UNANG KABANATA

74 3 1
                                    

"Beh, ano kaya dapat kong gawin?"

Bago sagutin si tin ay sinuklian ko muna ang customer ko na bumibili sakin. By the way, si Tin nga pala ang kapitbahay namin na laging humihingi sa akin ng payo tungkol sa buhay ng pamilya niya. Ngayon nga ay nagtatanong na naman siya sakin kung anong magandang gawin sa batugang asawa niya.

"Hoy beh" Tabi niya sakin sa mahabang bangkong inuupuan ko.

"Nag-usap na ba kayong dalawa? Yung masinsinan ha, hindi usap kuting lang" Tanong ko sa kanya. umiling naman siya bilang tugon.

"Hay nako Tin. Bakit kasi hindi kayo mag-usap ng masinsinan niyang asawa mo? Why hindi mo sabihin sa kanyang nahihirapan ka na sa pagtatrabaho mo ng mag-isa. Na kailangan mo na yung bayag niya na magtrabaho para may katuwang ka sa pagpapaaral ng anak niyong si Betty"

"Beh, sa tingin mo ba kaya ko yun? Kilala mo naman ako di ba?" Tila nag-aalangang tanong niya sakin.

"Masyado ka kasing mabait. Masyado mo kasing binebaby 'yang bayag ng asawa mo. Bakit hindi mo itry na maging badbitch kahit isang linggo lang?" Tugon ko.

Saglit na napaisip siya sa sinabi kong iyon. Base sa istoryang kinuwento niya sakin noon, mag-isa lang siyang nagtatrabaho  bilang isang katulong sa kabilang bayan para buhayin ang pamilya nila. Sa katunayan niyan ay may kaya naman talaga ang pamilya niya, yun nga lang ay itinaboy siya nito dahil sa maagang pagbubuntis niya gawa ng isang tambay na sa kasalukuyan ay kanyang asawa ngayon.

"Mag-asawa kayo. Dapat lang na magtulungan kayo sa mga problema. Di ba sabi mo nga na hirap ka na? Oh, bakit hindi mo idaing sa kanya yan kaysa dine ka sakin dumadaing. Idaing mo ng matauhan. Tiyaka huwag mo lahatin, huwag mong ipakita na okay lang na hindi siya gumagalaw" 

"Ayoko namang obligahin siya" Katwiran niya.

"Ay potangina beh. Isa ka palang lukaret eh noh. Maling mali iyang iniisip mo. Siya ang lalaki sa pamilya niyo, siya ang tatay, dapat nga ay siya ang mas  malaki ang hangarin na maiangat kayo sa kahirapan" Sagot ko sa kanya habang pinapaypayan ang eskaparate na pinaglalagyan ng tinda ko.

"May point ka naman, baka nga dahil doon kaya siya ganun" 

"Oo beh, magsabi ka na sakanya hindi yung feeling super darna ka diyan" 

Pansin ko naman simula kaninang pag-uusap namin ay ngayon lang siya ngumiti.

"Sige beh, dadaing ko na lahat sa kanya 'to. Salamat ng marami" Tumayo na ito.

"No problem. Balitaan mo nalang ako kapag na sabi mo na" Sabi ko sabay ngiti. Tumango lang siya sakin.

Makalipas ang ilang minuto nang makaalis si Tin ay hindi parin ako natitinag sa aking pagkaka-upo. Nahiling ko na sana ay maganda ang maging kalabasan ng pag-uusap nilang mag-asawa para hindi nadin pumunta yun dito, dagdag stress pa sakin.

"Kuya Vienne!" Napalingon naman ako nang marinig na tumawag sa pangalan ko.

"May problema din po ako" Sabi ni Totoy habang bumibili kay Keno ng buko juice.

Napailing naman ako nang makita ito. Nagpaalam din naman agad ito sakin.

"Ako din bakla may problema" Lumingon naman ako kay Keno.

Tumayo ako para lapitan siya. Magkatabi ang pwesto namin dito sa gilid ng kalsada dito sa kanto namin. Nagtitinda ako ng lahat ng klase ng pagkaing pwedeng ihawin tulad ng isaw, tenga ng baboy, paa ng manok, hotdog, barbeque, tilapia, at iba pa. Samantalng si Keno naman ay palamig. Kaya ba swak na swak ang tambalan namin, may pambara at may panulak.

"Bakit hindi mo gawing negosyo iyang pagpapayo? Sampong piso sa loob ng tatlong minuto, di ba?" Biro nito sakin.

Binugaw ko muna ang mga langaw na gustong pumasok sa eskaparate ng paninda ko bago siya sagutin. "Nagpapatawa ka ba? Nakita mong kasing hirap natin itong mga taong nanghihingi ng payo sakin tapos hihingan ko pa ng bayad, ano nalang ipapakain noon sa mga pamilya nila?" Sabi ko dahil karamihan nga ng nanghihingi sa akin ng payo ay mahihirap na katulad ko. 

"Sabagay, may point ka" Kibit-balikat na sabi niya. "Pero pwede namang pabilhin mo ng tinda mo. Nakatulong na sayo, may ulam at may payo pa silang matatanggap" 

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Isaw nga, Vienne" Sabi ng isang regular customer ko.

"Ilan?"

"Sampu" Sagot nito.

Agad naman akong kumuha nito sa eskaparate upang isalang sa ihawan. Ilang minuto din ay dumagsa na ang mga tao dito saming pwesto kaya hindi na din kami nakapagpatuloy sa kwentuhan namin ni Keno. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

VIENNE ANG BAKLANG CINDERELLA [BXB]Where stories live. Discover now