Chapter 1

26 1 0
                                    

One


Third Person's POV


"Tigilan mo na yang pagpapaka-lasing mo Aron. Hindi mawawala ang sakit kahit magpaka-luklok ka diyan sa alak." Sabi ng dalaga sa binata na hindi parin tumitigil sa kakaluklok ng alak.


"Sabi nila Joshua, nakakaibsan rin daw ng sakit ang pag inom ng alak." Binatukan ng dalaga ang binata at napasapo nalang sa kanyang noo.


"Hay nako, naniwala ka naman? Bakit sa pag inom ba ng mga alak na yan nakalimutan mo ba si Jam?" Pagalit na tanong ng dalaga.


"Onti pa lang kasi ang naiinom ko Arli kaya hindi ko pa siya nakakalimutan." Binatukan nanaman ng dalaga ang binata at kinuha sakanya ang bote ng alak na ni luluklok niya ngayon.


"Tigilan mo ko Aron, bakit patanong nga si Joshua kung uminom ba siya ng alak nung nag break sila ni Trisha? Hindi! Nang-babae siya!" Hindi na alam ng dalaga kung ano pang gagawin niya sa binata para lang tigilan ang pag inom dahil wala naman itong nadudulot na maganda.


"Ang ibig mo bang sabihin na kailangan mang-babae rin ako? Ganun ba Arli?" Hindi napigilan ng dalaga na ibato ang bote ng alak sa pader. Napaisip ang dalaga na hindi naman masyadong kaganda si Jam para kabaliwan ng binata.


"Hindi naman sa ganon Aron! Pero look, bakit babalikan ka ba ni Jam kung pinagpatuloy mo yang pag-inom mo? Sabihin mo nga sakin?!" Halos puputok na ata ang mga ugat niya sa ulo dahil sa sobrang bwisit niya sa binata.


"Ewan ko.. Tao lang rin naman kaming mga lalaki ah? Ang mga iniisip kasi ng tao pag lalaki malakas. Pero Arli, lubos na minahal ko si Jam. Hindi ko alam ang ginawa kong mali para hiwalayan niya ako. Sabihin mo nga sakin Arli, may ginawa ba akong mali? Di pa ba ako sapat?" Napatingin ang binata sa mga mata ng dalaga at hinihintay ang kanyang mga sagot. Alam niya rin sa sarili niya na maya maya ay mapapaiyak nanaman siya.


"Shit naman Aron, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. At oo Aron, obvious na na obvious na mahal na mahal mo si Jam. Tignan mo nga ang sarili mo ngayon, sa tingin mo ba mag kakaganyan ka kung hindi mo siya mahal at wag mo saking itanong kung hindi ka pa ba sapat, hindi ako si Jam. Kay Jam mo itanong yan." Napakagat sa labi ang dalaga na pinipigilan ang kanyang luha dahil nasasaktan rin siya. Si Arli ang kababatang kaibigan ni Aron. May gusto na rin siya kay Aron simula noon pa at hindi niya makaya na makita ang taong gusto niya na nag papakalunod sa alak dahil lang iniwan siya ng babaeng hindi naman sapat para sakanya.


"Yun nga Arli eh, wala siya dito. Paano ko itatanong?" Hindi na napigilang ng binata na mapaiyak habang inaalala ang mga panahon ng masaya sila ni Jam.


*

"Tigilan moko, bakit kasi late ka sa date natin? I mean, first monthsary natin ngayon Aron, tapos di mo pa sinasagot text ko!" Hindi pinansin ng binata ang pag-aalburuto ng dalaga at hinila nalang siya sa lugar na hinanda niya para sa selebrasyon ng kanilang ika-unang buwan na magkasama sila.


"A-ano 'to?" Hindi napigilan ng dalaga na mapaluha sa nakita niya.


"Wag ka namang umiyak! Haha, Happy First Anniversary Babyy Jaam! Sorry kung hindi ako nakasagot sa text mo, gusto ko kasing i-surprise kita. Oyan, Table for two!" Ngumiti ng malapad ang binata sa dalaga at niyakap niya ito.


"I love you Baby hanggang sa walang hanggan." Napangiti naman ang dalaga sa sinabi nito.


"Walang forever sira ka ba." Sabi ng dalaga habang hindi parin humihiwalay sa yakap, gusto niyang manatili sa ganoon. Hindi niya maipagkakaila na mahal na mahal niya ang binatang kayakap niya.


"Pero meron tayo." sabi ng binatay at unti-unting humiwalay sa yakap. Hinalikan niya ang noo ng dalaga ang sinabing, "Tayo nga diba ang magpapatunay ng forever?" Ngumiti nalang ang dalaga sakanya miski alam niyang hindi mangyayari iyon.


*


"Anong gusto mo? Tumawag ako ng superhero para dalhin dito yang Jam na yan? Ewan ko sayo Aron! Kung gusto mong uminom, bahala ka sa buhay mo!" Padabog na tumayo sa kinauupuan niya ang dalaga at paalis na sana siya nang hawakan siya ng binata sa braso.


"Pati ba naman ikaw iiwan rin ako? Hindi ko na kaya Arli, please. Wag mo naman akong iwan." Sabi ng binata ng nakahawak sa braso ng dalaga at nakaluhod.


Lumuhod ang dalaga at sinabing, "Parang wala rin naman akong pinagkaiba sakanya kung iiwan rin kita." Napangiti ang binata at gusto sanang sabihin ng dalaga sakanya na, 'sana ako nalang.'


Pero wala, ang tingin lang ng binata sa dalaga ay simpleng kaibigan. Matalik na kaibigan simula pagkabata, alam ng dalaga sa sarili niya na wala siyang pag-asa kahit alam niyang wala nang hadlang sa pagmamahal niya sa binata dahil wala na ang kinakasama nito.


"Hayaan mo Aron, dito lang ako." Ngumiti ang dalaga sakanya at bigla siyang binatukan, "kaya tigilan mo na ang pag iinom!"


*


Flashback ang naka ganto.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon