Introduction

24 2 0
                                    

Intro

"Aron! Stop it! Ayoko na!" sigaw ng dalaga habang pilit na tinatanggal ang hawak ng lalaki sa kanyang braso.

"Ano bang ginawa kong mali? Please, wag ganito Jam. Mahal kita." Alam ng lalaki sa sarili niya na pwede niyang ikamatay pag iniwan siya ng dalaga. Halos ilang taon silang magkasama at hindi niya inaakalang sa isang iglap, mangyayari ang ganitong bagay.

"Aron, ano pa ba ang gusto mong sabihin ko sayo?! Ang sabi ko, ayoko na. Sawa na ako! Pinapahirapan mo lang sarili mo!" Hindi na kinaya ng binata na pigilan ang mga nag babadyang luha.

"Please Jam, wag mong gawin sakin 'to. May nagawa ba akong masama?" Unti-unting nawala ang madiin na hawak ng Binata sa braso ng dalaga at napaluhod.

"Pinapahirapan mo lang sarili mo Aron. Ayoko na. Tigilan mo na ako. Tapos na tayo." Pagkasabi ng dalaga ng mga katagang iyon, napaiyak at napasabunot ang binata. Napaisip siya na ang tanga tanga niya dahil hindi niya alam kung bakit nagsawa at hiniwalayan siya ni Jam.

Wala siyang nagawa kundi tignan ang likod ng kanyang minamahal habang naglalakad paalis.

"Kung 'yan ang desisyon mo, maging masaya ka sana." 

*

Copyrights  © chaeyungie 2015

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon