Unang Kabanata - Good Evening Sir.

160K 1.2K 109
                                    

Lyka Santos ang pangalan ko. Labing-limang taong gulang. Kasalukuyang nasa ika-apat na Baitang sa Sekondarya.

Hindi ako kabilang sa broken family. Kailangan lang talagang magtrabaho ng mga magulang ko sa malayong lugar. Hindi ako bitter pagdating sa bagay na 'yun. Hindi ako yung tipo ng kabataan na magrerebelde kasi hindi ko kasama ang mga magulang ko. Hindi ako tanga, bakit ko kailangan sirain ang buhay ko dahil sa walang kwentang bagay.

Hindi ko kasama ang mga magulang ko sa bahay. Ako lang mag-isa pero sa gabi ay minsan sinasamahan ako ni Manang Lorna. Siya na rin ang kinuha nila Mama na tagapaglinis sa bahay at tagalaba.

Lagi naman kaming nag-uusap nila Mama at Papa sa telepono o sa skype. May tiwala silang kaya ko kasi kilala nila ako bilang responsableng bata.

2nd yr Highschool ako ng inilipat ako ng bahay ng magulang ko dahil nalamang nilang hindi ako binibigyan ng Tito at Tita ko ng allowance at hindi mismo  binibigay ang perang nakalaan sakin.

"Girl. Ready ka na?" Napalingon ako kay Jero. Bestfriend ko siya. Huwag na lang kayong maingay pero Bekibels siya. Hindi kasi siya out sa pamilya lalo na at sundalo ang Tatay niya.

"Oo. Tara na? " May tatlong araw kaming Camping. Member ako ng CAT sa School. Napagod na kasi akong ma-bully ng mga kaklase ko kaya nilakasan ko ang loob at sumali dito. Atleast may pagkakataon akong makaganti sa mga kaklase kong bully.

"Oi. Wala ka balak maglagay man lang ng pampapula sa mukha mo? Putla ng pisngi mo" Bumubulong si Jero kasi hindi rin alam sa School na Beki siya. Talagang ako lang ang nakakaalam. Kaya minsan napagkakamalan kaming magboyfriend kasi madalas kaming magbulungan pero kung alam lang nila kung ano ang pinag-uusapan namin. Baka maloka sila.

Umiling ako. Hindi ako maganda kahit sinasabi ni Jero konting ayos lang daw pasok na daw ako sa banga. Pero hindi ko siya pinapakinggan. Hindi ako matangkad. Pero hindi rin sobrang liit.

Mga totoong sundalo ang magte-training samin, kaya naman pala hindi na mapakali ang mga babaeng kasama ko. Kahit mga naka-patig attire  mga nagpupulahan ang labi na minsan hindi ko maintindihan bakit kailangan na mag make-up pa.

Ngayon, isa-isa ng nagpapakilala ang mga sundalo na magbibigay ng training sa amin 

Ngayon medyo naiintindihan ko na kung bakit sila nagkakagulo kanina sa tent namin.

Gwapo naman kasi talaga ang ilan sa kanila. Magaganda ang pangangatawan at matitikas. Pasimple din akong nakukurot ni Jero kapag may dumadaan sa tapat naming gwapong sundalo. Napapiling na lang ako.

Nag-formation muna kaming lahat. Ginawa ang routine sa tuwing nag kakaroon ng form.

Bago magsimula ang formal training namin  nagpakilala muna sila sa amin. Nakakatawa kasi unang araw pa lang may mga bet na sila sa nga sundalo.

Hindi naging  madali ang training. Sa loob ng tatlong araw gamit na gamit ang pisikal, mental at emosyonal na aspeto ng pagkatao namin. Tawa tuloy kami ng tawa ni Jero dahil ang ilan sa mga babaeng kasama namin gusto ng umuwi lalo na nang pagulungin kami sa putik. Lahat tuloy kami gustong magamit ang nag-iisang matinong CR sa loob ng opisina ng pinaka Head Officer.

“Ngayong patapos na ang training, sino sa inyo ang gustong makapag-shower sa office ng solo at libreng snacks?” Tanong ni Sir Mendrado.

Halos lahat yata gusto, siyempre naman buong araw ba naman kaming nagpagulong-gulong sa lupa. Halo-halo na ang pawis sa putik.

“Kung sino man sa inyo ang makasagot sa tanong na ito. Siya ang mabibigyan ng chance..

Nagbigay sila ng isang equation sa blackboard sa harap.

AMERICAN SIZE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon