Kabanata 6

104K 1.1K 55
                                    


“Nasaan na naman ba si Sir? Ang init Bes ha. Nakakalusaw ng ganda.” Napabuntong hininga ako.  Ito na naman. Kung hindi late ay wala talaga. Napailing na lang ako.

“Halika na. Mauna na lang tayo. Baka busy lang ‘yun at hindi lang ako nai-text.” Pero pinipigilan ko na ang pagtulo ng luha ko.

Ilang araw nang ganito. Hindi, ilang linggo nang ganito siya. Hindi ko na nga alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Sa gabi, lagi akong late nang matulog kakahintay sa text niya o di kaya sa pagpunta niya.

Lagi niya lang sinasabi na busy siya kaya hindi niya ako nasusundo. Noong mga unang beses ay ok lang naman sa akin, may trabaho siya normal lang na maging busy siya. Pero nang isang beses naabutan ko si Tito Anton sa bahay nila Jhe ay nasimplehan kong naitanong kung kamusta na siya.

At ang sabi niya ay nasa opisina lang naman ito at may inaasikaso at nang tinanong ko kung sobra bang busy talaga ngayon sa trabaho nila ang sagot ni Tito ay hindi naman depende kung may Time Management.

Tama, dati naman ay nagagawa niya akong puntahan sa University para sunduin o di kaya ay dalhan ng makakain.

Buti na lang at lagi kong kasama si Jhero kaya hindi ko masyadong ramdam ang pagka-miss sa kanya. Naging busy na rin sa dami ng mga kailangan gawing paper works.

“Bessss!” agad akong napalingon kay Jhero nang sumigaw siya. Yes, nakakasigaw siya ng ganyan kasi Out siya satunay niyang anyo dito sa University.

“Bakit ka ba sumisigaw dyan. Nakakahiya ka.” Binalik ko sa libro ang mga mata ko
Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko.

“Bes, nagtext na ba sayo si Sir?”

“Ha? Hindi pa, bakit?”

“Kasi Bes, umalis siya kasama ni Papa kaninang madaling araw papuntang Mindanao.”

Umalis siya? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niyang ‘yun. Umalis siya nang walang paalam? Ano na mangyayari? Bakit ba ito nangyayari?

“Bes.” Napatingin ako kay Jhero at bigla niya akong niyakap. Umiiyak na pala ako.

“Ano ka ba, baka mamaya ay magte-text din iyon sa ‘kin.” Sige Lyka, paasahin mo ang sarili mo.

“Ssshh. Bes. Ok lang yan” ramdam sa boses ni Jhero ang panic dahil first time niya akong makitang ganito.

Umiiyak. Oo, kasi hindi naman ako umiyak noong nabu-bully ako noong hayskul. Kahit anong pang-aasar sakin dati ay hindi ko pinapansin.

Pero ngayon. Bakit ang sakit? Bakit parang nabawasan ang pagkataon. Bakit masakit ang puso ko?

Hinayaan lang ako ni Jhero na umiyak nang umiyak ng araw na iyon. Hanggang sa bahay ko ay umiiyak lang ako.

Si Jhero na ang nagluto pero hindi ako nakakain. Hindi rin siya umuwi at nagpaalam na lang kay Tita na sa bahay ko siya matutulog at ok lang naman.

“Good Morning Besssshy!” napadilat ako ng marinig ang matinis na tili ni Jhero. Hindi ko mapigilan mapangiti ng Makita siya nakasuot ng apron at may bulaklak sa gilid ng tenga galing sa flower base ko.

Napapailing akong bumangon at pumunta ng kusina. Nakaready na ang agahan namin. Nakaramdam naman ako ng kulo ng sikmura. Nakatulugan ko pala ang pag-iyak.

Habang kumakain kami ay tahimik lang siya, halatang tinitimbang ang mood ko.

“Ano ka ba, ok lang ako.” Napabunting hininga siya.

“Bes nandito lang ako. Pasakit talaga sa mundo ‘yang mga lalaking yan. Huwag mo na masyado isipin. Simula ngayon, move on na tayo, Ok?” napangiti ako at tumango.

Walang text mula sa kanya. Kagabi habang umiiyak ay naghihintay ako. Sinubukan kong tawagan ang number niya pero out of coverage na ito.  Na lowbatt na lang ang cellphone ko pero wala pa rin. Pero bakit? Bakit niya ako iniwan nang hindi man lang nagasasabi ng dahilan? Ano ba ang ginawa ko?

“Bes” napatingin ako kay Jhero. At ganoon na naman, umiiyak na naman ako. Agad kong pinunasan ang mga luha ko.

Tama na Lyka. Kung anuman ang dahilan niya hindi mo na siguro malalaman pa lalo na ngayong wala na ito. Mapait akong ngumiti.

Hindi ko dapat ikulong ang sarili ko sa lungkot. Binaling namin ni Jhero ang mga sarili naming sa pag-aaral, hindi madali ang kursong Nursing. Madugo, literal na madugo.

Madaming mga paper works, observation, practicum. At halos lahat ‘yun nasurvive namin ni Jhero kahit halos sumuko na kami lalo na noong nag OJT kami.

Syempre magkasama pa rin kami, naging madali kasi kasama namin ni Jhero ang isa’t-isa. Naging masaya kasi minsan yung mga hirap dinadaan na lang naming sa biro.

Sabay naming napasa ang Board Exam. Halos sabay naming naabot ang mga pangarap naming. Pero nauna si Jhero na makahanap ng pag-ibig.
Asensado ang Lola niyo, boyfriend niya na ngayon ang isa sa mga classmate naming noong College si Luke. Na ang totoo ay matagal na daw itong nanliligaw sa kanya pero hindi niya naituloy maikwento sakin dahil ‘yun din daw ang araw na  halos maubusan ako ng tubig sa kakaiyak.

Natawa na lang ako. Masaya ako para sa kanya.
Nakapasok kami ni Jhero sa isang Pampublikong Hospital. Si Luke naman ay sa ibang Hospital nag-apply. Pinag-usapan daw nila iyon ni Jhero. Para daw kahit paano ma-miss nila ang isa’t-isa. Kinikilig-kilig pa ang loka.

Limang taon na rin naman ang lumipas kaya kahit paano nakawala na sa sistema ang sakit na naramdaman ko. Hindi ko dapat punuin ang puso ko ng galit dahil panigurado ang taong iyon ay kinalimutan na rin ako.

Tatlong taon lang ang balak kong pagtatrabaho sa Hospital na ito at susunod na ako sa mga magulang ko sa America.

Sabi ko nga, sila ang dahilan kung bakit ko kinuha ang kursong ito, para mapadali ang pagsunod ko sa kanila.

Naghahanda na ako ng gamit ko para mag-out nang biglang tumakbo sakin si Jhero na nanginginig.

“Bess. Lyka. Si Papa.” Umiiyak na siya.

“Bakit?” agad ko siyang niyakap.

“Na-Nabaril si Papa” kahit ako halos manginig ang tuhod ko sa narinig.

“A-ano?” Tumunog ang Cp niya. Si Tita. Agad niya itong sinagot. Agad ko nang kinuha ang mga gamit ko hinila ko na siya palabas para makaalis na.

Sakto naman ang dating ni Luke at buti dala nito ang kotse nito. Agad namang niyakap ni Luke si Jhero.

Gustuhin man pumasok ni Luke sa loob ay hindi pwede dahil hindi alam sa bahay ang relasyon nila.

“Ako nang bahala sa kanya. Ite-text kita” sabi ko sa kanya, malungkot lang siya tumango at niyakap ulit si Jhero.

Na-ambush daw ang sinasakyan nila Tito Anton habang papunta sa Kampo nila doon. Dalawa daw ang patay  nang magkaroon ng enkwentro.

“Buti na lamang at pati si Gabriel ay nakaligtas, pero ang balita ko rin ay delikado ang naging tama niya.” Halos mawalan ako ng ulirat ng marinig ang sinabi ni Tita habang tinutulungan niyang mag-empake si Jhero.

Oo, pupuntahan ni Jhero ang Tatay niya.
Agad na napatingin sa akin si Jhero nang marinig si Tita. Hindi agad ako nakagalaw sa kinauupuan ko.

Ok lang naman siya, sabi nga ni Tita ay nakaligtas naman daw siya. Pinagsaklop niya ang kanyang mga kamay dahil hindi mapigilan nito ang panginginig.

“Lyka” nasa harap ko na si Tita at nakaluhod sa harap ko.

“Pwede mo bang samahan si Jhero? Dalawa dapat kami pero hindi ko naman pwede iwan ang mga kapatid niya.”

“P-po?”

“Ma! Hindi na, kaya ko na mag-isa” si Jhero na agad binara si Tita. Siguro alam niyang maalangan ako.

“Please Lyka, para may kasama si Jhero hindi ako komportable na aalis siya na wala siyang kasama. Para kaht paano ay may masasandalan siya doon. Please?”

“S-sige po.” Paano ba ako tatanggi sa isang asawa at ina sa gantong klaseng hiling. ‘Yun nga lang ba talaga Lyka?

Bahala na.



AMERICAN SIZE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon