Chapter 3

1.6K 54 14
                                    

Matapos ang paghihiwalay nila ni Beatriz ay napag-alaman ni Jace na ilang araw ng hindi pumapasok sa eskwelahan ang dating kasintahan.

Nang maghiwalay sila ay inabala niya ang sarili sa trabaho at pag-aaral upang kahit papaano ay makalimot siya sa sakit na dinulot nito sa kanya.

Hindi siya maaaring panghinaan ng loob, bagkus ay lalo siyang nagpursige at gusto niyang patunayan kay Beatriz na matutupad niya ang pangarap niya na balang araw ay magiging isang matagumpay siya, na magiging ganap siyang pulis.

Sinubukan niyang alamin kung ano ang nangyayari sa dating kasintahan ngunit walang makapag bigay sa kanya ng kasugatan.

Ang totoo ay nag-aalala siya dito. Alam niyang wala na siyang karapatan pa dahil hiwalay na sila, ngunit hindi niya kayang balewalain ito. Mahal na mahal niya si Beatriz at aminado siyang sobra siyang nasaktan nang makipaghiwalay ito sa kanya.

Talagang gumuho ang lahat sa kanya. Ang mga pangarap niya para sa kanila ni Beatriz ay parang hangin na naglaho. Pakiramdam niya ay wala ng dahilan pa upang magpatuloy siya. Ngunit alam niyang may mga taong umaasa sa kanya. Ang kanyang ina na may sakit sa puso at ang kapatid niya.

Gusto niyang alamin kung kumusta na ito. Kung ano ang na mga nangyayari kay Beatriz. Maging ang kaibigan nito at nag-iisang pinsan na si Lexie ay hindi niya nakikita. Alam niyang ito lamang ang tanging paraan kung gusto niyang malaman ang nangyayari kay Beatriz.

Sinubukan din niyang tawagan ang numero sa bahay nila Beatriz ngunit hindi niya ito nakakausap at tanging mga kasambahay lamang ang sumasagot sa kanya.

Ayaw naman niyang ipilit pa ang sarili kay Beatriz dahil malinaw na sa kanya ang lahat. Ayaw na nito sa kanya at kahit masakit ay kailangan niyang tanggapin iyon.

Ipinangako niya sa sarili na patutunayan niya dito na makapagtatapos siya at magiging matagumpay.

Oo mahal niya si Beatriz ngunit hindi na siya nito mahal at ayaw na nito sa kanya kaya kahit masakit ay tinanggap niya ang pakikipaghiwalay nito.

Gusto lamang niyang alamin kung kumusta na ito at kung bakit hindi ito pumapasok.

"Hoy, ang lalim ng iniisip mo ah. Kasing lalim ng balon?" Ani ni Blade na tumabi ng upo sa kanya.

"Kanina ka pa?"

Napakunot ang noo si Blade saka ito tumawa ng mahina at umiling.

"Ganyan ba talaga ang epekto kapag brokenhearted? Tang ina! Nagiging tanga na, nawawala pa sa sarili."

Inikutan niya ito ng mata at muli siyang tumingin sa kung saan na para bang may malalim na iniisip.

"Bud, bakit hindi mo puntahan?" Tanong muli ni Blade sa kanya.

Napatingin siya dito saka umiling kaya tinapik nito ang balikat niya. Matalik niyang kaibigan si Blade. Kapatid na ang turing niya dito at sa kanila ito nakatira.

Tulad niya ay pareho ang kursong kinukuha nila. Ito rin ang una niyang nakilala sa unibersidad at kalaunan ay naging matalik na kaibigan.

Kasama din niya ito sa part time job kung saan siya nagtatrabaho. Halos hindi na nga sila mapaghiwalay na dalawa. Humihiwalay lamang ito sa kanya kapag alam nito na kasama niya si Beatriz.

Mayaman ito ngunit dahil sa kagustuhan niyang maging isang pulis ay itinakwil ito ng pamilya at pinilit buhayin ang sarili.

Mabuti na lamang at may nakatatanda itong kapatid na lihim na sumusuporta dito.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon