Nabasa ni Sandro ang nakaraan ni Miya, naramdaman niya kung gaanong sakit ang pinagdaanan nito para lang makalimot sa nasawing pag ibig. Ang matinding awa na nadama ng binatang playboy sa dalagang ni wala siyang ideya kung ano ang itsura ang nag-udyok sa kanya na balik-balikan ang lugar na kung saan ay nagkaroon siya ng kaugnayan sa buhay nito. Sa huli,bumubulong man ang kanyang utak na kabaliwan ang kanyang ginagawa,hindi naman niya masaway ang puso sa nais nitong gawin. Ngayong nakita na niya ang babaeng may-ari ng lumang diary,alam na niya ang kasagutan sa ligalig na kanyang nadarama,iniibig niya ang babaeng may minamahal ng iba...at ngayon ay nakatakda nang pakasal...
Chapter 1
“OH WELL,this is life”pahinamad na inilatag ni Sandro ang pagal na katawan sa malambot na kama dahil sa malayong biyahe mula sa lungsod hanggang dito sa cavite.
“Sa wakas,nakatakas na rin ako sa bectic kong schedule at sa dami ng trabaho sa office”.Pagkuwa'y nangingiti nang ipinikit ng binata ang mga mata upang magpahinga at makatulog na.
Ngunit bago pa man lang siya nakakapikit ay tumunog na ang kanyang cellphone na ipinatong niya sa bedside.“Shit!”iritang binalingan niya nang tingin ang nag-iingay na aparato at hinagip iyon ng kamay upang alamin kung sino ang tumatawag.
“Si Danica!oh no!hanggang dito ba naman ay susundan pa ako nang tawag ng babaeng iyon!”
Naiinis pa rin na ibinalik niya sa patungan ang cellphone dahil wala siyang balak na kausapin ito o ipaalam man lang kaya kung nasaang panig siya ng mundo.
Ngunit makulit ang nasa kabilang linya,nang matapos ang ring ay muli iyong tumunog,at muli pang tumunog nang matapos uli ang isa pa.
“Damn!”sa huli ay si Sandro ang hindi nakatiis at sinagot na iyon.
“Hello!”bagamat hindi niya napigil ang paangil na tinig.
“Honey,where have you been?”hyper agad ang tinig ng nasa kabilang linya.
“I'm out of town. Bakit ka tumawag?”
“Itinatanong pa ba iyon?Akala ko ba,pagkatapos ng board meeting sa office nyo,dadaan ka sa condo ko para makapag dinner tayo kagabi?”may kalakip pang tampo ang tinig ng babae.
“Have I?Nangako ba ako sa iyo nang ganoon?”kumunot na lang ang kanyang noo nang marinig ang sinabi nito.
“Honey,ano ka ba?Kahapon lang ng umaga ay magkausap tayo,ah. At sabi mo sa akin,hindi ka nakakadaan sa unit ko dahil sa sobrang busy ka. At sabi mo pa,pagkatapos ng meeting nyo kahapon ay pipilitin mong makadaan dito sa gabi.”
Saglit na napapikit si Sandro at pilit na inalala ang sinasabi nito.
“Aw,shit,oo nga pala!”Saka lang naalala ng binata na para lang huwag siyang kulitin ng babae kahapon ng umaga ay nasabi niya rito na dadaan siya sa condo unit nito.
“Yeah,naalala ko na. But I'm really sorry,ha?May biglaan kasi akong nilakad,eh. Anyway,some other time na lang,ha?”
“Pero---”
“Promise, I'll make it up to you,okay?Bye!”
Iyon lang at ini-off na ni Sandro ang kanyang cellphone at muling nahiga para matulog.Hindi na niya inintindi ang muling pagtunog niyon,nang mangulit pa uli ang tumatawag ay inilagay na lang niya sa silent mode.
Maya maya pa,nakatulog na nga siya.
Mahimbing ang naging pag tulog ni Sandro,talagang napagod siya sa may sampung oras na pagbibiyahe mula lungsod.
Kailangan talaga niyang mag pahinga.MAGAAN na ang pakiramdam ni Sandro nang magising nang gabing iyon. Agad siyang nag-shower at nang makapagbihis na ay lumabas ng cottage na iyon para pumunta sa restaurant ng resort para makapag dinner.
Mangilan-ngilan lang ang tao sa restaurant,palibhasa ay magde-December kaya bihira ang nagpupunta sa beach.
Pero okay lang iyon kay Sandro,mas kokonti ang tao,mas magiging maayos ang kanyang paghahapunan.
Ilang sandali pa,tahimik na siyang kumakain habang nanonood ng live band na tumutugtog sa gitna ng stage.
Masaya ang tugtog, pero mayamaya lang ay nagsimula na siyang mabagot kaya ipinasya niyang magbayad ng bill at bumalik sa kanyang cottage. Manonood na lang siya ng movie sa cable TV habang umiinom ng wine para muli siyang antukin at makatulog.
Kailangan talaga niyang magpahinga dahil ilang araw siyang sumabak sa maraming trabaho sa office bago siya nagkaroon ng time na makapagbakasyon.
Pero maganda man ang pinapanood na pelikula ni Sandro,mayamaya pa ay nagsimula na siyang mabagot kaya pinatay na rin niya ang TV at tumitig na lang sa ceiling ng cottage habang nakahiga sa sofa.
“Bakit ba this last few days ay nagsimula na akong maburyong sa relasyon namin ni Danica. At kahit na ang pakikipag fling ko kina Venice at Eyah,hindi na rin ako nasisiyahan. Ano kayang sasabihin sa akin ni Mike kapag nalaman na parang nawawalan na ako ng gana sa mga girlfriend ko?Well,siguro ay nangyayari rin sa kahit na sinong lalaki ang ganito na pagod nang makipaglaro. After all, I'm already thirty at wala pa ring stable girlfriend. Hindi kagaya nina---”.
Natigilan sa pag iisip si Sandro nang mapatitig siya sa kung anong bagay na nakaipit sa pamakuan ng bubong. Tila kahon iyon na tila libro pero hindi siya sigurado.
Pero hindi ako tulog noon,nagkunwari lang akong tulog sa likuran para may dahilan akong pumikit at nang hindi ko na masaksihan ang paglalambingan at pag uusap nila. Ngunit dahil gising ang diwa ko, naririnig ko ang kabilang pag uusap,at parang gusto ko nang dumating sa point na sumigaw nang malakas,sabihin sa kanila na baba na lang ako at hindi na sasama sa kanila dahil hindi ko na kaya. Pero nanatiling tikom ang bibig ko,wala akong lakas ng loob na ipaalam sa kanila ang nararamdaman ko.“Ano kaya iyon? Parang libro,ah.”
Ilang sandali niyang tinitigan ang bagay na iyon. “Ah,libro. Bakit kaya doon nakalagay?”Mayamaya pa ay tumayo siya sa kama at inabot ang natanaw na libro.
“Ang dami namang alikabok nito!”
Ibinagsak niya sa sahig ang libro na nababalutan ng itim na plastic at pinagpag doon.Ilang sandali pa,sinimulan na iyong buklatin ni Sandro para alamin kung ano ang nilalaman niyon.
“Oh!Diary ito,ah. Diary ng Isang babae .
Sino kayang nakaiwan nito?”
Binasa ng binata ang pangalang nakasulat sa bungad niyon.
YOU ARE READING
Title:The Diary
RomanceSandro proved that there is nothing wrong with waiting for a long time even though he has no idea about the woman he just met in a diary