“Paano ay may hang over ka na naman kagabi.”
Hindi siya kumibo.
“Ano bang problema at lately ay nagiging madalas ang pag inom mo?Balita ko’y madalas ka ring lumalabas kasama ng barkada mo para mag bar hoping sa gabi.”
“Minsan lang iyon,okay?Isa pa,ginagawa ko naman iyon kapag tapos na ang trabaho sa opisina at wala akong meeting kinabukasan.”
“Ganoon?Alam mo bang ang ginagawa mo ay parang gawain ng Isang lalaking broken hearted na may nais lunuring sama ng loob sa---”
“Tama na nga iyan!”paangil niyang hinarap ang pinsan. “Huwag mo na nga akong asarin. Baka ikaw ang mapansin ni kuya Gabriel na hindi nakikinig sa kanya!”
Natahimik naman si Mark,habang si Sandro ay pinilit na ituon ang atensyon sa nagaganap na meeting. Pero eksaktong natapos ang meeting ay nagmamadali siyang lumabas ng conference room at dumiretso sa elevator pababa ng ground floor kung saan naka park ang kanyang kotse.
Nag drive siya ng walang direksiyon,sa huli,natagpuan niya ang sarili na patungo sa cavite sa resort,kung saan naroon ang cottage na naging simula kung bakit siya naliligalig ngayon. Kung gaano katagal siyang nag drive patungo roon,ganoon din katagal na laman ng kanyang puso at isip si Miya... at ang nakatakda nitong kasal sa unang lalaki na minahal nito.
Bakante ang cottage-B kaya iyon ang nakuha ni Sandro para tuluyan. Tamang tama para sa pag iisa na gusto niyang makamit sa biglaang pagpunta sa lugar na iyon. Tatlong araw ang balak niyang pagtigil roon. Tatlong araw na naman niyang kukunsintihin ang sarili na manatili sa lugar na iyon.
---Ano kaya at bumalik siya rito. Kapag nangyari iyon, hindi ko palalampasin ang pagkakataon na hindi siya makausap. Pagpapaliwanagan ko siya na hindi dapat matuloy ang kasal niya kay Jude. Alam ko,may magagawa akong paraan para mapigil ang kasal niya sa lalaking minsan ay naging dahilan ng kanyang kasawian.
Kahit paano ay nalibang si Mitch sa pagsama sa Ina sa pagsa shopping nito. Pero pagdating ng bahay,balik na naman siya sa pagmumukmok sa kanyang silid.
---Anong araw kaya makakauwi si Ashton?Sana man lang ay one week before the wedding para may panahon pa kaming magkausap kung may iba pang kulang sa kasal namin. Sana ay tuluyan nang gumaling si Yuna.
Pero sa malas,hindi matutupad ang kanyang kahilingan. Dahil nang madaling araw na iyon,Isang tawag ang natanggap niya mula sa katipan.
“I’m sorry honey,pero kaya tumawag na ako para ipaalam na kailangan talaga nating i-postpone ang date ng kasal ay para may panahon ka pang sabihin sa mga bisita at iba pang nakakaalam na hindi muna tuloy.
Kausapin mo ang wedding coordinator na i-reset ang date ng mga one month pa.”“B-bakit?”tanging nanulas sa mga labi niya.
“Delikado ang kalagayan ni Yuna,ang sabi ng doctor ay baka kailanganin na sumailalim uli siya sa Isa pang operasyon. At hindi sapat ang natitira pang dalawang linggo para sa hinihinging panahon ng doctor para tuluyang magamot ang bata.”
“I see,”tila namanhid na ang puso ni Mitch.
“I-i hope you understand.”
“Of course, I'll understand. Don't worry, I'll talk to Clear,siya na ang bahala sa lahat.”
“Thanks,honey. I'm very lucky to have you.”
“You’re welcome. Sige na bye.”
Nang ibaba ni Mitch ang telepono, napabuntong hininga na lang siya. Mayamaya pa,nag dial siya para tawagan naman ang wedding coordinator nila kahit madaling araw pa lang.
“I’m sorry Clear,pero may konti kasing problema. Hindi muna matutuloy ang kasal. Hindi pa kasi makakauwi si Ashton.”
Kaswal lang niyang wika sa babae.“Ha?Eh,anong gagawin natin?”
“Ipinapa reset ni Ashton ang petsa. Kaya mo bang gawin iyon? kausapin mo ang pari,pati na ang restaurant at ang iba pang kontak mo.”
“Yeah,of course I'll do that. Kokontakin ko na rin ang mga napadalhan na ng invitation. So,anong petsa ang sasabihin ko sa kanila na talagang araw ng kasal?”
Napaisip siya.
“I don't know yet. Bahala ka na. Basta mga one month daw,eh.”
“Ha?”
“Basta bahala ka na,sige bye.”
“Wait!”
Pero naibaba na ni Mitch ang telepono at tumayo siya mula sa kama. Dumiretso siya sa cabinet at kinuha ang kanyang maleta at naglagay ng ilang pirasong damit doon at iba pang personal na gamit. Dinala din niya ang diary.
Kailangan muna niyang makahinga,makalayo,kailangan niyang balikan ang lugar na naging kanlungan niya noong mga panahong akala niya ay namatay na Ang kanyang puso.
Nag Iwan lang siya ng maikling note sa Ina para ipaalam na may pinuntahan lang siya at postponed muna ang kasal.
Kung kailan marereset iyon,hindi pa talaga niya alam.Sakay ng kanyang kotse,tinalunton ni Mitch ang daan patungo sa Cavite.
Doon muna siya,baka sakaling mahamig niya ang sarili na tila gusto na namang magkalasug lasog dahil sa nadaramang ang bigat na kalooban.Kailangan na talaga niyang masanay na maglibang sa mga magiging sitwasyon nila ni Ashton kapag kasal na sila. Alam naman niya sa simula pa lang na hindi talaga niya masosolo ang oras nito.
“Ma’am,sorry po hindi available ang cottage-B.”
“Ganoon ba?”
Nanlata si Mitch. Pero hindi naman niya gustong lumipat ng resort,o kaya ay bumalik na lang sa lungsod ngayong may omookupa pala ng cottage na gusto niyang balikan.
“Ma’am ang alam ko po ay dalawa o tatlong araw lang siya roon,kaya lang limang araw na hindi pa rin nagtse-check out. Baka naman nasarapan sa bakasyon.”
“Ganoon ba?”
“Iyon pong Cottage-A na katabi, Bakante. Kung gusto nyo doon muna kayo,kapag nabakante ang Cottage-B. Irereserba ko sa inyo.”
“Sige,okay iyon.”
Nagkaroon naman siya ng pag asa kahit na paano.
Carbon copy lang ng Cottage-B ang Cottage-A na nakuha ni Mitch,pati ang pagkakalagay ng kama sa gitna ay ganoon din. Maging ang mga palamuti sa paligid at ang lugar ng Cr ay pareho lang.
YOU ARE READING
Title:The Diary
عاطفيةSandro proved that there is nothing wrong with waiting for a long time even though he has no idea about the woman he just met in a diary