“Ah,napansin kong nag iisa ka,baka naman puwedeng makipag kaibigan sa iyo?”
“H-ha?”
“Huwag kang mag alala,hindi ako masamang tao. Gusto ko lang kasi ng kausap at saka magkatabi naman kasi ang cottage natin at—”
“I'm sorry!”
Bigla ang kanyang reaksiyon nang padarag na tumayo.
“Pero hindi ako nakikipag usap sa hindi ko kilala,ano? Excuse me!”
Saka sinabayan niya nang hakbang palayo.
“Miss wait!”
Agad itong humabol sa kanya.
“Miss,hindi ako masamang tao. Kaya nga nakikipag kilala sana ako sa iyo at—”
“Excuse me,wala akong panahon sayo. At puwede ba,umalis ka sa daraanan ko kung ayaw mong mag eskandalo Ako rito!”
Saka sinabayan niya nang hakbang,kesehodang nabunggo niya ito.
“Miss,wait!”
Pero diretso na siyang lumabas at malalaki ang hakbang na tinungo ang kanyang cottage.
Hindi niya kayang pakitunguhan ang kabang biglang sumikdo sa kanyang dibdib sa simpleng pagtatama lang ng mga mata nila kaya kailangan niyang makalayo rito.Napailing na lang si Sandro habang mabagal na humahakbang sa buhanginan at nakatanaw sa cottage na pinasukan ng dalagang si Mitch.
---Mailap. Pero kaninang natitigan ko siya nang malapitan,sigurado ako na siya ang babae sa tabi ng bride sa larawan. At ang kanyang boses,parang siya ang kausap ko kagabi. Ah,sana nga ay siya na lang si Mitch.
May pagkaka taon pa naman ako para paamuin siya,...Sa loob loob ng binata na ngayon ay umakyat na sa kanyang cottage.
---Mitch,ikaw si Mitch. Alam kong Ikaw ang babaeng hinihintay ko ng napaka tagal na panahon. Please, kausapin mo naman ako.
Bigyan mo ako ng chance na makausap ka.Muli niyang idinayal ang numero nang babaeng tumawag sa kanya kagabi,pero out of reach pa rin iyon.
“Shit!shit!”
Samantala,lihim na naka silip si Mitch sa maliit na siwang ng bintana ng kanyang cottage. Mula roon ay natatanaw niya ang lalaking lumapit sa kanya kanina.
---Naku diyos ko,naka tanaw siya rito?Ano kayang iniisip niya?Baka mamaya ay sapilitan siyang pumasok dito,ah. Ano kayang gagawin ko?
Litong nagpa lakad lakad sa loob ng cottage ang dalaga.
---Pero mukha naman siyang mabait. Bakit kailangang matakot ako sa kanya?Siguro naman,hindi siya masamang tao. Kaya lang,kapag nakipag kilala ako sa kanya,baka naman isipin niya na cheap ako. Baka akalain pa niya na kaya ako narito at nag iisa ay nag hahanap ako ng lalaki. Hmp!ikakasal na ako,okay?Wala akong panahon sa mga kagaya niyang nagpi flirt.
Kaya para libangin ang sarili,nahiga na lang sa kama ang dalaga at ipinikit ang mga mata upang matulog uli.
Pero nanatili lang siyang naka pikit at naka higa,hindi na siya naka tulog. Nag lalaro lang sa kanyang isip ang anyo ng lalaking iyon na tila tuksong ayaw maalis sa kanyang balintataw.
“A-ano ito?”
Gulat na gulat si Mitch nang mapag buksan ang isang tauhan ng resort na may bitbit na sariwang at mapupulang pumpon ng mga roses.
“Para sa akin?”
“Oho, ma'am para daw po sa inyo ito,sabi ng lalaki sa kabilang cottage. Sana raw po ay huwag nyong tanggihan. Sa akin din ho ipinabili ito,eh. Sa kabilang bayan ko pa ho ito nabili dahil wala akong makitang magagandang at mapupulang roses.”
“Eh...”
Litong napa sulyap siya sa katabing cottage.
Naroon ang lalaki sa terasa,naka ngiti habang naka titig sa kanya.Gusto pa ring mag taray ni Mitch,irapan ito at tanggihan ang mga bulaklak at ipasauli sa nagpapa bigay.
Pero ang gaganda ng mga bulaklak,bukod pa sa hindi talaga niya maintindihan ang sarili kung bakit kahit na panay ang irap niya sa lalaking iyon ay parang ang gaan ng kalooban niya rito.“Ma’am,sabi po ni Sir ay huwag mo na raw sanang tanggihan ang mga bulaklak. Nakikipag kaibigan lang daw ho siya sa inyo.”
Napabuntong hininga na lang siya.
“Okay,paki sabi na lang sa kanya na salamat.”
Sa wakas ay tinggap niya ang mga iyon.
“Hay,salamat.”
Nakahinga nang maluwag ang lalaki.
“Akala ko pa naman ay mabobokya ang tip ko kapag hindi nyo ito tinanggap.”
“Ano kamo?”
“Ah,wala ho. Sige ho,salamat ho.”
Umalis na ito.
Minsan pang sinulyapan ni Mitch ang lalaki sa kabilang cottage,saka Isang kiming ngiti nang pasasalamat ang ibinigay niya rito at pumasok na siya sa loob.
Pagkuwa'y napasandal siya sa pinto nang maisara na iyon. Kanina pa nag uunahan sa pag tibok ang kanyang pulso at pilit lang niyang sinusupil ang nadarama dahil nakakahiya naman.---Hay,ang lalaking iyon,makulit!Pero ang gaganda talaga ng mga bulaklak na ito. Roses are my favorite. it really touches my heart.
Nang mapansin niya na maliit na card na naka dikit sa ibabaw ng balot ng bulaklak.
‘Please, accept my friendship. How about dinner with me tonight?’
Iyon ang nakasaad sa maikling note na naka ipit sa balot bulaklak.
Ayaw man ni Mitch,napa ngiti siya.
---Why not?Tutal,nakikipag kaibigan lang naman siya?Lagi na lang akong nagiging unfair sa sarili ko. Hindi naman dahilan ang pagka kasal ko kay Ashton ay isasara ko na ang pinto ko para sa mga nais makipag kaibigan. Isa pa,hindi naman siguro kataksilan kay Ashton na maituturing kung pag bigyan ko ang kahilingan niyang mag dinner. Mukhang mag tatagal ako sa resort na ito,I need someone to talk para kahit naman paano ay hindi ako maiinip dito.
A dinner for two,with matching one stem of red rose,sa tabi ng flower vase na kinala lagyan ng bulaklak ay ang dalawang kandila na tanging tumatanglaw sa sulok na bahaging iyon ng restaurant kung saan malayo sa karamihan ang mesang okupado ng lalaki.
---A very nice and romantic ambience,huh!
Nati tigilan sa paghakbang si Mitch habang palapit dito. May isang bahagi ng kanyang utak ang kumu kuwestiyon sa katumpakan nang pagpayag niya na makipag dinner sa lalaking ito.
Pero ang simpatikong ngiti sa mga labi nito,maging ang matiim na titig na tila humihigop sa kanya palapit dito ang pumi pigil sa kanya na sawayin ang sarili na humakbang pa palapit aa mesa.
YOU ARE READING
Title:The Diary
RomanceSandro proved that there is nothing wrong with waiting for a long time even though he has no idea about the woman he just met in a diary