Kabanata 4

116K 839 43
                                    

"Bakla Nasaan ka na?" Napalikwas ako ng bangon ng marinig si Jero sa kabilang linya ng telepono. Ngayon ang enrollment day namin ni Jero pero dahil sa kakaisip ko ng kung ano-ano kagabi madaling araw na yata ako nakatulog.

Grabe Lyka. Wala na talagang magandang maidudulot sayo 'yang Sundalong yan.

Agad akong nagbihis. Jeans, White Shirt at sneaker. Ok na ako. Hindi na nga ako masyadong nakapag suklay. Buti na lang naayos ko na ang mga dapat kong dalhin. Halos tumakbo na ako palabas ng bahay nang biglang  may humintong sasakyan sa harap ko.

Lord naman. Bakit ngayon pa.

"Ihahatid na kita" At bakit naman napakagwapo ng lalaking ito. Pero wait. Ilang taon na ba tong si Sir?

"Hindi na. Baka ma late ka pa sa trabaho." Pero tinulak niya na ako papasok ng sasakyan.

"Salamat." Pero halik ang tinugon niya sakin. Ang aga-aga naman.  May kinuha siyang plastic sa likod at binigay sakin. Pagkain. Bigla kong naramdaman ang gutom.

"Kumain ka. Alam kong  Hindi ka nag-breakfast dahil nagmamadali ka."

"Late na kaya ako."

"Alam ko. Kanina pa ako nandito sa labas ng bahay mo.  Bumili lang ako ng pagkain para sayo." Napanguso ako kasi kinikilig ako na ewan ko.

"Baka ikaw naman ang ma-late" nagsimula na akong kumain.

"Wala naman akong oras na kailangan sundin. Mamaya pa rin ang meeting ko."

Hindi ko namalayang  naubos ko na ang pagkaing dinala niya. Napansin ko naman nakangiti siya habang nakatingin sa daan.

Nang nasa tapat na kami ng University napansin ko ng marami ng nakatingin samin.

"Bakla!" Napalingon kami sa tumawag. Gusto ko matawa dahil halos nawala ang kulay sa mukha ni Jero nang makita si Gabriel.

"Je. Sorry na-late ako ng gising" napakagat labi na ako kasi gusto ko talagang matawa.

"O-ok lang." Hindi ko na napigil ang tawa ko kasi sobrang tigas ng boses niya. Napalingon tuloy sakin si Gab. Pinandilatan ako ng mata ni Je.

"G-goodmorning Sir Gab."

"Good morning Je. Hinatid ko na si Lyka para makarating agad." Alam kong maraming tanong si Je ngayon at alam ko ring hindi niya ako titigilan mamaya.

"Ok po Sir."

Halos mawalan ako ng hininga ng akbayan niya ako at hinalikan sa ulo.

"Mauna na ako. Tatawagan kita mamaya" napakagat labi dahil sa kaba at kilig. Ang daming nakatingin sa amin at hindi ko alam kung ano ang iniisip nila. Pero dapat bang may pakialam ako sa kanila?

Tumango lang ako at hinintay siya makaalis.

"Ouch!" Napahawak ako sa tagiliran ko ng kurutin yun ni Jero. Kinaladkad niya na ako sa pila.

"Mamaya tayo magtutuos pagtapos nating mag enroll at huwag mong tangkaing maglihim sakin kundi makakatikim ka ng totoo."

Tanghali na pero hindi pa rin kami tapos ni Jero. Ayaw na namin umalis sa pila kasi nakakapanghinayang naman ang tiniis namin. Gutom na kami pareho pero walang lunch break sa Cashier kasi may kapalitan naman daw sila.

Maya-maya pa nag ring ang Cellphone ko.

"Hello?"

"Nag-lunch ka na?" Ang puso ko Lord. Napakagat labi ako kasi gusto kong kiligin.

"H-hindi pa. Nasa pila kami ni Je sa Cashier. Pero last na rin to."

"Ok. Save my number. Tatawag ako sayo mamaya"  tumatango ako kahit hindi niya ako nakikita. Wala na. Nabaliw na ako.

AMERICAN SIZE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon