𝐊 𝐚 𝐛 𝐚 𝐧 𝐚 𝐭 𝐚 5

3 4 0
                                    

“Sir,heto na ho iyong pinakalumang record na may kamag-anak na ikinasal dito sa resort si Mrs. Dela cruz. A certain Jude Dela cruz na pamangkin nitong buo,at ikinasal naman kay Kim Castro. Mabuti at may kasama pang picture,o.”

“Patingin!”excited na binuklat ni Sandro ang makapal na folder na may nakaipit na mga larawan ng mga Bagong kasal.

Guwapo ang lalaking ikinasal,maganda rin ang babaeng kaagapay nito na naka-traje.

---Posible kayang siya na sina Ashton at Sheena?Five years ago,ganoon na katagal ang kasal nila,ganoon na rin ba katagal na nagdurusa si Miya?Pero bakit hindi na niya binalikan ang diary?

“Sir,ano ho?sila ba ang hinahanap nyo?”

“Ah,wala bang ibang larawan na kasama ito?halimbawa ay iyong may kasamang mga abay?”

“Titingnan ko ho.”Muling naghalungkat sa ilang album na naroon ang babae. “Heto ho,may makapal na album dito. Tingin ko ho ay nariyan ang lahat ng pictures ng mga ginanap na kasalan dito sa resort sa nakalipas na sampung taon.”

“Talaga?pwedeng mahiram?”

“Sir,baka ho dumating na angw boss ko.”

“Ibabalik ko agad. Saka pasimple ko lang ibabalik sa iyo.”

“Eh...”

“O,ilagay mo muna riyan.”ilang lilibuhing papel ang inilagay niya sa kamay nito.

“Sige,dalhin ko muna ito ha.”

Hindi na ito nakapalag nang buhatin nita ang makapal na album at lumabas na ng opisinang iyon.

Baon ang malaking pag asa sa kanyang dibdib na bumalik siya sa cottage at agad na binuklat ang album.

Nakita ni Sandro ang larawan nina Jude at Kim,kasama sa grupo ange mga abay na pawang nakangiti sa kamera ng kuhanan iyon kaya tila sa kanya nakatitig ang mga ito. Isang babae naroon sa larawan ang tumawag sa kanyang pansin.

---it her!I know it's her!titig na titig ang binata ngayon sa babaeng nakasuot ng pang abay na katabi ni Kim.

---Nakangiti siya,pero hindi umabot sa mga mata ang kasiyahang dapat ay nadarama niya. Kung siya si Miya,napakaganda nga niya. Hindi siya dapat na nagdurusa dahil hindi siya ang inibig at pinakasalan ni Ashton,o Jude. Mas maganda pa nga sya kay Sheena. Pero siya nga ba ito?Paano kung hindi?

Pero kahit na sinasabi iyon ng isip ni Sandro,natagpuan niya ang sarili na inuumit sa album ang partikular na larawan iyon bago isinauli sa babaeng kausap ang makapal na album.

---This is crazy,pero gusto kitang makita,Miya. Kailan ka babalik dito?Maghihintay ako. Gusto kitang makita,makilala.

At sa lumipas pang ilang araw nang pananatili ni Sandro sa resort na iyon,natagpuan niya ang sarili na laging hawak ang larawan,kung minsan ay ang diary ang kanyang binubuklat at binabasa para namnamin kung gaanong sakit ang nadarama ni Miya,noon.

Pero kahit na nahihibang na siya sa mahiwagang damdamin na sumibol sa kanyang puso,kailangan pa rin niyang maging praktikal.
Lalo pa at nakatanggap na siya ng tawag mula kay Mark na kailangan na talaga niyang bumalik sa lungsod para balikan ang pamamahala sa advertising company.

“Okay—okay! I'm coming. bukas ay babalik na ako riyan.”

“Are you sure?kailangan na Ako sa San Diego. Nag babantang magwelga ang mga tao sa Mall dahil napasok ng infiltrator ang unyon ng mga tao.”

“Okay—okay,just wait for me,ha?”

“Okay,we will wait for you.”

Nang gabing iyon , minsan pang binasa ni Sandro ang diary ni Miya. Pero bago iyon ibinalik sa pinagkuhanan ay may isinulat siyang mahabang liham at siningit sa huling pahinga niyon.

//Sana’y mabasa mo ito sa pagbabalik mo,Miya. Sana,tawagan mo Ako.//

Kahit na paano,magaan ang kalooban niya ng lisanin ang resort na iyon.

~~Mitch and Ashton~~

“Ano?”

“I'm sorry,Mitch pero kailangan kong pumunta sa America. Ngayon ooperahan si Yuna. I hope you understand. Kailangan niya Ako sa tabi niya.”

“Yeah,o-of course I understand. kailangan ka niya.”

“Hindi Ka nag tatampo?”

“  At bakit Ako mag tatampo?Ano Ka ba?Anak mo si Yuna kailangan ka niya.”
“Salamat. sandali lang naman ako roon. Bahala na si Grace sa mga detalye ng kasal natin,ha?”

“Oo naman. Saka halos ay okay na naman ang lahat. At dalawang buwan pa bago ang kasal. just take your time with your daughter.”

“Yeah,I will. But every now and then ay tatawag ako,okay?”

“Okay,And I'll pray for her. Sana ay maging matagumpay ang by-pass Operation niya.”

“Salamat.”

Nang tumalikod sa kanya si Ashton, pakiramdam ni Mitch ay may mabigat na bagay na dumagan sa kanyang dibdib.

---Kailangan siya ng kanyang anak,Hindi Ako dapat magdamdam. Pero bakit ganito,parang hindi naman ako nagdaramdam,pero may iba akong nadarama. Parang... nagi-guilty Ako sa pagpayag ko na pakasal sa kanya dahil parang inaagawan ko ng ama si Yuna?Ah,Ang hirap naman ng napasukan kong buhay.

Sa lumipas na ilang araw,pilit na lang ni Mitch na libangin Ang Sarili sa paghahanda sa ilan pang detalye sa kasal nila ni Ashton para kapag bumalik ito at ayos na Ang lahat.

Pero pagkaraan ng Isang buwan Mula nang umalis ito,Isang tawag Ang kanyang natanggap Mula sa lalaki.

“I'm sorry,honey Hindi pa ako makakabalik diyan. Tapos na Ang operasyon no Yuna,pero naglalambing Siya sa akin na manatili muna ng ilang araw rito. Sana'y maintindihan mo ako.”

“O-oo namam. ” Pero pagak ang tawang naiparinig ni Mitch sa nobyo.

“Anak mo yan, kailangan ka talaga niya. I'm okay here,ha? ”

“P-pero hindi ba't magbabakasyon ka na sa trabaho next week?Paano yan,baka mainip ka”

“No,hindi Ako maiinip kahit wala ka,ano? Magsa-shopping kami ni mama. Saka irere-decorate ko ang bahay natin.”

“Are you sure na malilibang ka kahit hindi ka na pumapasok sa office?”

“Oo naman. okay lang ako,alagaan mong maige si Yuna para gumaling agad”

“Thanks honey,i love you”

“I love you too. bye”

Wala na sa kabilang linya si Ashton ay nakatulala pa rin sa kawalan si Mitch.

---Magbakasyon kaya ako next week?Alam ko na,babalik ako sa resort. Ang diary,kailangan kong makuha. Nangako ako, babalikan ko ang diary. Pero naroon pa kaya iyon?Baka may nakakuha na at itinapon. Sana naman ay wala pa. Gusto kong ako ang magtago,o magtapon ng diary na iyon.

Title:The DiaryWhere stories live. Discover now