"Hi!I'm glad you came!"
maagap namang tumayo ang binata.
"Yeah,naisip ko na wala naman sigurong masama kung tanggapin ko ang pakikipag kaibigan mo."
Pero pilit niyang Pina pormal ang mukha.
"Yeah, you're right,walang masama roon. Anyway, I'm Sandro Sanchez. And you are?
inilahad nito ang kanyang palad sa dalaga.
Bahagyang umawang ang mga labi ni Mitch nang marinig ang pamilyar na pangalang iyon.
Hindi na niya magawang sabihin ang pangalan dahil sa pagka bigla niya."S-sandro?"
"Yeah. That's my name."
Kumislap ang mga mata ng binata nang mabanaag sa mukha niya ang rekognisyon sa pangalang iyon.
"Sounds familiar?"
"I-ikaw ang...ikaw ang nag iwan ng sulat sa-"
"Sa diary mo."
Oh god!Parang saglit na umikot ang paligid kay Mitch,Hindi niya alam kung ano ang iisipin.
Iniiwasan niyang tawagang muli sa cellphone ang lalaking iyon,ngayon ay kaharap na pala niya ito mismo!
"I'm sorry,hindi ko agad nasabi sa iyo para hindi mo na ako natarayan. Anyway,nag alinlangan din kasi ako na baka hindi ikaw iyon. Na baka hindi ikaw si Miya."
Hindi makahagilap ng salita ang dalaga.
"P-paano mo...nalaman na ako si...Miya?"
"I saw your picture before."
"Yeah,but it's a long story. Pero baka namang puwedeng maupo na tayo?"
Binawi na lang nito ang kamay na hindi niya matanggap.
"S-sige."
Nagpauna na siyang maupo. Nangangalog kasi ang tuhod niya sa Kaba ngayong kaharap na niya ang lalaking nakabasa ng kanyang diary.
Sa ilang sandali ay parang gusto niyang manliit sa hiya na alam na nito ang kanyang katangahan.
"Hey,just relax ha?Hindi ako nangangagat ng tao."
Napatitig siya sa mukha nito.
---Kaya pala,kaya pala kanina pa lang unang nagtama ang mga mata namin ay may naramdaman na akong kakaiba sa titig niya.
Siya pala ang lalaking nakabasa ng lahat tungkol sa akin.sa loob loob niya.
"S-sandro,talaga bang Ikaw ang nakabasa ng nilalaman ng diary ko?"
Natawa ito.
"Oo naman. Kung hindi ako iyon,paano ko malalaman na Miya ang pangalan mo?Pero teka,Miya ba talaga ang iyong pangalan?Baka naman gusto mo nang sabihin sa akin para naman maka sanayan ko nang sambitin."
"Mitch,iyon ang pangalan ko. S-sinadta ko lang ibahin sa dairy dahil-"
"It's okay,you don't have to explain. kahit ang pangalan nina Jude at Sheena ay alam kong hindi totoo."
"A-alam mo?"
"I'm sorry,pero masyado nga yata akong na curious sa kuwento ng buhay mo,nangulit ako sa mga tauhan dito sa resort,inalam ko kung sino sino sa mga kamag anakan ng may ari ang nagpakasal dito. At nalaman ko nga na five years ago na ang nakararaan mula nang may ikasal dito na nagngangalang Jude at Sheena. And i'm sorry again,masyado akong naging pakialamero. Pati ang larawan ninyo ay pinilit kong makita. Gusto ko lang makita ang anyo ng babaeng...labis na nasaktan nang..."
sinadya nitong putulin ang iba pang nais sabihin.
Napapikit na lang si Mitch.
"Yeah,I understand. Stupid me,dahil nagawa ko pang ikalat ang diary ko at mabasa ng iba."
"No,-no!Don't say that. Kung hindi mo naman ginawa iyon,hindi sana tayo magkaharap ngayon,hindi ba?Wala sana ako rito dahil hindi mapupukaw ang kuryosidad ko na balik balikan ang lugar na ito para magbakasakali na makita ka."
Napadilat si Mitch,titig na titig pala sa kanya ang kaharap.
Bigla siyang nakadama nang pagkailang,may mensahe siyang nababasa sa kislap ng mga mata nito,pero ayaw iyong tanggapin ng kanyang utak.
"A-ako palang dahilan kaya naabala ka."
Tinangka niyang lakipan ng biro ang sinabi.
"No,of course not! Ang totoo,ikaw ang dahilan kaya nagkaroon ng kulay ang buhay ko."
"H-ha?"
Bahagyang kumunot ang noo ng dalaga.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Well,dati ay subsob ang ulo ko sa trabaho,ngayon ay may time na akong maglakwatsa. Maglagi sa resort na ito sa kahihintay sa iyo. O,di ba?May nabago sa routine ng buhay ko?"
Hindi niya napigil ang mapangiti.
"Kahit na,nakakahiya pa rin talaga dahil---"
"No,kalimutan mo na iyon,ha?Ngayong nagkita na tayo nang personal at nagkaharap,siguro ay may mas dahilan na talaga ang dinner na ito,We have to celebrate dahil sa wakas,hindi na tayo misteryoso sa isa't isa,hindi ba?"
Napabuntong hininga na lang siya.
"Yeah,you're right. Sige na nga. Hindi ko na kukuwestiyunin kung bakit napaka coincidental nang pagtatagpo natin dito."
"That's my girl. Kain na tayo?"
"Sige."
Nagsimula na siyang mapanatag dahil sa malambing na tinig ni Sandro,at sa mabait na bukas ng mukha nito.
Pakiwaru ni Mitch,matagal na nga niya itong kakilala...mula ng araw na nabasa nito ang kanyang diary."Ang ganda pala rito sa dulo,ano?"Hindi ako nakakapunta rito kahit na noon,eh. Natatakot kasi akong mapalayo at hindi makabalik sa resort. Pero ngayong may kasama na akong mamasyal dito sa dulo ng resort,ang lakas na ng loob kong gumala,ano?"
"Oo nga,ang lakas na ng loob mo. Masyado kang tiwala,baka mamaya ay pareho tayong maligaw dahil hindi ko rin kabisado ang daan pabalik."
Biro ni Sandro habang namumulot ng maliliit na shell sa dinaraanan nila.
"Sus!ikaw pa,mukhang gala ka na rito. Teka,ano yon?"
"Alin?"
"Iyon o! iyong parang gumagalaw sa dalampasigan. Naku,hippopotamus yata iyon,ah."
Inaninaw ni Sandro ang itinuturo niya.
"Sira!Pawikan iyon,ano?Nangingitlog. Halika,lapitan natin."
Sabay hawak nito sa kamay niya.
Natigilan si Mitch nang maramdaman ang mainit nitong palad na kahawak hawak niya,pero pinili niyang huwag nang ipahalata rito ang kanyang pagkailang.
Nag eenjoy siya sa company ni Sandro,at ayaw niyang maputol ang kasiyahang nadarama ng kanyang puso.Sa loob ng ilang araw nang pananatili nila sa resort na iyon,hinayaan ni Mitch na tuluyang makapasok sa kanyang mundo ang binata.
Hindi na nila pinag usapan ang tungkol sa diary,maging ang tungkol sa kasal niya. Araw araw lang silang magkasama sa pamamaayal,sa pagkain,sa gabi ay nagkukuwentuhan sila sa terasa ng cottage na tinutuluyan niya,at kapag nakadama na sila ng antok ay magpapaalam na sa isat isa para matulog na.
YOU ARE READING
Title:The Diary
RomanceSandro proved that there is nothing wrong with waiting for a long time even though he has no idea about the woman he just met in a diary