floor namin kase may bago ngang manager.

"Chae!" Pag katawag ko nang makita ko siya. "Ito na yung coffee oh, nasan si Tzuyu?"

"Thank you Boss! Nandun na sa meeting room, ako na po mag dadala niyan boss"

Pupunta na sana ako meeting room nang hinarang ako.

"Mina, Mina"

"Yes ma'am Jeong?"

"Nakita mo naba yung new manager dito sa marketing? Ikaw kase ang mag totour sakanya mamaya ah"

"Hindi papo ma'am e, pero nasabi na nga po ni Chae na ako po yung mag totour"

"Sana okay lang ah"

Hindi naman ako pwedeng tumanggi...
Tumango nalang ako at ngumiti.

Nang paalis na ako, may nabangga ako.

Ayoko ma stress, no stress no no. Sabi ko lang sa isip ko.

"Mukhang naging way natin to palagi twing nag kikita ah"

Nakahawak siya sa waist ko, hindi ko kayang tumigin. Kase alam ko na kung sino. At kaninong boses yun.

"Nayeon?"

Right Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon